webnovel

Pagkakaroon ng Asawa (5)

Editor: LiberReverieGroup

Kalmadong binuhat ni Jun Wu Xie ang itim na pusa at ihinarap iyon kay Jun Wu Yao.

"Ito ang nagturo sakin." Walang emosyong saad ni Jun Wu Xie.

Agad na namaluktot ang itim na pusa at pinipilit na magmukhang inosente sa harap ni Jun Wu Yao. Ngunit sa kaloob-looban nito ang katotohanan ay pinapagalitan nito ang kaniyang Mistress.

[Gusto ba netong mamatay ako!?]

[Gusto na niya siguro akong ipakatay!!]

Lumalim ang tingin ni Jun Wu Yao nang mapansing nanginginig na ang itim na pusa at halos mahimatay na ito. Binuhat niya ang pusa gamit ang isang kamay at itinapon iyon sa kung saan…

Animo'y isa itong bulalakaw sa langit habang nangingilid ang luha sa mga mata.

Mabuti na lang at nasalo ito ni Ye Mei. Dahilan para hindi mapunta sa putikan ang pusa.

Tuluyan nang tumulo ang luhang nasa mga mata ng pusa.

"Huwag kang matuto galing sa pusang iyon, baka makakuha ka lang ng hindi magandang asal." Natatawang saad ni Jun Wu Yao.

[Paano iyon naging hindi magandang asal?!]

Tumingin si Jun Wu Xie kay Jun Wu Yao, nang masiguradong "normal" ito ngayon, nakahinga siya ng maluwag. Walang duda, kapag pareho sila ng nararamdaman ni Jun Wu Yao katulad ng nararamdaman niya tatlong araw na ang nakakaraan, paniguradong dugo ang nakakalat sa Thousand Beast City ngayon at hindi bulaklak.

"Gusto mong manood?" Tanong ni Jun Wu Xie.

Umiling si Jun Wu Yao.

"Sa ingay at gulong iyon, matutuwa ka ba doon?" Hindi niya gustong mapanood si Hua Yao na ginaya ang anyo ni Jun Wu Xie para pakasalan si Qu Ling Yue…kahit na alam naman niyang hindi talaga iyon si Jun Wu Xie.

Tahimik lang na pinapanood ng itim na pusa si Jun Wu Yao at si Jun Wu Xie.

[Mistress, huwag mo siyang bibigyan ng mga walang kwenta ng ideya. Hindi mo ba napapansin na nagiging katakot-takot ang Demon Lord na iyan kapag nilukob ng selos?]

[Kung pupunta siya doon sa handaan, sigurado akong babaha ang dugo doon!]

Sa huli ay hindi nasaksihan ni Jun Wu Xie ang "kaniyang" pagpapakasal kay Qu Ling Yue. Sa halip ay bumalik ito sa kaniyang silid kasama si Jun Wu Yao para kausapin ito tungkol sa kaniyang spirit power.

Habang sa isang banda sa loob ng Heavenly Cloud Chambers, puno iyon ng mga tao. Dumating si Qu Ling Yue na may mahabang pulang belo. Ngayong araw ay papakasalan nito si Hua Yao na nagpapanggap bilang si Jun Wu Xie.

Para sa kasal, ginamit ni Jun Wu Xie ang kaniyang mga karayom upang pansamantalang mabalik sa normal si Qu Wen Hao. Iyon ay para personal nitong masaksihan ang kaniyang anak na ikinakasal sa taong "karapat-dapat" dito.

Nang matapos ang seremonya, inihatid si Qu Ling Yue sa silid para sa mga bagong kasal.

Si Hua Yao ay inaya ni Xiong Ba at mga tauhan nito para uminom. Sa ikatlong ikot, nakakaramdam na ng pagkalasing si Xiong Ba. Maya-maya lang ay bumagsak si Xiong Ba sa balikat ni Hua Yao at nagsimulang humagulgol. Umiiyak ito dahil bingo daw nito si Jun Wu Xie. Labis ang papuri at pasasalamat nito sa pagliligtas ni Jun Wu Xie sa Thousand Beast City maging kay Qu Ling Yue…

Subalit, si Hua Yao ang nakarinig nang lahat nito. Buti na lang at hindi pa lasing ng mga oras na iyon si Hua Yao.

Habang abala ang mga taga-Thousand Beast City sa selebrasyon ng kasal, sa labas ng kanilang gate ay mayroong dumating na Grupo ng mga sundalo. Sakay ang mga ito ng mata tangkad na kabayo at nakatayo sa gitna ng dagat ng mga bulaklak.

Ang binatang nasa gitna ay naguguluhang nakatitig sa kasiyahang nagaganap sa Thousand Beast City. Maging ang kasama nito ay ganoon din ang reaksyon.

"Royal Brother, may masayang okasyon sigurong ipinagdiriwang ang Thousand Beast City."

Lumalim ang tingin ng isa sa mga binata: "Kahit ano pa man ang nangyayari doon, dapat nating ihatid kay Jun Xie ang balita. Sana ay hindi pa siya nakakaalis ng Thousand Beast City."

Next chapter