"Hehe, ang Datk Eye Secret Manual ay isang bagay na nakuha ko kapalit ang Emperor of Death matagal na panahon na ang nakalipas, at ito'y naglalaman ng karamihan sa mga teknik niya…."
Nang marinig ito ni Zhao Feng, siya ay hindi makapaniwala.
Na kay Duanmu Qing ang secret technique ng Emperor of Death? Hindi kapani-paniwala.
Siyempre, ang Void God Realm Emperors ay may sari-sariling mga kagrupo, at hindi na nakakagulat na magpalitan sila ng mga items nila.
Ang Emperor of Death at si Duanmu Qing ay parehong mga ancient Emperors na ang mga lakas ay malapit sa isa't isa.
"Matagal ng panahon ang nakakalipas, at pinagbayaran ko na ang halaga nito. Gayon pa man, ang Dark Eye Secret Manual ay wala ng halaga sa akin; gusto ko lamang ang teknik na ito dahil sa kuryosidad ko sa Eye of Death."
Bumuntong hininga si Duanmu Qing.
Support your favorite authors and translators in webnovel.com