"Kailan pa nawawala si Brother Ling Tian? Paano siya nawala?" Tumingin si Han Xue Nai kay Xiong Quan nang may matigas na ekspresyon at nagtanong nang may pagkabahala sa kaniyang mukha.
Malamang, narinig niya ang talakayan sa mga traydor ng Ling Tian Sect bago siya maglaho at nalaman ang tungkol sa pagkawala ni Duan Ling Tian.
"Nagsimula ito noong nakaraang kalahating taon..." Bumuntong-hininga si Xiong Quan at pagkatapos ay pinaliwanag ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari. Kumalaunan, umamin siya. "Sa kasamaang palad, masyado akong mahina. Hindi ako makapasok sa Lost Stone Forest upang magtanong sa kinaroroonan ng Young Master."
"Sa Lost Stone Forest, huh?" Bulong ni Han Xue Nai habang nanliliit ang kaniyang mga mata ay mayroong bakas ng kalamigan.
Support your favorite authors and translators in webnovel.com