"Bata, sa tingin mo ba ay madali lamang ang kumuha ng 100 milyong ginto sa aming Zhu Clan?" Nang makita ng Eldest Young Master ng Zhu Clan na nalantad ang kanyang ginawa, hindi na niya ito tinago pa at tinanggal niya lahat ng pagpapanggap. "Ngunit, naglakas-loob ka talagang patayin ang tatlong Revered Elders ng aming Zhu Clan… Mamamatay ka na!"
Sa halos parehas na sandali na natapos siyang magsalita, sumiklab ang Origin Energy sa katawan ng Eldest Young Master ng Zhu Clan, habang ang Origin Energy sa katawan ng apat na nakatataas ng Zhu Clan ay nabalisa habang ang kanilang kahanga-hangang awra ay binalot ang langit na para bang bahaghari.
"Ano? Hindi nararamdaman ng Zhu Clan mo na nasa mali ka?" Tumingin si Duan Ling Tian sa Patriarch ng Zhu Clan, Grand Elder at sa dalawang Elder nang siya'y magsalita gamit ang malalim na boses.
Support your favorite authors and translators in webnovel.com