webnovel

Ang Pagkamatay Ni Fan Qi (3)

Editor: LiberReverieGroup

Naisagawa ni Fan Qi ang kaniyang plano. Nakipag-usap muna siya kay Fan Jin nang tungkol sa

mga normal na usapin bago niya nilipat ang usapan tungkol kay Ah Jing. Nang mga oras na yun

ay nagtatago si Ah Jing sa lihim na kuwarto na balisa at ang kaniyang mga kamay ay basang-

basa sa pawis dahil sa kaba.

Subalit, nang si Fan Jin ay magsasalita pa lamang, ang pintuan ng opisina ay biglang bumukas.

Dalawang tao ang nakatayo sa labas ng pintuan!

Ang isa sa kanila ay si Ning Rui at ang isa ay si Gu Ying.

Nung una ay hindi naisip ni Ah Jing na may mali ngunit ang mga sumunod na nagyari ang

naglagay sa kaniya sa kailaliman!

Pumasok si Gu Ying sa loob ng opisina ng walang salita at bigla ay nawala sa kaniyang lugar!

Sa sumunod na sandali ay lumitaw si Gu Ying sa harapan ni Fan Qi at ang espada na kaniyang

hawak ay itinarak niya sa dibdib ni Fan Qi kaya hindi iyon nakagalaw sa kaniyang kinauupuan!

Hanggang sa huling sandali ay hindi nanagawa ni Fan Qi na makaganti o maintindihan ang mga

nangyayari. Hawak ni Gu Ying ang puluhan ng espada nang bumagsak siya paharap at pinilit

makipaglaban sa kaniyang kamatayan, napakaraming dugo ang umagos mula sa hiwa na

kaniyang natamo pati na rin sa kaniyang bibig at ang mga mata ay nakatitig kay Ning Rui na

hindi makapaniwala na nagdala kay Gu Ying sa kaniyang opisina.

Nang mamatay si Fan Qi ay galit na galit na umatake si Fan Jin kay Gu Ying.

Si Fan Jin na isang magaling na mandirigma ng Zephyr Academy ay nasupil ni Gu Ying sa isang

tira lamang at iyon ay talagang nakakagulat. Hindi pinatay ni Gu Ying si Fan Jin, siya ay marahas

na hinampas sa ulo ni Gu Ying gamit ang dalawa niyang kamay. Si Fan Jin ay walang malay na

bumagsak sa sahig at lahat ng nangyari ay nasaksihan ni Ah Jing na nakatago pa rin sa lihim na

kuwarto sa loob ng opisina.

Narinig niya ang boses ni Ning Rui.

Sabi ni Ning Rui: "Sa wakas... Hahaha... Patay ka na rin... Hahaha… Fan Qi! Patay ka na rin!

Hahahahaha…"

Sa mga oras na iyon ay nakaramdam si Ah Jing na para bang tinamaan siya ng kidlat. Ni sa

hinagap ay hindi niya aakalain na ang maamo na si Ning Rui ay nais na paslangin si Fan Qi. Sa

loob ng lihim na kuwarto na iyon siya ay nakaramdam ng pagkawasak. Inilagay niya ang

kaniyang mga kamay sa kaniyang bibig bago siya makagawa ng ingay.

Malinaw na nakita niya ang pagbunot ni Gu Ying sa espadang nakatarak sa dibdib ni Fan Qi at

inilagay ang puluhan sa kamay ng walang-malay na sai Fan Jin.

Pagkatapos ay umalis na siya kasama si Ning Rui palabas ng opisina at isinara ang pintuan sa

likod nila.

Si Ah Jing ay nahulog sa lubos na kawalan ng pag-asa at ang masakit na katotohanan na

sumisira sa kaniyang isip ay nagdulot sa kaniya ng pakiramdam na parang sasabog sa kaniyang

ulo.

Sa isang saglit ang walang malay na si Fan Jin ay biglang umupo. Natuwa si Ah Jing at nais na

lumabas sa kaniyang pinagtataguan nang mapansin niya ang kakaibang kilos ni Fan Jin at siya

ay natigilan sa kaniyang pinagtataguan.

Si Fan Jin ay nakatingin sa kawalan na para bagang ang kaniyang kaluluwa ay tinanggal sa

kaniya at sa kaniyang mga kamay ay hawak niya ang espada na kumitil sa buhay ni Fan Qi. Sa

ibabang parte ng espada ay puro dugo ngunit si Fan Jin ay tila walang maalala sa lahat ng

nangyari.

Nais san ani Ah Jing na lumabas upang malaman ang kondisyon ni Fan Jin ngunit biglang

nagbukas ang pintuan sa opisina.

Ang tagapaglingkod na namumuno sa lahat ng mga padala para kay Fan Zhou sa kakahuyan, si

Gongcheng Lei ay nagbukas ng pinto. Tahimik siyang nakataingin kay Fan Jin na hindi

gumagalawa na ankatayo sa loob ng opisina at nakatingin sa kawalan. Tinawag niya ito ngunit

wala siyang nakuhang sagot kay Fan Jin.

Sa sumunod na sandal ay isang makadurog-puso na panaghoy ang narinig kay Gongcheng Lei.

"Headmaster! Anong nangyari dito!?"

Dahil sa malakas na panaghoy na iyon ito ay nakakuha ng atensyon sa maraming tao at

nagpuntahan sa lugar na iyon. Patay na si Fan Qi at sa loob ay naroon si Fan Jin na nakatayo at

nakatingin sa kawalan at hindi makausap hawak ang espada na puno ng dugo. Natigagal ang

lahat sa kanilang nakita. Matagal bago nakarating si Ning Rui sa pangyayari at inayos ang libing

ni Fan Qi na kunwari ay malungkot at nagdadalamhati habang inutusan ang mga guwardiya na

ikulong ang hindi na makapagsalitang si Fan Jin.

Ngunit ang lahat ay nasaksihan ni Ah Jing. Bago ang malakas na pag-iyak ni Gongcheng Lei ay

saglit itong ngumisi.

At iyon ay malinaw na nakita ni Ah Jing!

Ang pagpaslang kay Fan Qi at ang pagdiin kay Fan Jin nang pangyayari, si Gongcheng Lei ay

kasabwat sa krimen!

Next chapter