webnovel

Sampal Gamit Ang Hiram Na Kamay – Ang Unang Anyo (2)

Editor: LiberReverieGroup

"Mama, kailangan mong tawagin si Papa papunta dito kung hindi ay mamatay sa sobrang pagpapahirap

ang anak mo."

Lumingon ang Emperatris kay Lei Fan. Bakas sa itsura nito ang sakit na nararamdaman.

Sina Xiong Ba naman at piniling manatili sa mansion upang hindi na masangkot sa isa pang insidente.

Makalipas ng ilang sandali, pumasok si Jun Wu Xie sa isa sa mga silid at isinarang mabuti ang pinto.

Naramdaman naman ni Xiong Ba na nagkamali siya sa bata at ayaw niya nang istorbohin pa ito.

Lingid sa kaniyang kaalaman, maingat na binuksan ni Jun Wu Xie ang bintana sa likod pagkapasok nito ng

silid. Sa labas ng bintana, naroon si Ye Sha na nakasuot ng itim na roba. Mahigpit nitong hawak ang

espada na tumusok sa leeg ni Lei Fan habang marahang pumasok sa silid at lumuhod sa harap ni Jun Wu

Xie.

"Young Miss narito ako para magbalita. Isang lalaking mula sa Empress' Palace ang umalis para

magtungo sa Prime Minister's Mansion."

"Oh?" Awtomatikong umangat ang isang kilay ni Jun Wu Xie.

"Mukhang mabilis ang kaniyang kilos."

Nagpatuloy sa pagsasalita si Ye Sha: "Kalahating araw lang ang pinahintulot ng Emperor sa kanila. Kaya

naman sinusulit ng Emperatris ang bawat segundo."

Naglakad si Jun Wu Xie palapit sa upuan at dahan-dahang umupo: "Manood lang tayo. Ang katahimikan

ng Fire Country's Imperial Palace ay masisira ngayon mismo."

"Oo!"

Muling nagsalita si Jun Wu Xie: "Sabihan mo na si Lei Chen na maaari na siyang kumilos."

"Opo!" Agad na tumalima si Ye Sha matapos sumagot kay Jun Wu Xie.

Nangalumbaba si Jun Wu Xie at humilig. Isinawsaw ni Jun Wu Xie ang kaniyang hintuturo sa tsaa at may

isinulat sa mesa.

Mabilis sng pagdating ni Lei Chen sa Imperial Palace. Naguhan naman ang Emperor nang marinig niya

ang pagdating ni Lei Chen sa palasyo. Nang masigurong walang kasama si Lei Chen ay doon niya pa lang

ito pinapasok.

"Bakit ka naparito?" Nag-aalala pa rin ang Emperor sa kondisyon ni Lei Fan. Ipinaramdam niya kay Lei

Chen na hindi niya gusto ang pagdating nito dito.

Lumuhod si Lei Chen sa harap ng Emperor at inilabas ang brocade box sa harap nito.

"Narinig ko ang balitang ang Fourth Prince daw ay hindi maganda ang kondisyon sa kasalukuyan. Pinalaki

ako sa Empress Palace kasama siya at naging malapit kami sa isa't isa. Nang nalaman kong marami ang

dugong nawala sa Fourth Prince, labis ko iyong ikinalungkot at hiniling na sana saakin na lang nangyari

iyon. Ngunit imposibleng mangyari iyon. Ang tanging magagawa ko na lang ay ang dalhin dito ang Blood

Ling Zhi na mayroon ako. Malaki ang maitutulong ng Blood Ling Zhi sa kondisyong ng Fourth Prince

ngayon."

Saglit na nagulat ang Emperor. Matagal na niyang binabalak na ipalit si Lei Fan sa posisyon ni Lei Chen

bilang Crown Prince. Noon pa man ang tingin niya kay Lei Chen ay kaaway ni Lei Fan. Ngunit nakalimutan

niyang malapit nga ang loob ng dalawa sa bawat isa. Paborito ng Emperatris si Lei Fan ngunit kahit kailan

ay hindi nagpakita ng pagkainggit si Lei Chen sa kaniyang kapatid.

Nang maisip iyon ng Emperor ay agad niyang tinanggap ang Blood Ling Zhi mula sa kamay ni Lei Chen.

Hindi niya pinag-isipan ng masama ang pagsugod ni Lei Chen sa palasyo.

Sa nakikita ng Emperor, mahal ni Lei Chen ang kaniyang kapatid kaya natural lang na mag-alala ito dito.

Kaya kahit na ilipat kay Lei Fan ang pagiging Crown Prince ay hindi ito magtatanim ng galit. Dahil sa mas

matimbang kay Lei Chen ang pagiging magkapatid nila ni Lei Fan, naniniwala ang Emperor na kahit pa

maging Emperor na si Lei Fan sa hinaharap ay susuportahan pa ito ni Lei Chen.

"Nasisiyahan akong malaman na labis kang nag-aalala para kay Lei Fan. Matindi ang dinadanas ng iyong

kapatid ngayon at ipinakita mong mayroon siyang malaking puwang sa iyong puso. Ang Blood Ling Zhi na

ito, ito ba ang pinaghirapan mong hanapin noon para ibigay sa Empress Dowager noon?" Nakangiting

tanong ng Emperor.

Next chapter