webnovel

Beast King

Editor: LiberReverieGroup

"Eye of Illusion – Maze!"

Ang transparent na Eye of Heaven ay tila nagiging mas kaakit-akit at nakakatukso.

Habang pinagagana ng soul-strength ng isang Sovereign, ang invisible na kapangyarihan ng mga ilusyon ay nabalot ang langit.

Shua!

Ang mga miyembro ng nanghimasok na grupo ay naramdamang tila nayanig ang kanilang mga puso at, sa sumunod na sandali, ang misteryosong kanyon ay nawala at ang itim na ulap ay nawala na rin.

Ang grupo ay naputna sa isang sinaunang siyudad na nababalot ng puting ulap at may magulong itsura tulad ng isang maze. Bukod kay Elder Shui Yun na minsang nahihirapan sa ilusyon, ang iba ay sumubok na humanap ng daan palabas.

Hmm?

Ang mga mata ng skeletal Division Leader ay nagliwanag, "Isang makapangyarihan mental energy technique!"

Gamit ang pagkakataong ito, ang skeletal Division Leader ay iwinagayway ang itim na bandila at ipinadala ang Ghost Corpse Cursed Array papunta sa grupo.

Hu~~

Ang makapangyarihang ulap ay puno ng poot at ang curse-power ay nagtagumpay sa paglamon sa mga miyembro ng grupo, ngunit si Ye Yanyu ay mga kasama nito ay umangal. Kahti na sila ay nasa maze, natural nilang ipinalaganap ang kaniyang Qi of True Spirit matapos maramdaman ang kapangyarihan ng curse at air of death.

Sa sandaling ito, tanging si Elder Shui Yun ang nagtagumpay sa pagpigil sa Illusion Maze.

Sa panlabas na mundo, sa ibabaw ng mga bundok:

Hindi ito maganda!

Ang imaheng nakita ng tatlong sect expert ay kapansin-pansing binago ang kanilang ekspresyon.

"Isang makapangyarihang mental energy illusion!"

"Ang kaniyang illusion technique, pagkatapos na isama sa Towering Tree Yao, ay kayang makapagbanta sa mga Sovereign."

Kahit ang ilang mga Sovereign ay nagulat dahil si Elder Shui Yun ay malakas sa mga antas ng Small Origin Core Realm, at siya ay mahusay sa depensa.

Kahit na halos hindi na kayang pigilan ni Elder Shui Yun ang mental energy illusion ni Zhao Feng, malamang marami ring mga Sovereign ang mabibiktima nito.

Ang tabla ay kaagad nna nasira.

Ang lakas ng kaluluwa ni Zhao Feng ay maikukumpara sa isang Sovereign, at pagkatapos na maisama ito sa Wood Spirit Essence Soul, mas malakas pa ito sa isang normal na Small Origin Core Realm. Samakatuwid, noong ginamit niya ang Eye of Heaven, nabiktima niya kaagad ang kalaban.

Hu~~~

Sa pagkasira ng Ghost Corpse Cursed Array, maraming mga peak True Lord Rank sa grupo ang nagsisimula nang mapinsala.

"Hahaha! Zhao Feng, bakit hindi mo ginamit ang makapangyarihang galaw na ito kanina?"

Ang skeletal Division Leader ay iwinagayway ang itim na bandila, kaya inatake ng dragon mula sa itim na ulap ang grupo, at sinadyang nakatuon ito kay Elder Shui Yun.

Syempre, ang skeletal Division Leader ay hindi naisip kung gaano karami ang nakakasindak na paraan ng tatlong Void God Realm.

"Earth – Grade weapon – Green Water Fallen Pearl!"

Ibinukas ni Elder Shui Yun ang kaniyang bibig at dumura ng bahagyang nasirang perlasn na kasinglaki ng isang itlog ng sisne.

Ang perlas ay nababalot ng isang magandang suson ng tubig at, sa sandaling lumitaw ito, lahat ng mga Spiritual-Grade weapon ay nanginig sa takot.

"Ang babaeng iyon ay mayroon ding hindi kumpletong Earth-Grade weapon!"

Ang skeletal Division Leader ay sumigaw nang nahigop ng isang hindi masukat na puwersa ang kapangyarihan ng Ghost Corpse Cursed Array.

Bo~~

Isang alon ng tubig ang kumalat sa daan daang yarda ay bumalot sa lahat ng nasa grupo. Ang mga eksperto ng grupo ang nagsimulang magpakita ng mga bakas ng paghihrap sa ilusyon.

"Hmm? Ang sirang Earth – Grade weapon ay kayang mapakalma ang isipan ng iba."

Hindi nagtagal ay nalaman ni Zhao Feng ang isa pang kakayahan ng perlas.

"Green Sky Water Border!"

Umabot si Elder Shui Yun, at ang hangganan ng tubig ay napatatag habang itinutulak palabas ng Ghost Corpse Cursed Array.

Matapos itong makumpleto, nakahinga na si Elder Shui Yun.

Ganoon pala iyon.

__

Ang skeletal Division Leader ay nagulat.

Ang mental energy technique ni Zhao Feng ay labis na malakas at napuwersa ang grupo ng tatlong sect sa desperasyon, ngunit gumamit si Elder Shui Yun ng isang hindi kumpletong Earth-Grade weapon na may malakas na kakayahang makapagprotekta.

"Habang nandito ang Green Sky Water Border, kahit ang mga Sovereign ay mahihirapan sa pagsira nito. Kahit ang aking ilusyon ay nakakapagbanta sa kanila, hindi ko mapapatay ang kahit na sino sa kanila, masasayang lang ang aking lakas."

Ang ekdpersyon ni Zhao Feng ay naging madilim.

Hindi sinubukan ni Elder Shui Yun na sirain ang mental energy illusion ni Zhao Feng. Mahusay naman si Zhao Feng sa eye bloodline techinique at may makapangyarihang soul-strength.

Ginamit niya ang kalagayan ng depensang ito para "hindi pansinin" ang atake ni Zhao Feng.

Sa ilalim ng kalagayan ng Eye of Heaven, ang paggamit ni Zhao Feng ng lakas ay halatang malaki, kaya siguradong hindi ito magtatagal.

"Hehe, talagang karapat-dapat na maging mga elite ng two-star sect."

Isang mahinang tawa ang umalingawngaw sa kanilang mga kaluluwa.

Shua!

Ang Eye of Heaven sa langit ay biglang nawala at si Elder Shui Yun ay nakahinga na nang maluwag, ngunti bago pa siya kumalma, isa pang mas malaking Eye of Heaven ang lumitaw sa langit.

Habang tumataas ito, mas malayo ang nakikita nito.

Sa sandaling ito, lumibot sa buong Purple Saint Ruins ang paningin ni Zhao Feng.

Anong ginagawa ni Zhao Feng?

Bulong ng skeletal Division Leader sa kaniyang sarili.

Naintindihan ni Elder Shui Yun at mga manonood.

"Simula na!"

Isang malamig at walang ekspresyong boses ang umalingawngaw sa hangin.

Sa sumunod na sandali, isang labis na malakas na source of mental energy ang inilabas ng Eye of Heaven, na kumalat sa buong lugar.

Roar! Wu~~~ Si!!!

Tone-toneladang mga halimaw sa loob ng dalawang libong milya ang sumigaw at umangil.

Isang ragasa ng mga halimaw malapit sa misteryosong kanyon ang nagsimulang sumugod sa grupo.

Boom! Boom! Boom!

Yumanig ang mundo nang ang hindi mabilang na mga anyo ng parehong malaki at maliit na halimaw ang sumugod.

"Napaka...rami..."

Si Ye Yanyu at mga kasama ay kakagising lang, at hindi nila maiwasang sumigaw nang makita ang mga halimaw na nanggagaling sa lahat ng direksyon.

Sa kanilang paningi, napakaraming mga halimaw ang sumugod sa kanila nang hindi natatakot na mamatay.

"Laban!"

Nayanig ang mga puso nila Ye Yanyu at mga kasama nang ginamit ang kanilang mga secret technique para patayin ang higanteng mga halimaw.

Peng!!! Bam~~~~

Isang malaking bilang ng mga halimaw ang biglang napatay at nailabas sa Green Sky Water Border, na hindi sila napagbantaan.

"Hmm?"

Nakita ni Elder Shui Yun ang ang isang parte ng mga halimaw ay sumugod sa Ghost Corpse Cursed Array.

Halata namang, gamit ang mga halimaw na ito, ang lakas ng Ghost Corpse Cursed Array ay kapansin-pansing tataas.

Huuu~~~~

Ang ulap mula sa array ay mas kumapal, at ang apoy na kulay dugo ay lumtiaw habang patuloy na lumalakas.

Ang invisible na kapangyarihan ng mga curses at hatred ay nagawa na sa wakas na bahagyang makalagpas sa Green Sky Water Border.

Kasabay nito, nagningning sa langit ang mga gintong liwanag kasama ng mga tunog ng kidlat at sigaw ng mga ibon.

"Iyan ay...!"

Ang mga pupil ni Elder Shui yun ay lumiit nang magulat.

Sa hangin, libo libong mga Golden Lightning Birds ang lumilipad. Ang pinakamahina sa mga Golden Lightning Birds ay nasa Sixth Sk of the Ascended Realm, ngunit marami ring mga True Lord Rank.

Sa mga Golden Lightning Birds, may isang may nakakasindak na aura na nagdahilan para sumigaw ang Heaven Earth Yuan Qi.

Ang beast king na ito ay apatnapu hanggang limampung yardang pakpak; tila isa itong maliit na bundok na nag-iiwan ng malaking anino kahit saan ito pumunta."

"Isang Sovereign beast!"

Natakot si Ye Yanyu at mga kasama nito. Naramdaman nila ang isang kidlat na lumitaw sa langit at ang nakakasakit na tunog na nakapagpakulo ng dugo nila.

"Anong nangyayari!!? Nagawang kontrolin ni Zhao Feng ang ganito kalaking halimaw."

"Paano niya nakonrol ang ganoon karaming halimaw nang sabay?"

Ang mga eksperto ng tatlong sect ay napanganga.

Sa larawan, ang mga Golden Lightning Bird ay mabibilang na libo libo, at bukod pa sa Golden Lightning Bird King, may ilan ring mga True Lord Rank at ilang daang mga True Spirit Realm.

Qiu! Qiu! Qiu! Qiu!

Ang mga Golden Lightning Bird ay tila mga kidlat nang bumaba ang mga ito.

Boi~ Bo~ Bo~

Ang Green Sky Water Border na pumrotekta sa grupo at nagsimula nang yumanig at dumilim.

Boom!

Ang Golden Lightning Bird King ay nagpadala ng isang nakakayanig na bilog ng kidlat.

Isang atake mula sa isang Sovereign beast!

Ang skeletal Division Leader ay nagulat. Ang lakas ng Golden Lightning Bird King ay mas malakas pa sa skeletal Division Leader noong nasa peak ito.

Booom~~~~~~~~ Bam!!

Yumanig ang Green Sky Water nang daanan ito ng mga kidlat, na nakapagmanhid sa mga eksperto ng tatlong sect.

"Paano nagawang kontrolin ni Zhao Feng ang napakaraming halimaw?"

Ang kaluluwa ng skeletal Divison Leader ay nayanig. Syempre, hindi nito nakalimutang gamitin ang Ghost Corpse Cursed Array para mahigop ang blood essence mula sa mga halimaw. Ang array ay nagsimula nang mapigilan ang Green Sky Water Border sa wakas sa tulong nga mga Golden Lightning Bird.

Sa sandaling ito, ang sitwasyon ay nabaliktad. Ang Eye of Heaven ay nakontrol ng hindi mabilang na mga lumulipad ng mga halimaw at nabalot ang kalangitan.

"Hmph! Sa pagkontrol sa iisang beast 'king,' mauutusan na niya ang mga kauri nito."

Ang Eye of Heaven ay napuno ng kalamigan nang tumingin ito sa ibaba.

Si Zhao Feng ay tumuon lang sa hari ng mga halimaw, at ang Golden Lightning Bird King ay may pinakamalaking bilang ng mga halimaw sa mga kauri nito.

Ang haring ito ay ang pinuno ng uri nito, at madali itong nakontrol ni Zhao Feng matapos na sumama sa Wood Spirit Essence Soul.

Isa pang dahilan kung bakit niya pinili ang mga halimaw na ito ay dahil ito ay maliksi at mabilis.

Ang ganito kalaking bilang nga mga halimaw ay kayang makasira ng kahit anong puwersa sa ilalim ng one-star sect o madurog ang maraming malakas na bansa nang walang kahirap-hirap.

Peng~~~~

Ang Golden Lightning Bird King ay umatake nang ilang beses pa at, kasama ang Ghost Corpse Array na namumuwersa rin, ang Green Sky Water Border ay dumilim at maraming mga bitak ang lumitaw.

"Humanda sa pag-atras!"

Ang mukha ni Elder Shui Yun ay namutla nang ipadala ang kautusang ito nang may nagngangalit na ngipin. Sa putong ito, hindi na niya kayang masuportahan ang Green Sky Water Border.

Next chapter