May mga alon ng malapanaginip na liwanag ang nagpakita sa mga mata ni Zhao Feng at siyang pumulso sa kanyang kapaligiran.
Boom! Crack!
Ang nakapaligid na espasyo ay tila ba nabasag na parang mga bula habang ang malapanaginip na liwanag ay tumama roon. Ang eksenang ito ay ikinasira ng ulo ng mga miyembro ng Giant God Race, at ang bloodlines sa kanilang mga katawan ay nanginig.
"Kapatid na Zha, bakit anong mali..?" Pagtatanong ni Ancient God Sundermound.
"Ang kanyang mata!" Napatitig si Ancient God Resplendence sa kaliwang mata ni Zhao Feng. Gitlang-gitla siya at hindi niya mapigilang mapaatras ng ilang hakbang.
Dapat mapagtanto ng isang tao na kahit ang isang God Lord ay hindi kayang sirain ang espasyo ng isang high-level dimension na ganito, subalit ang kapangyarihang inilabas ng kaliwang mata ni Zhao Feng ay halata namang kayang wasakin ang espasyong nakapalibot sa kanila.
Bzzzz!
สนับสนุนนักเขียนและนักแปลคนโปรดของคุณใน webnovel.com