webnovel

Spirit Reinforcement (5)

Editor: LiberReverieGroup

Ang maliit na itim na pusa sa lamesa ay nakapagklaro na ng kanyang isipan, pero ang una niyang nakita ay ang kanyang maestrang may ibang tingin sa kanyang mga mata.

Ang mga matang iyon, dali dali'y nagpataas ng kanyang likas na pakiramdam, at ito'y nagbabala sa pusa sa isang napakalapit na panganib. 

"Anong iniisip mo?!" Tanong ng pusang umaatras sa sulok ng silid, pinakamalayo kay Jun Wu Xie. Ang mga mata nito'y punong puno ng takot habang nakatitig kay Jun Wu Xie.

Kinuha ni Jun Wu Xie ang isang paa ng pusa habang sapilitang itong hinatak ang takot na takot na pusang nasa harap niya.

"Ilang taon kitang sinamahan sa kahirapan at kaginhawaan! Karapat dapat ako sa kahit katiting na kredito kahit hindi mo ito pinahahalagahan! Hindi mo pwede gawin to!!!" Daldal parin ng daldal ang pusa nang takpan ni Jun Wu Xie ang kanyang bibig.

"Padaldal ka ng padaldal." Sinabi ni Jun Wu Xie habang ang kanyang mga mata'y nanliit.

Bago ito muling maisilang, napakatahimik niya.

Malungkot na nakatingin ang pusa kay Jun Wu Xie.

Gustong gusto niyang sumagot. Hindi totoong tahimik siya noon. Nagkataon lang na ang naging buhay ng kanyang maestra noo'y matamlay at wala masyadong pagbabago. Habang nabubuhay sa paulit ulit na gawain, ano ba ang dapat pang sabihin?

"Ang mga runes na sinulat ko kanina ang natapakan mo. Kapareho ito sa runes na ginamit ni Fan Zhuo sa spirit ring, pero hindi ako sigurado sa ibig sabihin nito. Pero matapos kong makita ang nangyari sayo, magagamit natin itong mga runes na ito. Pag ginamit ito sa isang katawang ispirtiwal, nakakagawa ito ng tiyakna epekto." Habang siya'y nagsasalita, binitawan na ni Jun Wu Xie ang pagkahawak sa bibig ng pusa, at isinawsaw niya muli ang kanyang daliri sa tsaa at nagsulat sa lamesa ng isang character.

"Eto yung una mong natapakan."

Pagkatapos niyang magsalita, tinuloy niya ang pagsulat sa pangalawang character.

"Eto yung pangalawang natapakan mo."

"Sa una, napalibutan ka ng apoy pero hindi mo ito naramdaman, at hindi ka rin nasaktan. Ibig sabihin, nagmayari ang kapangyarihan sayo, pero hindi ito makakasama sayo. Sinubukan ko rin ito kay Lord Meh Meh kanina, sa kung paano ito nangyari sayo, pero hindi ito tumalab. Tanging ang katawang spiritwal lamang ang nakakagamit ng kapangyarihan na binibigay ng mga runes na ito." Napaisip si Jun Wu Xie habang hinahaplos ang kanyang baba. Ipinoproseso nya ang lahat ng mga nakita niya.

"Pero sa parehong okasyon, mabilis lang ang kinatagal ng kapangyarihan nito. Maaaring dahil ito sa paggamit ko lamang ng tsaa sa pagsulat ng rune at agad itong sumingaw sa katawan mo."

Kung tama ang kanyang hula, hindi na nila kailangang isulat ang runes sa mismong spirit rings pero kailangan nilang maghanap ng angkop na paraan para mailagay ang runes sa mga ring spirits. Mas mabilis niyang makukuha ang mga resulta at hindi ito makakasama sa mga ring spirits kahit mali ang pagkalagay ng runes dito.

Ang isa pang nagpasaya sa Jun Wu Xie ay ang pagkadiskubre nito'y nakasagot sa isa pang malaking problemang kanyang naiisip!

Makikilala na niya ang mga characters sa mga runes!

Naaalala niya ang bawat hugis ng bawat character ng mga runes, pero hindi niya maintinidhan kung ano ang mga ibig sabihin into. Ngayon, kailangan niya lang ito isulat gamit ang tubig, gamitin ito kay Little Black at ang resultang epekto ang makapagsasabi kung ano ang ibig sabihin ng character na kanyang sinulat. Mabilis lang ang proseso at hindi nangangailangan ng masyadong lakas para gawin ito.

"Hindi… hindi mo naman balak subukan sakit lahat diba..?" Nanginginig ang whiskers ni little black.

Matapat na tumango si Jun Wu Xie.

Umiling si Little black habang ito'y nagmakaawa.

"Hindi! Hindi mo pwedeng gawin to! Hindi ba't meron ka pang Little Lotus? Tawagin mo siya ngayon! Bakit laging ako?!"

Kailangan niyang magprotesta.

Hinaplos ni Jun Wu Xie ang likot nito at marahang nagsalita. "Pinaalala mo lang sakin."

Next chapter