webnovel

Kasal (2)

Editor: LiberReverieGroup

Kasal? Nagsalubong ang kilay ni Zhao Feng. Napagdesisyonan niya na tuparin ang mga pangako ng orihinal na may-ari ng katawang ito - maliban sa kasal.

Sa kanyang ala-ala, ang kanyang fiancée na si Luo Shui'er ay isang maganda at sikat na mayroong eleganteng aura kahit na siya ay labing limang taong gulang pa lamang. Higit pa roon, siya ay talentado; naging disipulo siya ng isng Peak-tier King isang taon na ng nakalipas.

Siyempre, kahit gaano pa siya kaganda, naramdaman ni Zhao Feng na siya ay fiancée lamang ng nakaraang Zhao Feng. Tanging ang nga totoong ideya lamang ang mahalaga. Kahit na binuhay niya ang bagong katawan, si Zhao Feng ay si Zhao Feng pa rin.

Napagpasyahan niya na kung ano ang gagawin niya sa kanyang fiancée - ipatigil ang kasal.

Ang elder na nakakulay abong roba ay nagsalita, "Feng'er alam kong matagal mo ng gusto si Luo Shui'er, ngunit may kailangan akong sabihin."

Napahinto ai Zhao Feng noong marinig niya ito. May nangyayari ba?

"Gusto niyang itigil ang kasal, ito ay dahil nakita siya ng Eight Prince," saad ng elder.

Isang beses sa isang taon kung magkita si Zhao Feng at Luo Shui'er. Sa sandaling iyon, naakit si Zhao Feng sa kanyang aura at ganda, at walang masamang impresyon si Luo Shui'er sa kanya. Matapos ang lahat, si Zhao Feng ay matalino at kilala siya dahil sa kanyang kakisigan.

"Elder, ibig mo bang sabihin ay hindi tumutupad ang Luo Family sa kanilang pangako?"

Pinigilan ni Zhao Feng na ipakita ng kanyang kasabikan at kasiyahan matapos itong marinig. Hindi tuparin ang kanilang pangako? Magandang bagay iyon! Lubha ang kasiyahan ni Zhao Feng; wala na siyang ibang kagustuhan kung hindi ang putulin ang koneksyon niya kay Luo Shui'er.

Hindi mapigilan ng elder na mapahinyo at gulat na tignan si Zhao Feng. Hindi galit ng kabataan gaya ng kanyang inaasahan; sa halip, mukha siyang masaya.

"May intensyon talaga ang Luo family na hindi tumupad sa usapan, ngunit kailangan nating marinig ang sasabihin ni Luo Shui'er. Gayunpaman, ang Eight Prince ay isang mataas na estado, at mayroon siyan Imperial Dao bloodline. Hindi ito matatanggihan ng Luo family," taimtim na saad ng elder.

"Eight Prince … Imperial Dao bloodline?" Naguluhan si Zhao Feng. Ang Eight Prince ay nasa capital ng continent zone; paano niya nakita si Luo Shui'er?

Isang prinsipe mula sa Great Gan Lord Dynasty - gaano kataas ang estadong ito? Maging ang Core disciple ng thre-starsulerpower ay malayo rito.

Nagsimulang magpaliwanag ng elder, "Ito ay dahil sa kuya ni Luo Shui'er, si Luo Zun. Siya ay mahusay na tao at may titulo bilang pinaka henyo sa Tianfeng Great Island Zone. Siya ngayon ay isang Void God Realm King.

Luo Zun? Ang mga alaala ni Zhao Feng ay may impormasyon tungkol sa kanya.

Ang orihinal na Zhao Feng ay hinahangaan si Luo Zun. Si Luo Zun ay naging Void God Realm King sa edad na tatlumpu't dalawa at sikat sa Great Gan Lord Dynasty.

"Matapos makapasok sa continent zone, binigyan ng lord dynasty si Luo Zun ng title of Earl, at naging kaibigan nito ang Eight Prince . Kamakailan lamang, sinamahan ni Luo Zun si Eight Prince sa Tianfeng Great Island Zone at binisita ang Duke Palace, kung saan ay hindi niya sinasadyang makita si Luo Shui'er."

Ang elder na nakakulay abong roba ay nagkwento, at nagsimulang mag-isip si Zhao Feng. Walang duda na ito ay magandang balita para sa kanya. Isa pa, hindi naman nais ng Yunling Zhao Family n saktan ang damdamin ng Eight Prince.

"Kung ganoon naman pala, huwag na nating tuloy ang kasal," saad ni Zhao Feng.

Huwag ituloy ang kasal? Nakaramdam ng kakaiba ang elder at mga kasamahan nito. Hindi lamang galit si Zhao Feng, nagmungkahi pa siya na itigil ang kasal.

"Zhao Feng, mabuti at napag-isipan mo ito. Nag-aalala kami na baka pumunta ang kuya ni Luo Shui'er sa Ten Thousand Sacred Clan at pilitin ka."

"Tama iyon, kahit na prodigy si Luo Zun, siya ay nakakamatay at namimilit."

Ang mga elders ay nag-iingat at magalang kapag nababanggit nila si Luo Zun.

"Huwag kang mag-alala, ganoon na lang ang gawin natin sa kasalan," saad ni Zhao Feng.

Kumislap ng mata ng elder. May sasabihin pa sana siya, ngunit natigilan siya. Sinuri niya si Zhao Feng at naramdaman niya na iba na si Zhao Feng.

Whoosh! Whoosh!

Ang mga kasapi ng Ten Thousand Sacred Clan ay dumating. Kabilang na rito ang Senior Martial Brother Guang.

Noong makita niya ang imaheng ito, nagulat si Senior Martial Brother Guang.

Masyadong swerte ang Zhao Feng na ito. Tamang-tama lamang ang dating ng mga elders aa kanyang pamilya. Galit ang nakita sa mata ng Senior Martial Brother Guang.

Ilang beses nang nakaligtas si Zhao Feng sa Wuyou Forest? Palagi siyang nakakaligtas.

Nagpaalam na si Zhao Feng sa kanyang mga elders sa Zhao family, at ang kanyang matulis na sulyap ay tumingin sa Senior Martial Brother Guang.

Senior Martial Brother Guang ay nanlamig. Ang tingin ni Zhao Feng ay nagpabalisa sa kanya.

Ang Senior Martial Brother Guang na ito ay nakipagtulungan sa Yin family upang patayin ako, ngunit siya ay disipulo ng Hari. Maghihintay ako nang tamang oras upang patayin siya. Mayroong sariling plano si Zhao Feng.

Sa Empty Zone, ang bagong lord dynasty ay nawasak sa isang gabi lamang. Ang Ten Thousand Sacred Clan ay may maliit na danyos; ang buong proseso ay mabangis.

Matapos ang araw na iyon, sumakay na sa barko ang grupo at umalis sa Empty Zone, at nag-iwan ng alamat.

Ipinagbabawal ang pagbuo ng lord dynasty. Ang alamat na ito ay magpapatuloy ng ilang henerasyon sa Empty Zone, kagaya aa Azure Flower Continent.

Sa barko, nalaman ni Senior Martial Sister Wan Rong na naambush si Zhao Feng, at gusto niyang malaman kung may galos ba ito.

Hindi mahirap para sa iba na makita ang pagmamalasakit ni Senior Martial Sister Wan Rong kay Zhao Feng.

Habang nakikita nilang napapalapit ang Senior Martial Sister Wan Rong kay Zhao Feng ay naging dahilan upang magselos ang Senior Martial Brother Guang, ngunit lahat sa Yin family sa oras na ito ay namatay.

Wala nang magawa si Zhao Feng sa kabaitan ng Senior Martial Sister Wan Rong. Sa simula, upang mawala ang kanyang paghihinala, ginamit niya ang heart-controllimh technique upang maapektuhan ang emosyon nito, ngunit hindi niya inaasahan na magiging ganito ito.

Hindi na naglakas-loob si Zhao Feng na gamitin ang heart-controlling technique nang madalas. Halimbawa, kapag ginamit niya ito kay Senior Martial Brother Guang, mapapansin ito ng master niya.

Gayunpaman, inaamin ni Zhao Feng na nagugustuhan niya ang pakiramdam na nagseselos at nagagalit si Senior Martial Brother Guang.

"Junior Martial Brother Zhqo, mayroon pang limang buwan bago magsimula ang Divine Illusion Dimension. Kung magsisikap ka pa, magkakatoon ka ng tsansa," hindi mapigilan ng Senior Martial Sister Wan Rong na sabihin ito nang maalala niya.

Noong nabanggit ang Divine Illusion Dimension, hindi mapigilan ng mga disipulo ma masabik.

"Ang Divine Illusion Dimensuon ay isang dimension na iniwan ng Ancient God sa Divine Area, at kumokonekta ito sa konrinemte isang beses sa bawat isang daang taon."

"Ang Divine Illusion Dimension ay naglalaman ng mga resources mula sa Ancient at Immemorial Ears."

"Maraming mga kakaiba at paubos na mga bagay ang natatagpuan sa Divine Illusion Dimension…"

Ilang mga disipulo ang nag-usap. Maging ang Senior Martial Brother Guang ay nabuhayan.

Naintindihan na ni Zhao Feng kung ano ang Divine Illusion Dimension mula sa Senior Martial Sister Wan Rong.

Una, ang Divine Illusion Dimension ay hindi pag mamay-ari ng isang pwersa. Ang dimensyong ito ay gawa ng Diyos, at umiikot ito sa continent zone. Sa madaling salita, hanggang ng pwersa, pamilya o clan ay may kakayahan, maaari silang makilahok.

Gayunpaman, dahil ang daanan sa dimension ay mahina, mawawalan ito ng tatag kung ang sinumang Void God Realm ang sumali. Kadalasan, lahat ng pwersa ay magpapadala ng half-step Kings o mas mahina pa, ngunit may ilan pa rin na ligtas na nakakapagpadala ng Void God Realm Kings.

Ang Divine Illusion Dimension ay hindi isangbinheritance; ito ay isang abandonadong dimension na kumokonektado sa bawat continent zone isang beses sa bawat isang daang taon. Isa pa, walang espisipikong edad n kinakailangan upang makapasok dito.

Maaaring sabihin na ang ito ang yugto para sa buong continent zone. Maaaring makakita rito ng mga imperials, mga henyo sa malalaking pamilya, at maging mga eksperto sa ibang mga nilalang. Maging mga miyembro ng three-star at four-star powers, at hindi mahalaga kung gaano kabata o katanda sila.

Ito rin ng isa sa mga dahilan kung bakit sabik ang mga Central disciples sa Divine Illusion Dimension.

"Dahil ito ay ibang dimensyon na mayroong maraming resources, hindi ko ito maaaring palampasin," saad ni Zhao Feng. Siya ay kagaya ng batang Demigod; kumikislap ang kanyangbmata tuwing nakakarinig siya ng salitang "resources."

Natawa ang lahat sa barko noong marinig ito.

"Bata, hindi ka pa umaabot sa True Lord Rank pero naiisip mo nang makapasok sa Divine Illusion Dimension upang makipag kompetensya para sa mga resources?" Saad ng isang Origin Core Realm elder.

Ang mas matandang henerasyon ng cultivators ay interesado rin sa Divine Illusion Dimension, ngunit maliit lamang ang oagkakataon para sa kanila sapagkat ang mga pwersa ay ibinibigay ang pagkakataon sa mga mas batang cultivayors na may potensyal. Isa pa, may ilang mga fortunes sa Divine Illusion Dimension na nangangailangan ng talento at edad.

"Hahaha,Junior Martial Brother Zhao, sa tingin ko ay kailangan mong maghintay sa susunod na isang daang taon. Sa kasaysayan ng Ten Thousand Sacred Clan, ang pinaka mahinang cultivators ay nasa True Lord Rank." Tumawa ang Senior Martial Brother Guang noong nakakita na siya nang pagkakataon upang maliitin si Zhao Feng.

Siyempre, nakalimutan niya na mayroong spiritual pet si Zhao Feng, ngunit ng mga spiritual pet ay hindi maaring gamitin maliban na lamang kung may kontrata sila sa may ari. Isa pa, ang Ten Thousand Sacred Clan ay walang limitasyon sa cultivation sa kompetisyon para sa pwesto.

Matapos ang tatlong araw, ang limitless ocean shio ay umabot sa Tianfeng Great Island Zone.

Sa Ten Thousand Sacred Clan, sa Hall of Mission, ang grupo na nakatanggap ay nakatanggap nang maraming gantimpala. Bilang isang pinuno, ang elder na nakaputing roba ang may pinaka maraming nakuha. Nakatanggap si Zhao Feng ng normal na makukuha ng isang True Spirit Realms.

Matapos ang misyon, bumalik si Zhao Feng sa pamilihan at kinuha ang kanyang Primal Crystal Stones na natanggap niya mula sa pagbebenta ng dalawang Mud Poson Lizard Kings. Malaki ang niyaman niya dahil dito.

Ginamit niya ang kanyang gantimpala at bilang Primal Crystal Stones upang ipalit sa body-strengthening materials. Ang problema na lamang ngayon ay nangangailangan ang Golden Kun Sacred Lightning Body ng maraming resources at pagpupursigi.

"Alam niyo ba na ang pinaka henyo sa Tianfeng Great Island Zone ay darating at bibisitahin tayo?"

"Si Luo Zun ay isa sa pinaka batang Hari sa Great Gan Lord Dynasty."

"Isang misteryosong tao rin ang dumating, at ilang mga Elders sa clan ay pumunta rin upang personal na batiin ang taong ito…"

Narinig ni Zhao Feng ang usapan bago siya bumalik. Nagsalubong ang kilay niya dahil dito: ang bilis naman dumating ng kuya ni Luo Shui'er?

Agad na binuksan ni Zhao Feng ang kanyang protective array at pumasok siya sa seklusyon noong nakabalik na siya.

Ayaw niya na masira ang mga plano niya sa re-cultivation.

Next chapter