Tatlong imahe ng tao ang makikitang nakatayo sa isang parte ng kalawakan.
"Papatayin mo ba talaga siya Luo Feng?" Maririnig ang boses ni Babata sa diwa ni Luo Feng. "Mayroon siyang potensyal na maging isang hindi mapantayang fighter!"
"Hmph!"
"Hinahangaan ko ang kakayahan niya, pero hindi ako magmamakaawang pasunurin ang isang ito. Kinakailangan ko siyang patayin matapos niyang pumuunta rito para patayin ako!" Nanlamig ang itsura ni Luo Feng. "Hinahangaan ko siya, binibigyan ko siya ng pagkakataong isuko ang kanyang sarili…papatayin ko siya ng walang pag-aalinlangan sa oras na tumanggi siya! Potensyal na maging isang hindi mapantayang fighter? Huwag mo nang banggitin ang potensyal ng mga sector lords o maging ng mga undying! Marami sila sa kalawakang ito!"
Tumingin si Luo Feng kay Bai Kaluo habang hinihintay ang kanyang sagot.
Tumayo naman si Bai Kaluo sa kalawakan, nagdikit ang kanyang mga kilay.
Support your favorite authors and translators in webnovel.com