Sa oras na wala na ang tatlong core disciples na ito, nagsimulang magkaroon ng usap-usapan sa mission hall.
"Bakit biglang naging malapit si Kong Die kay Zhao Feng?"
"Maganda ang ugnayan ni Kong Die at Zhao Yufei. Siguradong pinipigilan niyang makalapit si Zhao Feng kay Zhao Yufei!"
Nagsimulang punahin ng masa si Zhao Feng.
Walang naka-isip na, nang lumapit si Kong Die kay Zhao Feng, may lumitaw na imbitasyon sa kamay ni Zhao Feng. Wala ring nakapansin na nilagay agad ito ni Zhao Feng sa kaniyang Interspatial Dimension.
"Tinutulungan ako ng taong 'yon?" Natuwa bigla si Zhao Feng.
Mula sa mga usap-usapan ng mga disipulo sa paligid niya, nalaman agad ni Zhao Feng na ang babaeng Spiritual Race na iyon na si Kong Die ay may magandang ugnayan kay Zhao Yufei. Kaya lang, kung gusto talaga siyang tulungan ng babaeng iyon, bakit hindi na lang niya sinabihan si Zhao Yufei at pinili niya pang bigyan siya ng imbitasyon?
Support your favorite authors and translators in webnovel.com