Sa kalangitan sa itaas ng walang hanggang karagatan, isang pares ng mga maiitim na mata ang nakatingin na tila ba ito ang Heavenly Dao. Naglalaman ito ng isang ipo-ipo na tila ba inaabot ang World of Death.
"Gaze… of… Death!" Isang malamig na boses ang umalingawngaw sa dagat. Sa pagkakataong iyon, nagpakita ang Eye of Death at ginamit nito ang Soul Dao Forbidden Techniques na napakasikat sa buong Cang Ocean.
Ang lahat ng nasa loob ng sampung libong milya, tao, hayop, halimaw, ay natakpan ng mga anino ng kamatayan, at nagsimula na silang manginig. Hindi nila masalag ang kapangyarihang ito. Tila ba ito na mismo ang Heavenly Dao.
Tila ba isa itong elder na namamatay na dahil sa edad; hindi nila mapigilan ang mga yapak ng kamatayan. Ang Intent of Death ay kapareho ng Intent of Time. Pareho silang kapangyarihan ng Heaven at Earth na hindi na pwedeng pabalikin pa.
Support your favorite authors and translators in webnovel.com