Iyon ang isang punto kung bakit pakiramdam ni Jun Wu Xie ay mayroong kakaiba. Sa estado ni
Wen Yu noong panahong iyon, hindi kailangan pa pag-usapan kung paano niya nagawa na
makaalis sa lugar sapagkat hindi niya nagawang mapanatili ang kaniyang kamalayan.
Ano ang nagdala sa kaniya palabas sa libingan ng Dark Emperor?
At kung sakaling iyon ay hindi isang tagabantay ng libingan ng Dark Emperor, paano niya
nagagawa na malayang makagalaw sa loob ng libingan ng Dark Emperor?
Habang matindi ang pag-iingat ni Jun Wu Xie, isang itim na anino ang mabilis na dumaan sa
dulo ng pasilyo!
"NGIYAW!!!" Nagtayuan ang balahibo ng pusang itim! Ang bagay na talagang kinatatakutan
nito ay mga "multo" na sinasabi ng mga tao! Napalabas ang mga kuko nito at mahigpit na
napakapit sa sa balikat ni Jun Wu Xie, halos humiwalay ang balahibo sa takot.
"Multo!! Ngiyaw isang multo!!!" Isang sindak at nahihintakutan na palahaw ang lumabas sa
bibig ng pusang itim.
Sa simula ay hindi natakot si Jun Wu Xie, ang mas nagpatigagal sa kaniya ay ang palahaw mula
sa pusang itim.
Isang spirit body na takot sa "multo"?
[Nawala na ba ito sa katinuan!?]
Nagdesisyon si Jun Wu Xie sa sandaling iyon, kung magpapatuloy siya sa paglalakad papasok
sa libingan ng Dark Emperor kasama ang pusang itim lamang, kahit na walang mangyari, kung
patuloy na magugulat si Little Black sa bawat maliit na bagay, ang kaniyang tainga ay
siguradong mababasag na.
Agad ay ginalaw ni Jun Wu Xie ang kaniyang kamay at tinawag si Poppy at Little Lotus.
Nang lumabas si Litttle Lotus at makita si Jun Wu Xie, ang mukha nito ay agad nagliwanag
dahil sa maningning na ngiti kung saan inunat niya ang matatabang braso at nais tumalon sa
mga braso ni Jun Wu Xie. Ngunit sa huli ay nakita niya si Poppy na nasa likuran ni Jun Wu Xie
at agad siyang umurong at nanginig, nanigas sa kaniyang puwesto.
"Eh? Ang Lord na iyon… hindi ka sinundan papasok dito?" Minasdan ni Poppy ang madilim na
daanan ngunit wala itong nakita na anong senyales ni Jun Wu Yao, at isang masamang ngiti
ang nabuo sa sulok ng kaniyang mga labi.
"Tigilan niyo ang kalokohan. Ito ang libingan ng Dark Emperor at kung hindi ninyo nais na
mamatay, kung gayon ay disiplinahin ninyo ang inyong mga sarili." Wala sa kondisyon si Jun
Wu Xie sa kanilang pagiging isip-bata at wala siyang balak na ibaba ang kaniyang depensa
laban sa anino na dumaan kanina. Kung mayroon man mula sa Dark Regions na talagang
nandoon, sa kapangyarihan na mayroon siya, ay hindi niya nasisiguro kung mananatili silang
buhay.
Sa malaking paggalang ng mga tao mula sa Dark Regions, ang tagabantay na kanilang ilalagay
sa lugar upang depensahan ang libingan ng Dark Emperor ay siguradong hindi lamang
pangkaraniwan at kung magtagpo sila, isang malupit na labanan ang siguradong magaganap.
Hindi niya inaasahan na mananalo kundi mas iniisip niya kung makakaligtas ba siya doon.
Masyadong malawak ang libingan ng Dark Emperor at ang kristal na nadurog niya kanina ay
maaring konektado sa isang suwits na naging dahilan upang mahulog sa libingan ng Dark
Emperor. Ngunit ang lagusan na iyon ay agad nasarahan at nang maghintay siya doon ng ilang
sandali ay wala siyang nakitang sinuman na bumubukas ng batong pintuan upang pumasok.
Inakala niya na ang daanang papasok ay tuluyang nasarahan na maging si Jun Wu Yao ay hindi
ito magawang buksan.
Ang patuloy na maghintay doon ay hindi makakatulong sa kaniya sa anumang paraan kaya't
nagdesisyon siya na maghanap na lamang ng daan palabas sa libingan ng Dark Emperor.
Sa mga sandaling iyon ay ipinagpapasalamat ni Jun Wu Xie na mayroon siyang ilang ring spirit
at kung sakaling maharap siya sa isang sitwasyon, ay maari niyang mabago ang mga bagay-
bagay gamit iyon.
At ngayon na kasama na nila si Poppy at Little Lotus, ang pusang itim ay mas naging matapang
ngunit itinago pa rin nito ang sarili sa balikat ni Jun Wu Xie at walang balak na bumaba.
Ngunit wala pang dalawang hakbang nang isang anino ang dumaan halos dampung metro sa
kanilang harapan!
Bago pa makapagsalita si Jun Wu Xie, mabilis na nagpunta sa harapan si Poppy, ang
nagliliwanag na pulang anyo nito ay naging nag-aalab na liwanag sa ilalim ng mapanglaw na
sinag ng apoy, diretsong nagtungo sa anino.
"Squeak!!"
Isang mahina ngunit matining na ingit ang biglang narinig!