webnovel

Enrollment (2)

Editor: LiberReverieGroup

Pinikit ni Jun Wu Xie ang kaniyang mga mata at ipinasok ang kaniyang spiritual power sa kristal.

Isang nakakabulag na orange na liwanag ang sumabog at ang liwanag na iyon ay kumuha ng atensyon ng mga batang naroon!

Sina Qiao Chu naman na hinahanap si Jun Wu Xie matapos makapag-enroll ay nagulat sa pagkalat ng orange light!

Inagaw ng ilaw na iyon ang atensyon ng lahat at ang mga ito ay gulat na napatingin kay Jun Wu Xie.

Orange!?

Ang spirit stone ay umiilaw ng orange!?

Ibig sabihin ang spiritual power ng batang iyon ay orange level?

Sa lahat ng naroon, wala na silang makitang mas maliit dito. Ang itsura nito ay maliit at payat at talagang napakabata ng itsura. Halatang isa ito sa mga pinakabatang naroon. Kung hindi alam ng mga naroon na ang mga ring spirits ay nagigising sa edad na labing-apat, isipin nilang si Jun Wu Xie ay nasa labindalawang o labintatlong gulang pa lang!

Ngunit para silang sinampal nang makitang ang pinakabata sa itsurang naroon ay naabot na ang orange level!

Nagbulungan ang mga tao sa paligid at hinuhulaan ang edad nito.

Si Fei Yan na naglalakad patungo sa direksyon ni Jun Wu Xie ay napatampal sa noo ng makita niya ang orange na liwanag.

"Tapos na! Ngayon, ay tapos na talaga!"

Gumagawa ng pagsisiyasat ang Zephyr Academy sa mga ring spirit. Kapag dineklara ng aplikante na siya ay nakatungtong sa susunod na level, sila ay muling magsusuri. Walang nagtago ng katotohanang iyon sa mga aplikante dahil mahirap abutin yon sa edad na labing-apat hanggang labing-anim.

Nagdesisyon sina Qiao Chu na simulang maghanap sa branch division dahil kumpiyansa sila sa sariling madali lang sa kanila ang matanggap sa main division kung gugustuhin nila. Inilihim nila ang tunay na kakayanan ng kanilang spiritual power.

Ngunit hindi nila inaahasan na mangyayari iyon kay Jun Wu Xie.

Bakit biglang nagpasuri ang Zephyr Academy sa spiritual power level ni Jun Xie?

Isang labing-apat na nakaabot sa orange level ang spiritual power. Hindi na kailangang sabihin, pero agad itong matatanggap sa main division!

Ngunit ang apat ay nakumpleto na ang kanilang enrollment at natanggap na nila ang kanilang emblem para sa branch division, huli na para sila ay magpalipat!

Sa huli, ang lalaking nagsuri kay Jun Wu Xie ay mataman siyang tinignan at bumulong sa isang kasamahan nito bago iyon agad na umalis.

Ilang sandali lang, isang lalaking nakasuot ng light blue robe ang marahang naglakad patungo sa pintuang daan. Sinundan nito ang direksyon ng orange na liwanag at lumapit kay Jun Wu Xie.

Malamig ang mga tingin ibinabato ni Jun Wu Xie.

Nagtaas naman ng isang kilay ang lalaking naka blue robe nang kaniyang makita si Jun Wu Xie. Hinawakan siya nito ang kamay ni Jun Wu Xie na may hawak sa spirit stone.

Hinanda nila Qiao Chu ang kanilang mga sarili habang nanonood sa di kalayuan.

Lumalim naman ang tingin ni Jun Wu Xie ngunit hindi umimik.

Hinawakan lang ng lalaki ang kaniyang kamay at wala nang ginawa pa. Makalipas ng ilang saglit, ngumiti ito at nagsalita: "Isang orang spirit para sa labing-apat na taong gulang. Masasabi kong ito ay kamangha-mangha."

Umingay naman ang mga tao sa paligid nang kanila iyong marinig!

Ang makarating sa orange level sa labing-anim na taong gulang ay hindi gaanong nakakagulat, pero ang orange level para sa isang labing-apat na taong gulang...

Nakakabaliw kung isipin iyon!

Sa labing-apat na taon, ano ang ginagawa ng karamihan?

Halos kakagising lang ng kanilang ring spirit sa ganoong edad, kaya naman nagsisimula pa lang ang mga itong magsanay at palakasin ang kanilang spiritual power. Nagsisimula pa lang din silang intindihin ang kakayahan at kapasidad ng kanilang ring spirit at hindi bababa sa kalahating taon para gawin iyon. Bago sila sumabak sa seryosong pagsasanay, mahabang panahon ang kailangan nila para masanay sa kanilang bagong kakayahan.

Para sa isang labing-apat na taong gulang, halimaw ang makakaabot ng orange level spirit...

At hindi pa sila nakakarinding ng ganong pangyayari!

Sinong mag-aakala na ang isang batang katulad nito ay mabilis ang pag-unlad ng spiritual power!?

Next chapter