webnovel

Magkapareho

Editor: LiberReverieGroup

"Bloodline ng Ten Thousand Ancient Races!"

Nang marinig ang boses, lahat ay nag-usap-usap.

Isang maalamat na bloodline ang lumitaw. Gaanong nakakagulat ito?

Ang ekspresyon ng matangkad at mapayat na youth mula sa Spiritual Sacred Land ay nagbago, ngunit hulina na para pigilan ang youth na may maiksing buhok mula na gamitin ang kaniyang bloodline.

Plop! Plop!

Ang mga eksperto sa arena ay nagnginig mula sa ilalim ng kanilang bloodline at kaluluwa. Ang mga nasa ilalim ng half-step Origin Core Realm ay bahagyang nakaluhod sa lupa, at kahit ang ilan pang mga Sovereign ay nakaramdam na dapat yumuko sa youth na may maiksing buhok mula sa Sacred Land.

Sa entablado ng arena, ang bloodline ng youth na may maiksing buhok na ganap nang nakabukas ay ginawang matatag na parang balat ng kabibi ang kaniyang balat. Tila isa itong desolate beast na naglalabas ng isang nakakasindak na aura nang tignan ang Two Despairs of the Purple Sovereign.

"Isa talaga itong maalamat na bloodline..."

Ang mga ekspresyon ng Two Despairs at naging pangit nang bahayang lumuhod. Tila mga langgam sila sa harapan ng bloodline ng Ten Thousand Ancient Races. Nang hindi man lang lumalaban, natalo na sila.

Ang kanilang atake ay nakagawa ng isang maliit lang na gasgas na kasinglaki ng isang pako, at naghilom na kaagad ito.

"Isang nakakasindak na depensa. Ito ang kapangyarihang ng Ten Thousand Ancient Races bloodline?"

Naramdamn ni Zhao Feng na yumanig ang kaniyang kaluluwa at katawan. Bukod sa kaniyang God's Spiritual Eye, kahit abg kaniyang bloodline ay napigilan, at nanginig ito nang bahagya.

Ito ang unang beses na nakita niyang napigilan ang kaniyang bloodine.

Peng! Peng! Peng! Peng!

Ang napigilang bloodline ay nagpadala ng isang bahagi ng aura papunta sa nakaselyong God's Spiritual Eye at nagdahilan para tumalon ito. Ang bloodline ni Zhao Feng ay nagmula sa God's Spiritual Eye.

"Magsilayas kayo!"

Ang bloodline power ng youth na may maiksing buhok ay umabot na sa limitasyon nito, at nagpadala ito ng isang itim na ipo-ipo na umiikot sa ilang daang yarda.

Bam!

Ang Two Despairs of the Purple Sovereign ay parehong sumigaw nang mapalipad sila. Ang kanilang laman at buto ay nagulo, na tila dinurog ng isang halimaw.

"Arghh~~~~~!"

Ang dalawang madugong anyo ay nahulog mula sa arena.

Ang Great Origin Core Realm na hurado ay nagulat.

"Jiang Fan, tatlumpu't isang tagumpat sa- hindi – tatlumpu't dalawa..."

Isa sa mga hurado ang hindi makapagsalita nang maayos.

Sa kasalukuyan niyang kalagayan, ang may maiksing buhok na si Jiang Fan ay nagpadala ng isang late-stage at isang peak Small Origin Core Realm na lumilipad gami ang kaniyang bloodline power.

Hu!

Lahat ng nanonood ay nanlamig at hindi mapakali sa harapan ng kaniyang aura. Wala sa mga mandaragat sa paligid ni Zhao Feng ang kayang tumayo nang maayos.

Si Loulan Zhishui ay kailangan pang sumandal kay Zhao Feng para makatayo, at kahit na sinong kayang makapigil sa aura ay naramdamang nagningas ang kanilang bloodline.

"Hahaha... Sino pang mangangahas na kalabanin ako?"

Si Jiang Fan ay tumawa nang ilabas niya ang kaniyang Ten Thousand Ancient Races bloodline, na nakapigil sa paghinga ng mga nasa paligid.

Kahit saan tumingin si Jiang Fan na may maiksing buhok, ang aura mula sa Ten Thousand Ancient Races bloodline ay bumababa. Maraming mga tao ang naramdamang tila tinamaan sila ng kidlat, at ang mga nag-iisip na kalabanin siya ay yumuko.

"Ang aura ng Ten Thousand Ancient Races na ito ay tila katulad sa aura ng Ancient Dream Realm."

Kahit na ang bloodline ni Zhao Feng ay napigilan, nagningas ito dahil sa ugnayan sa God's Spiritual Eye.

"Hmm?"

"Isang mahinang sinaunang aura... hindi kaya may isa pang bloodline ng Ten Thousand Ancient Races...?"

Ang bloodling ng youth na may maiksing buhok ay biglang nakaramdam ng isang bagay.

Shua!

Ang kaniyang matalim na mata ay napunta kay Zhao Feng.

Peng! Peng! Peng! Peng!

Ang God's Spiritual Eye ni Zhao Feng ay nagsimulang gumalaw. Ang ilan sa Ancient Dream Realm aura ay hindi pa ganap na naisama sa kaniyang bloodline.

Boom!

Nagulat si Zhao Feng nang tumingin sa youth na may maiksing buhok. Tila tulad ito ng pagharap sa isang higanteng halimaw. Ang puwersa sa kaniya ay mas malakas kaysa sa iba.

"Tunay talagang mabuti ang maging isa sa mga nangungunang maalamat na mga bloodline…"

Naramdaman ni Zhao Feng na kumukulo ang kaniyang dugo, ngunit napigilan niya ito. Sa kabutihang palad, ang kaniyang katawan at kalagayan ng pag-iral ay nagyabong na sa pamamagitan ng paggamit ng heart blood essence at aura mula sa Ancient Dream Realm, kaya halos maikukumpara na ito sa Great Origin Core Realm Sovereign Lord. Kung hindi, kung ibang Origin Core Realm ito, siguradong sumuka na ito ng dugo.

"Maganda, ang iyong bloodline ay tila may kaugnayan sa Ten Thousand Ancient Races…"

Ang mga mata ng youth na may maiksing buhok ay nagliwanag. Ang parehong aura mula kay Zhao Feng ay nagpataas sa kaniyang pandama at battle-intent. Ang kaniyang Ten Thousand Ancient Races bloodline ay minsanang may pakiramdam na makakharap ng isang malakas na kalaban.

Ang mga salita ng youth na may maiksing buhok ay nagdahilan para magbuntong hininga ang mga tao at tumingin kay Zhao Feng. Hindi nila inisip na ma isa pang taong may isang bloodline na may kaugnayan sa Ten Thousand Ancient Races sa parehong lugar.

"Sa kasamaang palad, hindi pa siya nakaabot sa Origin Core Realm."

Ang youth na may maiksing buhok ay umiling na tila nagsisisi at binawi ang kaniyang battle-intent.

Hu~

Si Zhao Feng ay nakahinga na nang maluwag. Ang puwersa mula sa youth na may maiksing buhok ay labis na malaki. Kailangan niyang amining ang pagkakaiba sa pagitan niya at ng Ten Thousand Ancient Races bloodline ay malaki.

Ang Two Despairs of the Purple Sovereign ay nasa late-stage at peak stage Small Origin Core Realm at mabilis pa ring natalo. Ang skeletal Division Leader at si Zhao Feng ay sigruadong makakakuha ng parehong resulta.

"Kung wala ang aking mata, siguradong mapapalipad din ako sa isang galaw. Dagdag pa rito, dahil sa kaniyang Ten Thousand Ancient Races bloodline, maaaring hindi ko siya mapatay kahit gamitin ko ang aking Void Space Eye Slash."

Kalmadong inanalisa ni Zhao Feng. Alam niya kung gaanong nakakasindak ang henyo mula sa Spiritual Sacred Land.

Walang dudang si Zhao Yufei ang napili ng Purple Saint Partial Spirit bilang tagapagmana. Kailangang malamang ang Purple Night Sacred Lord ay may isa ring mahinang Ten Thousand Ancient Races bloodline at nakalagpas sa Void God Realm at kasunod ay ang Mystic Ice Realm, tanging iisang hakbang na lang mula sa Heavenly Divine Realm.

"Ungas, hindi ako makapaniwalang nandito ka! Hahaha…"

Isang tawang puno ng galit at lamig ang umalingawngaw mula sa kabilang banda ng arena. Ang may-ari ng boses ay galing sa isang nakpayak na damit mula sa Sovereign Lord."

"Siya iyon."

Ang gwapong lalaki at magandang babae ay lumiaw sa harp ni Zhao Feng at nagulat.

"Hahaha… Ngunit nakita na rin kita sa wakas."

Ang Sovereign Lord ay napuno ng tuwa, at kaagad niyna inilas ang kaniyang aura para kay Zhao Feng.

"Ang matandang utot na ito."

Ang ekspresyon ni Zhao Feng ay nagbago. Hindi niya inisip na makakasalamuha niya ang Third Elder ng Gan Cloud Pavilion dito. Noon, hinukay ni Zhao Feng ang puso ng balyena ng walang hanggang karagatan sa umpisa at niloko siya.

"Ito ang Third Elder mula sa Gab Cloud Pavilion."

Maraming tao ang nakakilala sa kaniya. Ang Gan Cloud Pavilion ay isang peak one-star force, at ito ay kasinglakas ng Scarlet Moon Demonic Religion noong nasa sukdulan ito.

Whoosh!

Ang anyo ng elder na nakadmait at lumitaw at bumagsak sa harapan ni Zhao Feng na puno ng lamig.

"Ungas, ibigay mo ang heart blood essence at hindi ko na ito patatagalin."

Sabi ng elder gamit ang Spiritual Sense. Kasama rito ang kakaibang kayamanan, kaya ayaw niyang malaman ng iba.

"Hehe, ang heart blood essence ay nakita ko noong nasa katawan ako ng balyena. Anong kinalaman nito sa iyo? Isa pa, nagamit na ang lahat nito."

Sagot ni Zhao Feng.

Hindi niya nag-aalala na aatakihin siya ng elder sa Void Ocean Spiritutal Palace. Si Xiao Ma, na gabay sa paglalakbay ay sinabing kahit gaano kagulo sa panlabas na mundo, ang Void Ocean Spiritual Lands nasa kaniyng likuran lang.

Kahit ang isang Void God Realm o isang two-star sect ay hindi mangangahas na manggulo rito. Kaunti lang ang mag nanggulo ritong nakaalis nanag buhay.

"Ungas, huwag mong subukang linlangin ako. Siguradong may maraming heart blood essence mula sa balyenang iyon. Ibigay mo sa akin ang natitirang heart blood essence at hindi na kita aabalahin."

Malamig na sinabi ng elder. Hindi niya hangal; alam niyang mayroon pang natitira kay Zhao Feng.

"Hindi."

Umirap si Zhao Feng. Kahit na may natitira pa sa kaniya, wala naman itong kaugnayan sa elder.

"Hmph, kahti na hindi ako nangahas na atakihin ka sa loob ng Void Ocean Spiritual Palace, ang Gan Cloud Pavilion ay isa sa tatlong nangungunang puwersa sa paligid. Huwag mo nang isipin umalis pa rito."

Ang elder to ay malamig na ngumisi at umalis.

Hindi siya nangahas na umatake sa loob ng Void Ocean Spiritual Palace; ngunit hindi siya naniwalang magtatagal dito si Zhao Feng.

Shua!

Isang youth na may maiksing buhok ang bumagsak sa harapan ni Zhao Feng pagkaalis ng elder.

"Jiang Fan!"

Si Zhao Feng ay sumigaw, at ang mga tao sa paligid ay isinigaw ang kaniyang puso nang palihim.

"Ako si Jiang Fan, mula sa True Martial Sacred Lands. Maaari ko bang malaman ang iyong pangalan?"

Bahagyang ngumiti si Jiang Fan, at maraming mga manonood ang nagulat. Ang mayabang na henyong ito mula sa isa sa mga Sacred Lands ay pumunta para makilala si Zhao Feng?

Sinuri ni Jiang Fan si Zhao Feng nang may interes.

Ang lahat ng ito ay nakita ng Sovereign Lord, at isang malamig na ngiti ang nanatili sa kaniyang mukha. Kung nakakilala si Zhao Feng ng isang henyo mula sa isa sa mga Sacred Lands, kahit ang Gan Cloud Pavilion ay hindi mangangahas na atakihin si Zhao Feng.

"Ang isang ito ay tinatawag na Zhao Feng."

Binati ni Zhao Feng ang dalawang henyong mula sa Sacred Lands.

Ang youth na may maiksing buhok na may Ten Thousand Ancient Races bloodline ay tinatawag na Jiang Fan, at ang matangkad at mapayat na youth na nasa Great Origin Core Realm ay tinatawag na Chen Yilin.

Habang sinusuri siya ng dalawa, sinuri rin ni Zhao Feng ang dalawa, lalo na si Jiang Fan ang kaniyang bloodline ng Ten Thousand Ancient Races.

__

Ang aura mula sa Ancient Dream Realm ay kayang mapataas ang aking kalagayan ng pag-iral at katawan, at kaya ring mapadalisay ang aking kaluluwa. Ang bloodline mula sa Ten Thousand Ancient Races ay isang kaparehong aura. Anong ugnayan sa pagitan ng dalawa?

Bulong ni Zhao Feng sa kaniyang sarili.

Nagbigay siya ng malaking pagpapahalaga sa aura mula sa Ancient Dream Realm, at may mga hinuha siya.

"ANg youth na ito ay may isang mahinang sinaunang aura. Kahit na wala itong Ten Thousand Ancient Races bloodline. siguradong isa itong bloodline mula sa panahong iyon."

Ang dalawang henyo mula sa Sacred Land ay hindi minaliit si Zhao Feng. Ang mga Ten Thousand Ancient Races bloodline ay ilan sa mga pinakamagaling sa Sacred Lands, at labis itong nakakagulat na nakakita sila ng isang taong may bloodline na kalapit ng Ten Thousand Ancient Races.

Next chapter