webnovel

Auction Para sa mga Mayayaman (4)

Editor: LiberReverieGroup

Liningon naman ito ni He Chang Le, tinapik ang lalaki sa balikat at sinabing: "Malaki ang ibibigay na epekto ng auction na ito sa reputasyon ng Chan Lin Auction House. Maiaangat ng mga elixir na ito ang lebel ng Chan Lin Auction House at panigurado ng magbibigay ng magandang resulta. Dapat mo iyang tandaan. Kailangan mong galingan. Karamihan sa mga tao ngayon dito ay ang elixir ang habol. Kung sila ay matutuwa sa resulta, at bumalik ang ating kliyente, imumungkahi ko sakaniya kung maaari niya ba tayong permanenteng suplayan ng elixir. Kung ganoon ang mangyayari, magkakaroon ng Chan Lin Town sa ibang bagay!"

"Gagawin ko! Gagalingan ko ngayong gabi!" Kumpiyansa ng saad ng lalaki at muling sinipat ang kaniyang sarili.

"Sige na! Ang kinabukasan ng auction house ay nakaalalay sa mangyayari ngayong gabi!" Kinakabahang tumingin si He Chang Le sa mga tao. Kahit na may magandang reputasyon ang Chan Lin Auction House sa rehiyong ito, sila naman ay hindi gaanong malaya. Kung ngayon, sila ay sisikat...

Mas lalong nasabik si He Chang Le sa kaniyang naiisip!

Nang lumabas na ang auctioneer sa entablado, nagpalakpakan ang mga tao. Halos gumuho ang Chan Lin House dahil sa masigabong palakpakan ng napakaraming tao sa loob non.

Kinakabahan ang lalaking nakatayo sa entablado. Siya ang nangungunang auctiooner ng Chan Lin Auction House. Madalas siyang kampante, ngunit nang kaniyang makita ang napakarami ng tao sa kaniyang harapan, nangatog ang kaniyang mga tuhod.

Tahimik namang nakaupo si Jun Wu Xie sa isang pribadong silid sa ikalawang palapag habang pinapanuod ang pangyayari sa baba.

"Bago ang lahat, nais ko kayong batiin lahat sa papunta sa Chan Lin Auction House ngayong gabi. Naniniwala akong ang aming mga pangunahing bisita ay narinig na ang balita. Ang Chan Lin House ngayon ay may hawak na pambihirang klase ng mga elixir! Ilang elixir din ang ipinagkatiwala saamin at ang mga epekto noon ay paniguradong kamangha-mangha. Tingin ko ay oras na para malaman niyo kung ano ang epekto noon. Para sa pagpapatuloy, maaari na ba naming iprisenta ang unang elixir para sa auction? Ilabas niyo na!" Pag-aanunsyo ng auctioneer sa mababang boses. Agad namang natahimik ang mga tao.

Lahat ng mga matang naroon ay nakatuon sa elixir na ngayon ay dinadala sa entablado.

Kumekembot naman ang babaeng may dala noon habang naglalakad paakyat.

Sa oras na iyon, hindi na pinansin ng mga tao ang balingkinitang babae na may dala ng elixir, bagkus ay nakatuon ang atensyon sa kahon na nasa tray!

"Ito ang Spirit Intensifying Elixir! Kapag ito ay inyong ininom, magbibigay iyon ng pansamantalang paglakas sa kaniyang spiritual power, maabot nito ang mataas na lebel ng spiritual power! Ang epekto noon ay tumatagal ng isang buong araw, mararanasan ng umiinom nito ang lakas ng spirit power na hindi pa nila nararanasan sa tangang buhay nila. Magagawa din ng taong iyon na talunin ang isang malakas na kalaban! Kahit na pang-isang araw lang ang epekto non, kapag ginamit iyon sa tamang oras ay paniguradong hindi kayo bibiguin!" Pagsasalaysay ng auctioneer ng detalye tungkol sa epekto ng elixir.

Nag-ingay naman ang mga tao dahil doon!

Kapag tumataas ang lebel ng spiritual power, bumabagal naman ang pag-usad noon. Marami sa mga tao ang natigil na sa pag-angat ng kanilang kasalukuyang spiritual level. Labis iyong ikinalulungkot ng mga taong nahinto na sa pag-usad. At ang tsansa nila para maranasan ang kakayahang inaasam-asam nila ng ilang taon ay narito na.

Ang sinabi naman ng auctioneer ay tama, kanila iyong magagamit para isalba ang kanilang buhay.

Hindi na nila gaanong pinansin iyon. Ang isang elixir na makakapagbigay sa kanila ng lakas ng ganon kabilis ay isang pambihirang gamot!

Next chapter