webnovel

Pagpapakain sa mga Bangkay

Editor: LiberReverieGroup

Ang Purple Saint Ruins ay kontrolado ng tatlong sect at iba pang mga puwersang hindi ito makuha.

Ang mga henyong nakapasok dito ay nasa kanya-kanyang panif at may sariling mga inheritance token.

Ang isang 'outer genius' na hindi kabilang sa kahit ano sa tatlo na nakapasok sa Ruins na ito ay kailangang makipaglaban sa isang malaking grupo ng ibang mga henyo nang mag-isa.

Gayunman...

Sa 'pagtataksil' ng munting pusang magnanakas, ang mga problemang ito ay naresolba na.

Kahit na nadakip ni Ye Yanyu si Zhao Feng, ang kaniyang pagkakakilanlan ng pagiging 'tagalabas' ay naresolba na rin.

Buti na lang ay hindi na siya sumusubok na magpahuli sa lahat ngayon at mukhang napasok na ni Zhao Feng ang pinakamalakas na panig ng "Pure Moon Spiritual Sect,' at ang mga kalaban ay walang magawa.

Ang kailangan niyang gawin ngayon ay ang gamitin ang kaniyang katauhan bilang ang 'ikaapat na tao' na mapapanood ang laban ng tatlong sect at kunin ang mga pabuya sa kritikal na sandali.

Ito ang pangkalahatang direksyon ng plano at katalinuhan at ang lakas ng loob ang importanteng punto.

Ang planong ito ay sinimulan ng munting pusang magnanakaw.

Sinadya nitong akitin si Ye Yanyu para kay Zhao Feng at kahit na mukha itong mapanganib, sa totoo lang ay naprotektahan talaga nito si Zhao Feng.

Si Zhao Feng at ang munting pusang magnanakaw ay alam kung anong nasa kanilang puso at gumanap sa palabas na ito.

Syempre…

Mayroong napakalaking panganib sa planong ito.

Kapag nalamang si Zhao Feng ay papasok sa isang desperadong kalagayang walang katulad; wala siyang pagkakataong makalaban kay Ye Yanyu.

"Mas malaking pabuya, mas malaking panganib."

Ang mga mata ni Zhao Feng ay nagliwanag at bumalik sa kawalan ng ekspresyon.

Bawat hakbang ay kritikal; isang maling hakbang ay maaaring magresulta sa kabiguan.

Gayunman, si Zhao Feng ay mas kalmado sa sandaling ito kahit na ang kaniyanag dugo ay tila kumukulo na sa tuwa at adrenaline.

Sa sandaling ito…

Ang kombinsyon ng tatlong True Lords at mga elite ng True Mystic Rank ay may mahigpit na laban sa ancient giant scorpion.

Ang depensa ng ancient giant scorpion ay labis na makapangyarihan at kahit ang True Lord Rank ay nahihirapang makalagpas dito.

Ang lason nito ay mapapatay rin ang mga nasa True Lord Rank. Sa kabutihang palad, si Chi Gui mula sa Black Cliff Palace ay may dalawang True Lord Rank na ghost corpse na kayang lumaban nang malapitan.

Ang True Lord Rank na may kulay pulang damit ay iwinasiwas ang kaniyang blade of blood moon at ang malaking blood colored moon ay nagsimulang mapalabas ang mga pinsala ng ancient scorpion.

Hangga't may maliit na sugat, ang mga atake ng True Lord na may kulay dugong damit ay papasok kahit na nasisira na ang loob ng kaniyang katawan.

Kung isa lang itong mormal na True Lord Rank, si Chi Gui at ang True Lord Rank na may kulay dugong damit ay madali itong matatapos nang sabay.

Gayunman, ang katawan ng ancient giant scorpion na ito at ang life force ay napakalakas, at ang dalawang True Lord Rank na ghost corpse ay maliit na pinsala lang ang kayang gawin.

Ang atake ng True Lord na may kulay dugong damit ay hindi rin makalagpas sa depensa ng scorpion at unti-unting pinsala lang magagawa.

Ang pangunahing nagtatrabaho ay si Yu Yanyu.

Ang kaniyang Moon Flower Spiritual Sword ay kontrolado ang malinaw na water silver sword at bawat atake ay kakatawan sa libo-libong liwanag ng espada.

Sa tuwing aatake si Ye Yanyu, nakakaiwan siya ng malalim na sugat sa scorpion.

Kung ibang True Lord Rank ito, ang profound sword technique ni Ye Yanyu ay mapapatay sila sa isang galaw o dalawa habang ang scorpion ay napinsala lang sa pito hanggang walong espada.

"Ang ancient scorpion na ito ay tunay na karapat-dapat na maging isang kakaibang halimaw na may dalisay na bloodline. Kahit ang isang ekspertong nasa half step Origin Core Realm ay hindi ito mahaharap nang malapitan."

Hindi maiwasang humanga ni Zhao Feng habang nanonoood mula sa malayo.

Ang ibig sabihin nito ay ang mga anak sa loob ng kuweba ay magiging labis na matagumpay.

Sa teorya, ang battle power ng tatlong True Lord Rank na ito na kasama ang grupo ng mga elite True Mystic Rank ay maikukumpara sa pito o walong True Lord Rank.

Si Ye Yanyu lang ay katumbas na ng tatlo o apat na normal na True Lord Rank at si Chi Gui naman ay maikukumpara sa dalawa dahil mayroon siyang dalawang True Lord Rank na ghost corpse.

Ang ganitong ayos ay makakapigil lang sa ancient scorpion at hindi ito mapapatay.

"Binabantayan lang ng ancient scorpion ang kuweba ngunit kung hindi ito tatakbo ay mas hihirap ito nang ilang beses."

Malinaw na nakita ni Zhao Feng ang sitwasyon bilang isang tagalabas.

Syempre.

Hindi niya kayang manood na lang; kailangan niyang tumulong.

Beng~ Sou- Sou—

Ilang eye catching arrows ng yelo at kidlat ang tumama nang malakas sa balat ng giant scorpion at nakapagdala ng bugso ng malamig na hangin at kidlat kasama nito.

Ang kapangyarihan sa mga palasong itong yelo at kidlat ay malapit sa normal na True Lord Rank.

Dagdag pa rito, sa tuwing tumatama ang mga palasong ito ng yelo at kidlat ay sasabog ito at kahit na hindi nito pisikal na napipinsala ang scorpion, napapabagal naman ito.

"Hmm?"

Maraming mga henyo ang tumingin kay Zhao Feng nang may pagkagulat.

Ang malayuang atake ni Zhao Feng ay malakas at kayang mapabagal ang giant scorpio, na malaki ang tulong sa grupo.

Ang bilis ng giant scorpion ay napababa ang panganib na dala nito.

Kahit ang mga mula sa Black Cliff Palace ay nagalti kay Zhao Feng, kailangan nilang amining ang tulong ng lalaking ito ay nasa ilalim ng tatlong True Lord Rank.

Tanging maliit na bilang ng mga atake na hindi kasama ang mula sa tatlong True Lord Rank ang nakakapantay kay Zhao Feng at ang kanilang epekto ay hindi masyadong malaki dahil kailangan nilang mag-ingat sa ganti ng scorpion habang si Zhao Feng ay hindi dahil malayuan naman ang kaniyang mga atake.

Ang epektong nagpapamanhid at nagpapabagal ang isang bagay na hindi nagagawa ng ibang mga henyo.

Kahit si Ye Yanyu ay tumango. Mula sa ipinakita ni Zhao Feng, maaari na siyangmaging isang inner disciple ng Puer Moon Spiritual Sect.

Ang tanging bagay na hindi nila alam ay ang kaniyang karanasan.

Habang lumilipas ang oras…

Ang mga pinsala ng giant scorpion ay mas lumalim, ang atake ng True Lord Rank na may kulay dugong damit ay nakapasok na sa mga laman nito.

Ang mga palasong yelo at kidlat ni Zhao Feng ay nagpabagal pa rito.

Si Ye Yanyu ay napakatalino at sinubukan munang putulin ang buntot ng scorpion at ang mga biyas nito para mawalan ng balance.

Sa huli at hindi matapatan ng scorpion ang katalinuhan at kooperasyon ng grupo at ang mga atake nito ay may humina.

Ang pinakamahalaga, ang buntot nito at mga binti ay nahiwa na, kaya hindi ito makaktakbo kahit na gustuhin pa nito.

"Hindi ito makakalaban nang matagal."

"Tapusin na natin ito sa loob ng isang oras."

Ang battle intent ng lahat ay tumaas, at ang kanilang mga atake ay mas lumakas.

Boom!

Sa wakas, ang giant scorpion na kasinglaki ng isang maliit na bundok ay bumagsak na sa lupa.

Bago ito namatay ay nadurog pa nito ang dalawang henyo ng Moon Demon Palace na ilang yarda lang ang layo.

Isa pang henyo mula sa Balck Cliff Palace ang nalason nito at namatay sa ilang hininga lang.

Ang lahay ay nakaramdam ng swerte. Ang huling atake mula sa scorpion ay nakapatay pa agad ng mga True Lord Rank.

Ang may pilak na guhitang kalansay ni Chi Gui ay nahati sa dalawa ngunti sa kabutihang palad ay patay na bagay naman ito at maaaring maibalik gamit ang sapat na mga materyal.

Si Zhao Feng ay nawala na nang dumating ang giant scorpion at nagtago sa isang bitak sa mga bundok.

Noong namatay ang giant scorpion ay kaagad na sumugod si Zhao Feng sa bangkay.

Si Ye Yanyu ay tumingin kay Zhao Feng at nag-isip. ang huling atake mula sa scorpion ay tila papunta sa direksyon ni Zhao Feng.

Habang naglalaban sila ay halatang nagalit ang scorpion sa mga palasong yelo at kidlat ni Zhao Feng ngunit sa kasamaang palad, siya ay malayo.

Sumunod…

Ang tatlong panig ay nag-usao kung paani hahatiin ang mga pabuya ng ancient scorpion.

Hindi interesado si Ye Yanyu sa katawan ng scorpion bukod sa pinakamahalagang inner core at mga kuko nito. Ang kaniyang tuon ay ang mga anak at mga kayamanan sa kuweba.

Gayunman…

Kumuha na si Zhao Feng ng matalim na kutsilyo at hiniwa ang balat para kumuha ng isang itim na sako ng kasing laki ng isang kamao.

Ito ang sako ng lason ng ancient scorpion.

"En, ito lang ang aking gusto."

Itinabi ni Zhao Feng sako ng lason.

Ang dahilan kung bakit siya nagsikap ay para rito.

Si Ye Yanyu ay isang dalisay na makatarungang diyosa at siguradong hindi interesado sa maduming sako ng lason na ito.

"Ito ang sako ng laso ng ancient scorpion at ang halaga nito ay mas mababa sa inner core ng scorpion."

Ang mga nasa Black Cliff Palace ay biglang hindi natuwa.

Ang totoo, ang sako ng lason ay malaki ang pakinabang sa mga nasa Black Cliff Palace.

Nagsanay sila sa Dao of Corpses and Ghosts. Nang maidagdag ang mga nakakalasong bagay sa kanila, tulad ito ng paglalagay ng pakpak sa isang tigre.

Walang dudang perpekto ang sako ng lason ng ancient giant scorpion, ngunit napakabilis ni Zhao Feng.

Ang kaniyang God's Spiritual Eye ay nakatuon na sa posisyon ng sako ng lason at kaagad itong kunuha.

Walang magawa ang Black Cliff Palace.

Malaki ang ginampanan ni Zhao Feng at Ye Yanyu sa pagpatay sa scorpion at nakita ng lahat kung paano nabawasan ni Zhao Feng ang mga pinsala.

Walang sinabi si Ye Yanyu dahil hindi siya interesado sa sako ng lason.

Dagdag pa rito, ayon sa kasunduan noon ay kung anong makuha ni Zhao Feng ay sa kaniya na. Talagang nagsikap siya at maiintindihan naman ang pagkuha niya sa sako ng lason.

Si Zhao Feng ay kalahating nasa panig na ng Pure Moon Spiritual Sect at mas mabuti kung nasa kaniya ang sako ng lason kaysa mapunta ito sa Black Cliff Palace.

Nang makitang walang reaksyon si Ye Yanyu ay hindi na nagtanong pa ang Black Cliff Palace ay Moon Demon Palace.

Ang katawan ng giant scorpion ay kasinglaki ng isang maliit na bundok at bukod pa sa ilang mahahalagang parte, ang laman ay mahalaga rin, kaya nga lang ay malaki ito at mahirap kunin.

Shua Shua!

Hinawakan ni Zhao Feng ang itim na lotus at pinalabas ang dalawang luntiang ghost corpse para kainin ang laman ng dalisay na bloodline ng scorpion.

"Walanghiyang ungas!"

"Ang dalawang green bronze ghost corpse na ito ay orihinal naming pag-aari ngunit kinuha ng ungas an ito at nangahas siyang gamitin ito sa ating harapan?"

Ang mga ekspresyon ng mga nasa Black Cliff Palace ay hindi maganda at tumingin sila kay Zhao Feng na may nagngangalit na ngipin at nag-aapoy na mga mata.

Hindi naapektuhan si Zhao Feng at ginawa ang lahat para mapataas ang kaniyang lakas.

Pagkakuha ng sako ng lason ay mas naging malinaw ang plano ni Zhao Feng.

"Pagkatapos kainin ang mga laman ng scorpion, ang dalawang ghost corpse na ito ay ganap nang katumbas ng peak True Mystic Rank at ang sako ng lason nito ay partikular na inihanda para sa dalawa."

Si Zhao Feng ay sumulyap at sinuri ang dalawng ghost corpse.

Ang mga katawan ng dalawang ghost corpse na ito ay malakas at isang mahinang jade na talsik ng dugo ang lumitaw sa kanilang balat. Sa bawat kagat ay mas nagiging mas malakas sila.

Kung ikukumpara rito, ang mga ghost corpse sa parehong antas ng mga disipulo ng Black Cliff Palace ay labis na mas 'mapayat' at hindi maganda ang trato, hindi katulad kay Zhao Feng.

Next chapter