webnovel

Ang Imbitasyon (1)

Editor: LiberReverieGroup

Sa ika-lawang araw matapos ang kaarawan ni Qu Xin Rui, isang grupo ng mga tao ang nagtipon tipon sa

labas ng Heavenly Cloud Chambers ng bukang liwayway. Lahat sila ay babae at magkakaiba ang kanilang

hitsura, nakasuot ng iba't ibang kasuotan, ngunit ang kanilang mga mukha, ay puno ng kalungkutan.

Lahat sila ay nakatayo sa labas ng Heavenly Cloud Chambers, mga mata nila naka tingin na mayhalong

lungkot at pananabik sa kanilang mga pamilya na nagpadala sa kanila, walang alam kung kailan nila ulit

makikita ang bawa't isa.

May mga tao na lumabas galing sa loob ng Heavenly Cloud Chambers at mayroong sampung kabayo na

may karuwahe ang tumigil sa labas. Ang mga lalaki galing sa Heavenly Cloud Chambers ay minadaling

pinapasok sa karuwahe ang mga babae, tuluyang naputol ang pananabik ng kanilang mga isipan.

Habang ang gulong ng karuwahe ay umabante, lahat ng tao na nagtipon palibot ng Heavenly Cloud

Chamber ay walang magawa kundi panuorin ang kanilang mga asawa at anak na dahan dahang inilalayo

sa kanila, at kahit gaano nila hindi gusto ang nararanasan, wala silang magagawa ukol dito.

Sampung kabayong may karuwahe ang dumating sa lagusan papasok ng Thousand Beast City habang

dahan dahan silang dumarating galing sa kabundukan. Dinaanan nila ang maliit na bayan ng Thousand

Beast City.

"Tignan niyo! Nandito na sila." Isang batang nakabihis ng simple ang nagsalita at tinapik ang kaniyang

kasama.

Ang isang bata na kumakain ay inikot ang kaniyang ulo at tumingin sa maliit na bintana, at nakita niya

ang sunod sunod na karuwahe ng kabayo.

"Tagabantay, sa iyo na ang barya!" Mabilis na pinunasan ng bata ang kaniyang bibig gamit ang likod ng

kamay, at itinapon ang kapirasong pilak sa lamesa bago umalis kasama ng dalawa niyang kasama.

"Ang kanilang pagdating ay ayon sa ." Saad ni Qiao Chu habang tinititigan ang pila ng mga karuwahe, ang

mga mata niya bahagyang naningkit. Nag-antay sila sa maliit na bayan ng Thousand Beast City ng

matagal at ang kanilang pakay ay nagpakita na.

"Ipagalam ky Brother Hua at sa iba, na hindi na nila kailangan magbantay sa ibang lagusan." Itinuon ni

Qiao Chu ang kaniyang ulo at nagsabi ky Rong Ruo.

Silang lima ay naghiwa-hiwalay at binabantayan ang apat na lagusan ng lungsod ng Thousand Beast City

sa mga bayan malapit sa lagusan at si Qiao Chu ay kasamang nag-aantay dito kasama si Rong Ruo.

Pinakawalan ni Rong Ruo ang Hell Butterflies ng walang ingay at mangilan-ngilan sa mga Hell Butterflies

ay lumipad sa sikat ng araw bago lumipad patungo sa iba't ibang direksyon habang si Qiao Chu at Rong

Ruo ay sinundan ang grupo ng karuwahe, at mabilis na nawala sa kapunuan.

"Ang mga taong iyon ay umalis na." Nagising ng napaka-aga ngayong araw si Xiong Ba. Hindi siya

nagmadaling pumunta at ayusin ang mga bagay sa Fiery Blaze Clan Hall, subalit siya ay pumunta sa

kwarto ni Jun Xie.

Bawat buwan sa oras na ito, ang nakakalungkot na pangyayari at maluhang pamamaalam sa Thousand

Beast City kung saan ang matagal na pagkahiwaly ng pamilya sa bawat meyembro ay magsasamang muli

ng isang maiksing buwan at sapilitang maghihiwalay ulit.

"Young Master Jun. Sigurado ka bang mahahanap natin ang lokasyon kung saan ikinukulong ang mga

tao?" Tanong ni Xiong Ba ky Jun Xie. Matapos dumating sa Thousand Beast City, walang ginawang

hakbang si Jun Xie. Subalit alam niya na ang mga kasamahan ni Jun Xie ay naghiwa-hiwalay bago

pumasok sa lungsod, para paghandaan ang kanilang mga gagawin, hindi maiwasan ni Xiong Ban a hindi

mag-alala ng husto sa mga sandaling iyon.

Kapag hindi sila nagtagumpay sa mga oras na iyon, maghihintay nanaman sila ng isang buong buwan. At

sa loob ng isang dagdag na buwan, hindi nila alm kung ilang problema pa ang lalabas.

Habang desididong amuin ni Qu Xin Rui si Jun Xie, inaasahang mayroong siyang gagawing aksyon.

"Mm." Tumango si Jun Wu Xie, tinanggap niya ng walang reaksyon ng kagaya ng ginagawa niya.

Samantalang si Xiong Ba ay sana dulo na ng kaniyang pagaalala, paikot ikot sa loob ng kwarto ng walang

humpay.

Kung saan nahilo na si Jun Wu Xie.

Natigilan ng sandali si Xiong Ba. "Ito….. Hindi ko mapigilang mag-alala…. Mainam na maayos ito kaagad

bago pa may panibagong problema ang dumating."

"Hindi na kailangan iyan." Saad ni Jun Wu XIe: Magtagumpay man o hindi, ay isang bagay na ikaw o ako

ay hindi na mababago. Ang hangal na Qiao at ng mga kasama niya, wala tayong magagawa kung hindi

ipaubaya sa kanilang mga kamay. Kung saan wala tayong magagawa, bakit naman natin ilalagay sa

pagaalala an gating mga sarili?"

Pag-iisip ng sobra ay hindi maganda. Wari'y kung ang ibang pagpipilian ay nasa loob ng ating kakayanan

ay hindi masama, ngunit kung ang mga bagay bagay ay nasa kamay ng iba, kahit gaano pa kalaki ang

ating pagaalala, walang silbi iyon, kung hindi ay guluhin ang isipan at emosyon natin.

Next chapter