Tito Pulang Nunal?
Alam ni Duan Ling Tian kung sino ang tinutukoy ni Han Xue Nai, at ang mga sulok ng kaniyang bibig ay hindi mapigilang kumibot.
Sa isip ni Duan Ling Tian, ang nunal sa pagitan ng mga kilay ni King Yong au parang namuong dugo, at napakaganda nito para sa kaniya noong nakita niya ito.
"Si Xue Nai lamang ang nangangahas na tawagin si King Yong bilang Tito Pulang Nunal." Naisip ni Duan Ling Tian.
Matapos makapasok ng Three-Eyed Flame Tiger sa teritoryo ng Darkhan Dynasty, dumiretso ito sa Capital.
Ang Martial Competition ng Darkhan Dynasty ay idaraos sa Capital sa itinakdang oras, at kakatawanin ni Duan Ling Tian ang Darkstone Empire upang makipaglaban para sa kwalipikasyon na makalahok sa Martial Competition ng Sampung Dynasty.
Pampagana pa lamang ang Martial Competition ng Dynasty.
Ang Martial Competition ng Sampung Dynasty ay ang tunay na pangunahing tagpo.
Support your favorite authors and translators in webnovel.com