webnovel

Chapter Leader!

Editor: LiberReverieGroup

Sa napabayaang kagubatan, salubong ang kilay ni Zhao Feng habang hinihilot niya ang kanyang sentido. Isang agos ng kasakitan ang dumaloy sa kanyang kaliwang mata.

Hindi niya alam kung siya lang ba, ngunit ang nagyeyelong lawa sa kanyang kaliwang mata ay nagsimulang umalon. Tila ang isang nagyeyelong bundok ay nagsimulang matunaw.

"Ang pakiramdam na ito…"

Bahagyang nakaramdam si Zhao Feng ng pagod.

Naramdaman niya rin ito noong ang kanyang God's Spiritual Eye ay dumaan sa pagbabago, ngunit mas masakit ito ngayon.

Maayos lamang ito noong hindi niya ginamit ang kanyang God's Spiritual Eye, ngunit sa sandaling ginamit niya ay ang sakit ay dumoble ng sampung beses hanggang isang daang beses.

Hindi alam ni Zhao Feng kung ito ba ay dahil sa nasobrahan siya nang paggamit sa Ruins o magbabago muli ang kanyang God's Spiritual Eye.

Marahil pareho at nagsisimula itong dumanas ng hindi matukoy na pagbabago.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

Next chapter