webnovel

Ouyang Clan

Editor: LiberReverieGroup

"Ang Ouyang Clan?" Biglang kumunot ang mga kilay ni Duan Ling Tian.

Noong siya ay nasa pamilihan noong araw na iyon, may napansin siyang nakasunod sa kaniya, subalit magaling magtago ang taong iyon, kaya't hindi niya pa ito nahuhuli.

Hindi nagtagal, huminto na ang taong iyon sa pagsunod sa kaniya, kaya't hindi na niya ito binigyang-pansin pa.

Sinong nakakaalam na mayroong maghahanap sa kaniya sa sandaling dumating siya sa bahay-tuluyan? Dagdag pa rito, ang taong iyon ay isang katiwala ng Ouyang Clan.

Kahit hindi sabihin, alam ni Duan Ling Tian na malamang ay ideya ito ni Ouyang Ruo.

Bilang isang bagong mukha sa Han River City, sa anong paraan niya makukuha ang atensyon ng Ouyang Clan?

Tiyak na tama nga ang hula ni Duan Ling Tian.

Matapos bumalik ni Ouyang Ruo sa Ouyang Clan, ang unang bagay na ginawa niya ay magpunta sa kaniyang ama, ang Ouyang Clan Leader at sabihin sa kaniya ang aksidenteng nangyari sa Jiuqu Mountain Range.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

Next chapter