webnovel

Alamat ng Ancestor Eyes

Editor: LiberReverieGroup

Ang puso ni Zhao Feng ay tila tumigil sa pagtibok. Siya ay bahagyang nabigla nang tignan ang manipis na aklat.

Hindi niya naisip na ang Hidden Book Room ay magkakaroon ng kaalaman tungkol sa Eight Great God Eyes.

Gayunman, ang aklat ay labis na manipis, at walang gaanong laman ito. Hindi ito isang makapal na aklat tulad ng Ten Thousand Ancient Races Ranking, na mayroong kumpletong buod ng mga partikular na lahi.

Kahit na ganito, natuwa pa rin si Zhao Feng.

Ang kaniyang kaliwang mata ay siguradong ang ikasiyam na God's Eye.

Sa ganitong ugali, mabagal na binuksan ni Zhao Feng ang aklat.

"Pagkatapos ng kaguluhan at pagkabuo ng Far Universe, ang Eight Great God Eyes ay nabuo..."

Si Zhao Feng ay ganap nang naakit ng nilalaman nito.

Ayon sa aklat, ang Eight Great God Eyes ay kakaiba lahat, at namuno ito sa langit at lupa.

"...dahil ang mga ito ay kakaiba, ang Eight Great God Eyes ay walang antas sa Ten Thouusand Ancient Races, at kung hindi ay ang bawat isa sa kanila ay nasa ikasampu o ikadalawampung antas.

Naintindihan ni Zhao Feng ang ibig sabihin nito.

Ang Eight Great God Eyes ay labis na kakaiba, at may kaugnayan ito sa Far Universe mismo. Ito ay may kaugnayan din sa Ten Thousand Ancient Races sa ibang paraan.

Ang aklat ay inanalisa ang mga kapangyarihan ng Eight Great God Eyes.

Ang Eight Great God Eyes ay mga alamat kahit pa sa mga Demigod.

Ang Eight Great God Eyes ay: Ang Samsara God Eye, ang God Eye of Spacetime, ang God of Life, ang God of Death, ang God of Destiny, ang God of Destruction, at dalawa pang iba.

Hindi mahirap na makita ang mga kakayahan ng bawat eye base sa kanilang mga pangalan.

Ang lahat ng Eight Great God Eyes ay may kaugnayan sa pundasyon ng Fan Universe.

Ang Samsara, Spacetime, at Destiny ay malalim at mistiko.

Ang God Eye of Spacetime ay kumakatawan sa ganap na kontrol sa kalawakan at oras.

Tumuon si Zhao Feng sa pagbabasa tungkol sa walong kakayahan ng Eight Great God Eyes.

Ang totoo, karamihan sa mga kakayahang ito ay mga hinuha.

Mas nagbigay ng pansin si Zhao Feng sa mga kakayahan ng God Eye of Death.

"Kahit anong nasa harapan ng God Eye of Death ay mawawalan ng kontrol sa kanilang buhay, kahit na sila ay nasa Heavenly Divine Realm."

Ang puso ni Zhao Feng ay nanlamig nang makita ito.

Sa naunang kabanata ng Eight Great God Eyes, nakakita si Zhao Feng ng ilang mga salita – Supreme Ancestor Eye.

"Kapag nagtipon ang Eight Great God Eyes, kaya nitong mapalabas ang Supreme Ancestor Eye, na kayang makagawa ng magong law of the universe."

Sumpreme... Ancestor Eye?

Nagulat si Zhao Feng.

"Gayunman, kapag ang Supreme Ancestor Eye ay bumukas, ang lahat ng bagay mawawala. Ang lahat sa mundo ng 'Dream of the Fan Universe.' Kapag bumukas ang Ancestor Eye, ang 'panaginip' ay masisira."

Ang mga buto ni Zhao Feng ay nanlamig nang mabasa ang mga ito.

Ito ay labis na nakakagulat. Ang lahat sa mundo ay isang panaginip lang, at kapag ang Supreme Ancestor Eye bumukas, ang panaginip na ito ay mawawasak.

Syempre, ito ay isa lang alamat.

Simula nang mabuo ang Fan Universe. ang Supreme Ancestor Eye ay hindi pa lumitaw, at ang Eight Great God Eyes ay hindi pa ito pinapalabas.

Ang aklat ay naglalaman din ng mga hinuha tungkol sa ikasiyam na God Eye.

"Siyam ang huling bilang. Ang Fan Universe ay dapat na may ikasiyam na God Eye. Maaaring kapag nagtipon ang mga God Eye, makukumpirma nito ang pag-iral ng Supreme Ancestor Eye."

Ito ang katapusan ng Eight Great God Eyes.

Hu~~

Si Zhao Feng ay nakahinga nang maluwag.

Agn Eight Great God Eyes ay labis na misteryoso, at tila pinamumunuan ang iba.

Hindi pa nakakita si Zhao Feng ng taong may God Eye. Kahit ang may-ari ng Demigod Forgotten Garden ay wala nito.

Matapos basahin ang Eight Great God Eyes, pinakalma ni Zhao Feng ang kaniyang sarili at binuksan ang sunod na aklat.

Apat o limang araw pa ang kailangan para mabasa ang bawat aklat.

Ang layunin ni Zhao Feng ay mabasa ang lahat ng mga aklat sa Hidden Book Room. Wala pang nakagawa nito noon.

Napakaraming mga kayamanan sa Dmeigod Forgotten Garden, ngunit ang Hidden Book Room ay naglalaman lang ng mga kaalaman. Dagdag pa rito, karamihan sa mga kaalamang ito ay nakatala na sa ibang lugar sa True Martial Sacred Land.

Wala pa maliban kay Zhao Feng ang payag na gugulin ang dalawang katlo ng kaniyang oras sa pagbabasa. Nagcultivate siya ng Ten Thousand Divine Thoughts Technique, kaya madali siyang nakakakilos nang sabay.

Dagdag pa rito, matapos na ganap na kumalma, si Zhao Feng ang talagang interesado sa mga aklat.

Sa sumunod na dalawang araw, habang binabasa niya ang mga aklat, ginamit din ni Zhao Feng ang Scarlet Fire Lotus para maunawaan ang Scarlet Destruction Wind Lightning.

Ang kaniyang King intent ay labis na pinataas ang bilis ng kaniyang pang-unawa.

Sa ikapitong araw matapos niyang pasukin ang Hidden Book Room, nakaunawa na si Zhao Feng ng nasa 20-30% ng Scarlet Destruction Wind Lightning.

Weng~~

Isang bahagi ng Scarlet Destruction Wind Lightning ay humalo sa Purple Destruction Wind Lightning.

"Ngayong naunawaan ko na ang 20-30% ng Scarlet Destruction Wind Lightning, ang mga normal na half-step King ay walang kalaban-laban."

Bulong ni Zhao Feng.

Hindi lang makapangyarihan ang Scarlet Destruction Wind Lightning, mayroon din itong taglaty na nagliliyab na epekto.

Ang ibig sabihin nito ay ilang beses na tataas ang pinsalang dulot ng Scarlet Destruction Wind Lightning.

Pinaniwalaan ito ni Zhao Feng, kapag nakita niya mulit si Lei Zhen, may kalamangan na siya kahit pa napigilan siya nito noon.

Ang totoo, kapag ginamit ni Zhao Feng ang kaniyang kalamanga – ang kaniyang Soul-bloodline technique – para atakihin si Lei Zhen, wala itong magagawa. Gayunman, nais pa ring magtira ni Zhao Feng ng kaunting lakas.

Mabagal na lumipas ang oras, at mas nagbigay ng pansin si Zhao Feng sa nangyayari sa Messy Graveyard.

Sa Messy Graveyard:

Miao!

Isang munting pusang magnanakaw ang nagtago sa isang sulok at labis na nag-iingat.

Isang mahinang gintong dugo ng Demigod ang lumulutang sa ibabaw ng isang malaking puntod.

Wala sa tatlong King prodigies ang sumuko.

Ang malaking puntod ay isang daang yarda ang lapad, at nasa pinakagitna ito ng Messy Graveyard.

Ang Messy Graveyard ay malamig at palaging nababalot ng kadilimian. Marami ring mga sumpa rito. Ang mga makapangyarihang espiritu ng poot ay lumulutang minsan sa hangin at binubuksan ang kanilang bibig. Ang ilan sa kanila ay mga King o Emperor noong nabubuhay pa sila.

Kung isa itong nomal na henyo ito mula sa Sacred Land, kahit na makalabas siya, mawawalan siya ng isang suson ng balat.

"Sa kabutihang palad, ito ang munting pusang magnanakaw. Kahit na sinong mga alipin ay namatay na siguro sa mga sumpa o mga espiritu ng poot noon pa."

Bulong ni Zhao Feng.

Sinabi niya sa munting pusang magnanakaw na magmanman sa dugo ng Demigod dahil inaasaahan niyang magkakaroon ng kaguluhan.

Miao!

Ang aura ng munting pusang magnanakaw ay tila naging kaisa ng kadiliman.

May hawak itong Shadow Kill Imperial Dagger sa kamay nito. Ito ay isang sagradong bagay mula sa Dao of Assassination, at ang munting pusang magnanakaw ay kasalukuyang tulad ng Lord of Darkness. Kapag lumapit ang mga sumpa rito, mawawasak sila.

Boom! Boom! Bam!

Ang saloukan ng tatlong King prodigies ay nakarating na sa kahanga-hangang lebel, at kahit ang kapangyarihan ng mga sumpa sa paligid ay napalayo.

Bukod sa tatlong King prodigies, may maliit na bilang din ng ibang mga henyo ang nasa Messy Graveyard, tulad ng ilan sa sampung pinakamagaling na henyo at ang mga ay kakaibang bloodline o kakayahan na kayang mapalayo ang mga demonyo at multo.

Si Jiang Fan ay kasama rito. Ang aura mula sa kaniyang Ten Thousand Ancient Races bloodline ay sapay na para mapalayo ang mga sumpa.

Ang ilan sa mga henyo ng Wicked Path na mahusay sa mga ghost-corpse ay kaya ring tumagal sa Messy Graveyard nang ilang sandali.

Bukod sa kanila, ang iba pang mga henyo ay hindi man lang makatagal sa Messy Graveyard. Ang ilan pa ay tumakas nang buhay, at ang iba ay namatay.

Hindi maiwasan ni Zhao Feng na makaramdam ng tuwa na hindi siya kasama sa mga ito.

"Ang perpektong pagkaktaon ay kapag napagod na ang tatlong King prodigies habang ang kamalayan ng dugo ng Demigod ay labis na mas mahina."

Pagpaplano ni Zhao Feng.

Gayunman, kapag nakaabot na sa lebel ng tatlong King prodigies ang cultivation ng isang tao, mayroon silang halos hindi maubos na lakas. Nasa pinakatuktok sila ng Great Origin Core Realm.

Ang Great Origin Core Realm ay kinakatawan ang isang pagbabago sa dami ng True Yuan. Hindi lang nahihigop ng mga nasa Great Origin Core Realm ang Heaven Earth Yuan Qi nang mas madali, kaya rin ni lang magpalabas ng kapangyarihan ng langit at lupa.

Makalipas ang isang araw, nagawang makatakas ng dugo ng Demigod mula sa tatlong King prodigies at tumalin as malaking puntod.

"Ang puntod sa pinakagitna ng Messy Graveyard!"

Ang mga ekspresyon ni Nan Gongsheng, Meng Xi, at Wen Luoan ay kapansin-pansing nagbago.

Ang gitnang puntod ay siguradong isang ipinagbabawal na lugar sa loob ng ipinagbabawal na lugar.

Noon, walang nakakatakas mula rito.

Syempre, mayroong kaunting taong nangahas na makapasok dito.

Bukod sa katotohanang ang Messy Graveyard ay labis na mapanganib, halos wala ring kayamanan dito.

"Sunod!"

Ang nag-iinit na youth ay napatigil saglit bago nagmadaling umalis.

Malakas ang kaniyang loob sa ang kaniyang Ten Thousand Ancient Races bloodline.

Shua!

Isang pilak na anyo ang pumasok sa gitnang puntod at mas mabilis pa sa kaniya.

"Tulad ng inaasahan kay Nan Gongsheng."

Tumingin si Zhao Feng sa pamamagitan ng mga mata ng munting pusang magnanakaw ay hindi maiwasang magbuntong hininga.

Ayon sa kaniyang pag-aanalisa, si Nan Gongsheng ang pinakamalakas sa tatlo. Hindi siya umaasa sa Ten Thousand Ancient Races bloodline o sa beast King. Nabuo ni Nan Gongsheng ang King intent, at ang kaniyang cultivation ay halos nasa Void God Realm na. Ang kaniyang talento sa kalawakan at kaniyang battle technique ay nakaabot na isang kahanga-hangang lebel. Ang kaniyang Spatial Spiritual Body ay tumaas din ang pagkakatugma sa langit at lupa.

"Ang lakas ng mga henyo ngayon ay ang pinakamalakas sa nakalipas na ilang libong taon. Kaya pa nga naming mangahas na pasukin ang mga ipinagbabawal na lugar."

Si Meng Xi ang ikatlong nakapasok sa puntod.

"Wen Luoan."

Habang gumagalaw si Meng Xi, nagpadala siya ng mensahe sa nag-iinit youth.

"Ano?"

Ang nag-iinit na youth ay lumapit sa likod ni Nan Gongsheg at dugo ng Demigod.

Sa daanan ng puntod:

Weng~~

Si Nan Gongsheng ay gumamit ng isang spatial movement skill at nakahabol sa dugo ng Demigod, at kaagad na sinubukang kunin ito.

"Ikaw ay ako, magsama tayo at tapusin muna si Nan Gongsheng. Pag-uuspan natin kung paano paghahtian ang dugo ng Demigod pagkatapos."

Sabi ni Meng Xi.

May isa o dalawa siyang alam tungkol sa nag-iinit na youth. Ang tanging dahilan kung bakit kayang pasuki ni Wen Luoan ang Demigod Forgotten Garden ay dahil sa Thousand Darkness Sacred Clan.

Mas angkop ito kung sila ay magkasamang kikilos kaysa makipagtulungan siya sa Nan Gongsheng.

"Sige."

Ang nag-iinit na youth ay pumayag. Kahit na nalaman niyang ang mga kakayahan at battle-power ni Nan Gongsheng ay mapanganib.

"Patayin!"

Matapos mag-usap ng dalawa, sumugod na sila kay Nan Gongsheng nang walang alinlangan.

Ang balat ng nag-iinit na youth ay ganap nang ginto nang itinulak ang isang malaking kamay papunta kay Nan Gongsheng.

"Nightmare Dimension!"

Si Meng Xi ay lumitaw paharap, at ang kalawakan sa kanilang paligid ay nagsimulang magliwanag nang malabo.

Ang kapangyarihan ng isang bangungot ay lumitaw sa katotohanan at pinataas ang kaniyang battle-power. Ang imposible ay naging posible. Kasabay nito, ang kaniyang buhok at beaso ay naging dalawa o tatlong beses na mas mahaba nang patamain niya ito kay Nan Gongsheng.

Ang ganitong kakayahan ay sinria ang mga patakaran ng katotohanan.

"Hmph!"

Malamig na ngumisi si Nan Gongsheng nang nabalot ng pilak na liwanag ang hangin sa kaniyang paligid. Tila ang kalawakan mismo ay dumadaloy.

Boom! Boom! Boom!

Ang pinagsamang atake ng dalawang King prodigies ay nayanig ang katawan ni Nan Gongsheng at nagulo ang kaniyang defensive spatial techinique.

Kasabay nito:

Miao!

Isang maliit na pilak na kulay abong pusa ang tila nakiisa sa kadiliman ng daaanan, at isang punyal na kasing itim ng anino ang lumitaw sa kamay nito.

Sa sandaling ito, isang malabong Eye of Heaven ang nagsimulang mabuo sa langit.

Next chapter