webnovel

Heaven’s End Cliff (4)

Editor: LiberReverieGroup

Tinapos nila ang kanilang plano at sinimulan ang paghahanda sa pagpunta sa Heaven's End Cliff sa pamamagitan ng pagpapagaya ng kanilang ring spirits.

Ngunit bago niyan, kailangan muna nilang pagalingin ang katawan ni Mu Qian Fan.

At ang gawwaing iyon ay napunta nanaman kay Jun Wu Xie.

Para makakuha ng Black Silver sa sa Black Jade Rock, kailangang bigyan iyon ng mahaba-habang panahon. Matapos makipagsundo nina Rong Ruo at Fan Zhuo sa presyo, iniwan na nila ang Black Jade Rock doon at umalis na.

Wala namang makakakilala doon kaya hindi na sila gaanong nag-alala na may magkakainteres na magnakaw non.

Matapos nilang makabalik sa Inn, naging abala sila sa kaniya-kaniyang gawain. Wala ni isa sa kanila ang nagbanggit ng tungkol sa Heaven's End Cliff.

Nang magdidilim na, lumabas si Jun Wu Xie at naghanap ng mga kakailanganin niya para sa gamot at elixir. Dahil wala namang nagcucultivate ng elixir sa Zephyr Academy, hindi gaanong kilala sa Chan Lin ang mga bagay na hinahanap niya.

Pagkatapos ng ilang oras na paghahanap, may natagpuang tindahan si Jun Wu Xie na maliit na tindahan na nagtitinda ng kalan na ginagamit para sa pag-cultivate ng elixir. Ang kalan ay kasing-laki lang ng palad at gawa sa purong tanso. Mababa ang kalidad non pero makakatulong na iyon pansamantala.

Sunod na nagtungo si Jun Wu Xie sa tindahan kung saan may nagtitinda ng mga halamang-gamot. Matapos mabili ang kaniyang mga kailangan ay bumalik na ito sa inn at sinimulang pag-aralan ang lason sa laman ni Mu Qian Fan.

Nagtrabaho siya hanggang gabi at hindi nakakuha ng maayos na pahinga. Nang kumatok si Hua Yao kinabukasan, naabutan siya nitong may hawak na ilang bote ng gamot. Saglit lang siya nitong sinulyapan at nagpatuloy sa ginagawa.

"Pinapatanong ni Qiao Chu kung kailan daw ulit tayo babalik sa auction house." Nabuhay ang interes ni Hua Yao sa pinagkakaabalahan ni Jun Wu Xie ngayon. Hindi niya pa nakikita si Jun Wu Xie na gumagawa ng gamot. Naging interesado siya sa maliit na batang nasa kaniyang harap dahil na gagawa nitong mag-cultivate ng pambihirang elixir.

"Ngayon." Simpleng sagot ni Jun Wu Xie.

Matapos sabihin iyon ay binitawan nito ang ginagawa at kinuha ang mga elixir at spirit stones sa kaniyang cosmos bag at inilapag iyon sa mesa. Tinuro niya ang mga elixir at binigyan ng instruksiyon si Hua Yao bago niya ibinalot iyon at inabot kay Hua Yao.

"Ibenta mo ang lahat ng 'yan." Saad ni Jun Wu Xie.

Ang pagbenta sa mga spirit stones ay baka hindi maging sapat para mabili niya ang kaniyang mga kailangan.

Idagdag pa ang mga halamang-gamot na kaniyang kakailanganin.

Bakas naman ang pagtataka sa mukha ni Qiao Chu nang kaniyang titigan ang mga elixir na inabot ni Jun Wu Xie sa kaniya. Matapos bangggitin sa kaniya ni Jun Wu Xie ang tungkol sa mga epekto non, napako siya sa kaniyang kinatatayuan.

"Gusto...mo talagang ibenta ang mga ito?" Para sa kaniya, pambihira ang mga elixir na ito. Kahit na hindi iyon makakatumbas sa unang pinabenta sa kaniya ni Jun Wu Xie noong sila ay nasa harap ng Zephyr Academy, may namumukod-tanging epekto pa rin ang mga elixir na kaniyang hawak ngayon.

Napakaraming elixir at handa itong ibenta iyon lahat ng walang pagdadalawang-isip?

"Mmm. Iyan lang ang meron ako ngayon." Tumango si Jun Wu Xie. Kaunti na lang ang kaniyang elixir at ayaw niya namang ibenta sa iba ang magagandang klaseng elixir na kaniyang ginawa. Mas gugustuhin niyang ibigay na lang iyon sa mga taong malapit sa kaniya.

Sa Zephyr Academy, malaki ang kaniyang ginastos doon. At ginamit niya ang kaniyang oras sa pag-cultivate ng mga elixir para ibenta niya sa Chan Lin Auction House. Ito ang unang beses na susubukan niya iyon.

Kung maganda ang magiging resulta, ipagpapatuloy niya ang kaniyang plano.

Dahil wala siyang gaanong alam tungkol sa pera, hindi gaanong naging malaking bagay iyon kay Jun Wu Xie.

Madali lang iyon kay Jun Wu Xie, ngunit imposible para kay Hua Yao. Kung hindi niya alam ang mga epekto ng mga elixir na kaniyang hawak, madali lang sa kaniyang bitawan ito.

Next chapter