"Sira-ulo, ano ang iniisip mo? Masiyadong malalim?" Napansin ni Li Fei ang hindi natural na ekspresyon ni Duan Ling Tian at nagtatakang nagtanong. Ang kaniyang tono ay tila may nakahalong pag-aalala.
"Wala ito, mayroon lamang akong naisip." Umiling si Duan Ling Tian, at hindi sinabi kay Li Fei ang tungkol sa pagkawala ng dalawang maliliit na pythons.
Hindi niya gustong mag-alala si Li Fei katulad niya.
Nag-usap sina Duan Ling Tian at Li Fei, at hindi nila namamalayan na pinag-uusapan nila ang tungkol sa martial competition ng outer court tatlong buwan mula ngayon.
"Sira-ulo, narinig ko binago ang mga batas sa kompetisyon outer court martial." Biglang sinabi ni Li Fei kay Duan Ling Tian.
"Binago ang mga batas? Ano ang mga nabagong batas?" Nabigla si Duan Ling Tian, at nagtanong.
Support your favorite authors and translators in webnovel.com