webnovel

Pambihirang Tagumpay

Editor: LiberReverieGroup

Ayon sa pangako ni Ye Yanyu ay tutulungan niya si Zhao Feng ng tatlong beses ng walang pag-aalinlangan, ginamit na ni Zhao Feng ang isa sa tatlo upang tumaas ang kanyang kalakasan.

Kahit na ang misteryosong kanyon na ito ay puno ng panganib at maraming mga henyo sa paligid sinong maglalakas ng loob na lumapit sa late stage True Lord Rank?

"Sige, babantayan kita."

Galit si Ye Yanyu ngunit natawa siya sa sitwasyon na ito at kasabay nito ang paglitaw ng mapang-asar na ngiti sa kanyang mukha.

Para sa kanya, walang halaga kung basa unang yugto o huling yugto na si Zhao Feng sa True Mystic Rank.

Basta hanggang hindi makakapalag si Zhao Feng.

Ang pagkakaiba sa kanila at malaki, hindi sila pareho ng lebel.

Kung gayon, kung aabot si Zhao Feng sa huling yugto ng True Mystic Rank, wala iyon kay Ye Yanyu. Maliban na lamang kung aabot siya sa True Lord Rank, medyo mag kakaproblema siya doon.

Alam ni Zhao Feng kung ano ang iniisip ni Ye Yanyu ngunit sinabihan pa rin itong protektahan siya habang nag cucultivate siya.

Pinikit niya ng mga mata niya kasabay ng pag-agos ng enerhiya mula sa Sky Dark Pearl Fruit King na namutawi sa kanyang katawan.

Ayon kay Ye Yanyu ay mayroong 50% na tsansa si Zhao Feng kapag kinain niya ang Sky Dark Pearl Fruit King at ito rin ang konklusyon ni Zhao Feng.

Sa katotohanan, ang pagkakaiba ng bago at huling yugto sa True Mystic Rank ay medyo malaki at aabutin ang mga normal na eksperto ng sampung taon sa Azure Continent.

Gayunpaman, ito ang Purple Saint Ruins at Heaven Earth Yuan Qi. Ang Purple Saint Ruins ay sampung beses na mas puro sa Azure Flower Continent.

Isa pa, ang kanyon ay lubhang antigo, at ang Heaven Earth Yuan Qi dito ay sampung beses na mas marami kaysa sa ibang lugar sa Purple Saint Ruins.

Ang ibig sabihin nito ay isang daang beses na mas mabilis ang proseso ng cultivation ni Zhao Feng dito kaysa sa Azure Flower Continent.

Ito pa lamang ang unang punto.

Ikalawa, ang water heart pulse na kinain ni Zhao Feng noon ay nagpataas sa punfayon at cultivation niya.

Ikatlo, mayroong mental energy ng True Lod Rank si Zhao Feng at ito ang pinaka mahalagang punto.

Kapag ang lebel ng mental energy ng isang tao ay umabot sa True Lord Rank ay maari silang magpalabas ng Heaven Earth Yuan Qi at ang bagay na ito ay nagpabilis pa lalo sa cultivation ni Zhao Feng.

"Tanging kapag mayroon lamang akong lebel ng mental energy ng True Lord Rank ay maari kong magamit ng buo ang Sky Dark Pearl Fruit King o kung hindi ay tatagas lamang ito."

Mas naging maingat si Zhao Feng kay Ye Yantu nang maisip niya ito.

Isa pa, mayroon lamang 50% na tsansa si Zhao Feng kaya ibig sabihin nito ay nakita na ni Ye Yanyu ang mental energy ng True Lord Rank ni Zhao Feng.

"Ngunit hindi niya maaring makita ang aking God's Spiritual Eye aura at ang sealed Source of True Spirit sa aking katawan na maari kong pag-apoyin ano mang oras."

Naisip ni Zhao Feng.

Si Ye Yanyu ay nagmula sa two-star sect at ang kanyang cultivation, lakas at talino ay mataas lahat.

Kahit na nakita niyang mayroong eye bloodline si Zhao Feng hindi niya ito pinansin. Si Chi Gui mula sa Black Cliff Palace ay mayroon ding eye bloodline, ngunit diba ay natakot lang ito noong nakita siya?

Matapos ng apat na oras.

Halos matanggap na ni Zhao Feng ang lahat ng enerhiya mula sa Sky Dark Pearl Fruit King at ito ay dahil sa kanyang True Lord Rank mental energy. Kung ito ay ibang tao, wala silang tsansang magawa ito.

Matapos iyon ay sinimulan niya ng gamitin ang kapangyarihan ng 'core' ng Sky Dark Pearl Fruit King.

Habang lumilippas ang oras ay tumataas ang aura ni zhao Febf at si Ye Yanyu ay tinupad ang kanyang sinabi, naglalakad lamang siya ng tatlong milya ang layo upang makakuha ng resources.

Mayroong ilang mga henyo ang lumalapit sa paligid ngunit agad na umaalis kapag nararamdaman nila ang aura ni Ye Yanyu.

Ang mga kalapit na halimaw ay pinapaalis niya rin at ito ay nagbibigay ng ligtas at tahimik na lugar kay Zhao Feng.

Matapos ang ilang sandali.

Umabot na sa limitasyon ang aura ni Zhao Feng.

Sa isang 'Weng' ay naramdaman niya ang Qi of True Spirit sa kanyang katawan na banayad na umagos.

Kasabay nito napuno ang kanyang katawan ng makapangyarihang enerhiya. Ang katawan niya lamang ay mayroon ng lakas ng True Mystic Rank.

Matapos ang lahat, ang core ng Sky Dark Pearl Fruit King ay may gamit upang linisin ang katawan at suportahan ang kanyang water heart pulse.

"Ang aking katawan at cultivation ay parehong tumaas."

Tumangi si Zhao Feng.

Minulat niya ang kanyang God's Spiritual Eye at nakita si Ye Yanyu at ang munting magnanakaw na kuting na parehong kumukuha ng kakaibang minerals.

"En, mayroon pa dito."

Naglaan din ng panahon si Zhao Feng para sa black lotus.

Ang black lotus ay isang lalagyan kung saan maaring ilagay ang mga multo at naglalaman ito ng air of death.

Sa kanilang lahat ang dalawang green bronze corpses ang pinaka malakas at ang kanilang battle power ay malapit na sa peak True Mystic Rank.

Maliban pa dito mayroon pang ilang dosena ng bangkay, kalansay at iba pa na nasa True Human Rank hanggang huling yugto ng True Mystic Rank.

Naglabas si Zhao Feng ng aura ng God's Spiritual Eye at ang mga multo ay nanginig sa sahig habang nilalagay ni Zhao Feng ang simbolo ng mental energy sa kanila.

Matapos niya itong gawin, pinakain niya ang dalawang green bronze ghost corpses.

Ang babae kanina ay halatang hindi ito gustong gawin at ang malaking bilang ng mga multo ay maaring mangasiwa sa malaking sitwasyon.

Gayunpaman, kailangan ni Zhao Feng ng dalawang kalasag o gwardya upang hindi na siya masyadong mag-alala.

Mahusay si Zhao Feng sa mental energy at hindi niya na kailangan ang Yin spectres.

Ang ng natirang ghost corpses sa black lotus ay nasimulan ng kainin at ang dalawang green bronze ghost corpses ay natanggap ang air of death, Yin, mga bangkay at iba pa.

"Kailangan ko lang ng isang araw at kalahati upang makaabot ang dalawang green broze ghost corpses na ito sa peak True Mystic Rank battle power."

Tumango si Zhao Feng. Wala na siyang kailangang gawin ngayon.

Saktong sa oras na ito.

Dumatibg su Ye Yanyu at munting magnanakaw na kuting mula sa labas papasok kung saan naganap ang ang seklusyon ni Zhao Feng.

"Nagsayang ako ng maraming oras sa pagbabantay sa iyo."

Malamig na tinignan ni Ye Yanyu si Zhao Feng at tumayo at sumunod na si Zhao Feng sa tabi ni Ye Yanyu.

Pinangunahan ni Ye Yanyu ang daan patungo sa kailaliman ng kanyon at hindi nag-alala na aalis si Zhao Feng.

Ang misteryosong kanyon ay maraming mga kagamitan mula sa ancient times at ang iba dito ay paubos na sa panlabas na mundo.

Habang naglalakad si Zhao Feng, ang kanyang God's Spiritual Eye ay nakakakita ng ilang pambihirang halaman o kayamanan at kinukuha niya ito.

Sa simula ay hindi ito pinapansin ni Ye Yanyu ngunit matapos ang ilang beses na pangyayaring ito ay napagtanto niya na mas marami pang nakitang kayamanan si Zhao Feng sa kanya, na isang late stage True Lord Rank at naintindihan niya kung bakit sinabi ni Zhao Feng n sa kanya ang lahat ng kanyang makikita.

"Mukhang ang kanyang eye bloodline ay hindi para sa labanan kung hindi para sa suporta at pagsusuri."

Hindi na ito pinansin ni Ye Yanyu.

Bilang chosen one ng Pure Moon Spiritual Sect, nakakita na siya ng maraming mga henyong may eye bloodline at marami sa kanila ang natalo niya na.

Miao miao!

Ang munting magnanakaw na kuting ay biglang naghagis ng lumang mga barya sa hangin at tinuro ang isang tiyak na direksyon.

Tinignan ito ng masama ni Zhao Feng. Sa tuwing nangunguna ang munting magnanakaw na kuting ay wala itong magandang naidudulot. Kapag naalala niya noong pumasok sila sa Hundred Graves Forbidden Ground noon, natatakot pa rin si Zhao Feng.

Next chapter