webnovel

Tagumpay

Editor: LiberReverieGroup

Sa loob ng kuweba.

Habang tinitignan nilang umalis si Yu Tiahao, si Mo Tianyi at ang iba

pa ay nakaramdam ng kagaangan sa puso.

Tumawa ang isang lalaking may dilaw na mukha: "Ang pag-iiba ng

landas ay isang magandang ideya. Iniisip ko kung ano ang magiging

reaksiyon ni Yu Tianhao kapag nalaman na ang kalalabasan nito ay iba

sa kaniyang inakala."

"Zhao Feng, sigurado ka bang makakayang makuha ni Xin Wuheng

ang atensiyon ni Yu Tianhao?"

Puno ng kuryosidad ang mukha ni Mo Tianyi.

Ang dalawa ay hindi mapakali.

Alam ni Mo Tianyi ang lakas ni Xin Wuheng.

Ang dalawa ay naglaban na dati at nanalo si Mo Tianyi.

Inaamin niyang may kakayahan si Xin Wuheng ngunit ang lumaban sa

isang overwhelming prodigy? Paniguradong siya nasa isa o dalawang

pagitan siya dito.

"Ang kakayahan ni Xin Wuheng ay hindi nasusukat at gusto kong

makita ang kaniyang lakas ngunit sa oras na ito… ang kaniyang

kalaban ay ang nangungunang henyo sa kontinente. Tignan nati kung

kaya niyang magbigay ng mga surpresa."

Nag-aalinlangang sabi ni Zhao Feng.

Hindi siya sigurado kung makakaya ni Xin Wuheng na harangan si Yu

Tianhao. Kung sa bagay ay si Yu Tianhao ang tinaguriang chosen one

na halos nakatalo sa dose-dosenang henerasiyon ng mga henyo at

nakalampas na sa Scarlet Moon Religion.

Matatawag na pinaka-talentadong prodigy sa lahat si Yu Tianhao.

Gayon pa man, nagawa ito ni Zhao Feng dahil sa kaniyang kuro-kuro.

Napakaraming katanungan sa kaniyang buhay.

Halimbawa, ang kasaysayan ng kaniyang God's Spiritual Eye at ang

dating nagmamay-ari nito. Aning klaseng pagkatao ito?

Halimbawa, ani ang halaga ng mga sumpa sa Hundred Graves

Forbidden Ground?

Paano nakakakonekta ang ancient arena sa mga inheritances?

Ito ang mga katanungan sa puso ni Zhao Feng na mayroon di kay Xin

Wuheng.

Mula sa Genius Summit sa Sun Feather City, si Xin Wuheng ay

kasalukuyang nakaramdam ng 'intents'.

Sa nga oras na iyon, ang lahat ay nasa Consolidated Realm at

naghanda para kay Zhao Feng nang malampasan nito ang kaniyang

cultivation ng isang rank.

Siya'y bigla na lang umalis, at wala kahit sino ang nakakaalm kung

saan siya pumunta.

Matapos ang pagdating ni Yu Tianhao.

Sinulit ni Zhao Feng ang kaniyang natitirang oras para masubukan at

maabot ang True Mystic Rank.

Sa katotohanan, wala bottleneck para sa kaniya, kailangan lamang

niya ng kinting oras.

Gamit ang kaniyang dantian sizzles ng Lightning Qi ng True Spirit ang

kaniyang katawan ay nalinis at sumanib sa kaniya.

Maliban sa Lightning Qi ng True Spirit ay mayroon ding wicked Qi ng

True Spirit na nanggaling sa Mystic Flower Treasured Bible.

Para magawa ang Lightning Inheritance na dominanteng puwersa ni

Zhao Feng na kaniyang nakuhang enerhiya mula sa loob ng Lightning

Mystic Stone ay kailangan niyang maintindihan ang orihinal na

pinagmulan ng mga kidlat.

Hindi lamang ang True Force ni Zhao Feng ang mabilis na nataas, ang

kaniyang pag-unawa rin ay tumataas ng mabilis.

Wu~

Ang True Spirit Lightning Flame na nasa loob ng dantian ni Zhao Feng

ay ginamit niya para malinis ang kaniyang Qi ng True Spirit sa loob ng

kaniyang katawan at ang pagpapahaba ng source ng True Spirit, ang

kapangyarihan ng kaniyang True Spirit Lightning Flame ay tumataas

din.

Ang isa sa parte ng kapangyarihan ng Lightning God's Eyes ni Zhao

Feng ay nanggaling sa kaniyang True Spirit Lightning Flame.

Samakatuwid, sa mga huling sandali ay sinusubukan niyang linisin at

ayusin ang kaniyang True Spirit Lightning Fire.

Ang oras ay mabagal tumakbo at sa huling araw ay nagsimulang

lumakas at mas lumalim ang aura ng True Spirit ni Zhao Feng.

Ang dalawang protectors ay may mga komplikadong pahayag.

Ang paglakas ni Zhao Feng sa loob lamang ng ilang araw ay naging

kasing lakas ng isang dekadang pagsasanay ng isang henyo.

Sigurado si Mo Tianyi na nakahanap ng suwerte si Zhao Feng. Kung sa

bagay ay hindi na niya maipaliwanag ang Source ng True Spirit sa loob

ng katawan ni Zhao Feng.

Sa kabilang dako.

Matapos inumin ni Zhai Yufei ang Mystic Flower Saint Liquid ang

kapangyarihan ay lumapit na pag-abot ng True Mystic Rank, ang

kaniyang katawan naman ay nagbigay ng isang siksik na aura ng

mental energy.

Ang Mystic Flower Saint Liquid ay mabisang paraan para mapataas

ang mental energy senses ng isang tao at importante sa pag-unawa

ng root of law.

Mabagal ngunit matibay ang mga senyales ng paglitaw ng root of law

sa katawan ni Zhao Feng.

"Natapos ng mabuo ni Sister Yufei ang pinakaunang bahagi ng root of

law."

Bahagyang nagulat si Mo Tianyi.

Habang lumilipas ang panahon, ang senyales ng root of law ni Zhao

Yufei ay patuloy na lumalakas.

"Hmm?"

Nakaramdam ng kakaibang aura si Zhao Feng.

Ang activity rate sa kalapit na Heaven Earth Yuan Qi ay dose-

dosenang mas malaki kaysa sa norm.

Ang mga Heaven Earth Qi na ito ay napakalapit kay Zhao Yufei.

Binuksan ni Zhao Feng ang kaniyang God's Spiritual Eye para tignan

ito ng mas malapitan.

Mula sa himpapawid ay 'di mabilang na kislap ng Heaven Earth Yuan

Qi ang dumaloy sa bawat direksiyon at sumalubong kay Zhao Yufei.

Nagmistulang magnet si Zhao Yufei na dinidikitan ng Heaven Earth

Yuan Qi.

"Ang bloodline ni Yufei ay may pagkakapareha sa Heaven Earth Yuan

Qi. Matapos mabuo ang root of law, ang pagkakapareha nila ay tila

nagdidikit pa ng sampung beses na mas malakas."

Napatunganga ang God's Spiritual Eye ni Zhao Feng nang malaman

niya iyon.

Maliban pa doon, napagtanto niya rin na ang laman at dugo ni Zhao

Yufei ay kumukuha at humahalo sa Heaven Earth Yuan Qi.

Ang kaniyang balat ay purong maputi at kasing kinis ng jade.

Kahanga-hanga.

Si Zhao Feng ay nakatanggap din ng benepisiyo mula dito. Ang

kaniyang root of law ay nakakuha din ng lightning Heaven Earth Yuan

Qi na nasa malapit.

Ito'y parang naka-upo si Zhao Feng katabi ng Heaven Earth Yuan Qi

magnet at ang benepisiyo nito ay 'di kapani-paniwala.

"Mukhang ang breaking through speed ko ay dumoble."

Natuwa ng sobra si Zhao Feng.

Nagdilang lucky star si Zhao Yufei sa kaniya. Una ay binilhan siya nito

ng Lightning Mystic Stone at ngayon nama'y nakakuha siya ng

maraming Heaven Earth Yuan Qi.

Ang hangin mula sa ibabaw ng ilog kung saan ang nagpalakas ang

dalawa ay nagsimulang magkaroon ng kislap ng kidlat at ng iba't

ibang kulay.

Sa kabutihang palad ay karamihan sa mga henyo ay ginawa itong

forbidden zone at hindi nagtangka pang lumapit.

Alam ng karamihan na nandoon ang 'sixth dragon blessing' na henyo

na si Zhao Feng at ang first tier na si Mi Tianyi. Kung wala lang

overwhelming prodigy ay walang magtatangkang pumunta doon.

Karamihan di sa mga overwhelming prodigies ay alam ang bagay na

ito.

Sina Yu Tianhao at Tantai ay nakalampas na dito ngunit walang

labanan na nangyari.

Sa bundok na nasa timog.

Tumingin ng malamig at puno ng pagkamuhi at pag-aalinlangan si

Goddess Bing Wei kay Zhao Feng.

"Zhao Feng, dito ka lang nagtatago sa boung panahon ng iyong

pagpapalakas? Mukhang ang iyong true cultivation ay hindi pa

nakakaabot sa True Mystic Rank at ikaw ay nasa kalagitnaan pa

lamang ng yugto ng pagiging overwhelming prodigy."

Nanlamig ang mukha ni Goddess Bing Wei.

Shua!

Ang kaniyang katawan ay kumislap at naglaho mula sa bundok.

Hindi siya nagtungo kung nasaan si Zhao Feng at sa halip ay pumunta

siya sa kabilang direksiyon.

"Ang kapangyarihan ng bloodline ni Zhao Feng ay nakakatapat sa

akin at mayroong malakas na dioensa. Sapat na ang aking sarili para

matalo siya."

Si Goddess Bing Wei ay hindi pa nasisilaw ng pagkamuhi.

Kahit na siya ay pumunta, at harapin sina Zhao Feng, Mo Tianyi at ang

iba pa, siya ay hindi mananalo.

Samakatuwid, ay nagkaroon ng plano si Goddess Bing Wei.

Magkahanap ng panibagong alyansa.

Tanging sa paghahanap ng panibagong overwhelming prodigy na

hindi katapat ni Zhao Feng ang makakapagpataas ng kanilang

pagkapanalo.

Maliban sa kaniya, ang ibang mga overwhelming prodigies ay sina: Yu

Tianhao, Taiyun Shuangzi, Tantai Lanyue at si Shi Chengtian.

Agad na tinanggal ni Goddess Bing Wei sa listahan si Yu Tianhao.

Mag-isa lamang si Zhao Feng at ayaw niyang hayaan ang kaniyang

sarili na makipag-alyansa sa iba lalo na kapag hindi ito isang

overwhelming prodigy.

Sa buong Sacred True Dragon Gathering ay hindi kailangan ni Yu

Tianhao ng mga kakampi para matalo ang kaniyang mga kalaban.

Sunod, Taiyun Shuangzi.

"Si Taiyun Shuangzi ay malakas ngunit masama at marunong. Ang

kaniyang ugali ay madalas na nagbabago. Mahirap makisama sa

kaniya pero hindi masama ang sumubok."

Kumislap ang mga mata ni Goddess Bing Wei.

Sunod naman ay si Tantai Lanyue at Shi Chengtian.

Tinanggal naman ni Goddess Bing Wei sa listahan si Tantai Lanyue.

Bago makipag-alyansa si Tantai Lanyue kay Shi Chengtian para

labanan si Yu Tianhao ay hindi lamang sila nanalo ngunit nagkaroon

din ng kaunting pinsala.

Si Goddess Bing Wei na nagtatago ay sinugod din si Tantai Lanyue at

matapos nito ay malaki ang naging pinsala. At sa ngayon, ay

kinamumuhian na niya si Goddess Bing Wei.

Samakatuwid, ang dalawang pinagpipikian na lamang niya ay sina

Taiyun Shuangzi at Shi Chengtian.

"Si Taiyun Shuangzi ay may dalawang brothers na ibig sabihin ay dodoble ang kanilang lakas kapag sila'y nagsama-sama. Si Shi Chengtian naman ay mayroong Stone Heart bloodline at mayroong malakas na dipensa. Minsan na niyang inatake si Yu Tianhao sa ulo at mayroon pa siyang talento sa gravity."

Hinanap ni Goddess Bing Wei ang dalawang overwhelming prodigies

na ito.

Ang aura ng mga overwhelming prodigies sa lugar na ito ay

masiyading halata.

Sa ilang sandali.

Nahanap na ni Goddess Bing Wei ang mamamatay tao na si Taiyun

Shuangzi.

Sa lahat ng limang mga overwhelming prodigies, ang dragon blessing

ni Taiyun Shuangzi ang tanging nakaka-angat kay Yu Tianhao.

"Hehe….Ice beauty, anong ginagawa mo dito?"

Ang dalawang ulo at apat na mata ni Taiyun Shuangzi ay buong

puwersang nakokontrol ang sandata at patalim na parang halimaw

kapag pumapatay.

Ang isa pa nga sa bibig nito ay may bakas pa ng dugo na 'di kalaunan

ay kaniyang dinilaan din.

Ang dalawang pare ng mga mata ni Taiyun Shuangzi ay pinagmasdan

ang katawan ni Goddess Bing Wei lalo na ang kaniyang dibdib at mga

binti ng may kamanyakan at kasakiman.

Napataas ang kikay ni Goddess Bing Wei ng may halong pagkasuya sa

kaniyang mukha. Kung iba lamang ito, ay paniguradong gagawin niya

itong isa bloke ng yelo na may Extreme Northern Ice Wind.

Gayon pa man, si Taiyun Shuangzi ay isang overwhelming prodigy na

kaniyang kapantay at may kapangyarihan para hamunin si Yu Tianhao.

Ang kuweba.

Weng~

Isang linya ng asul na kidlat ang bumalot kay Zhao Feng.

Ang kidlat ay 'di kapani-paniwala sa sobrang bilis. Makakaya nitong

makagawa ng mga sapot ng gagamba o kaya nama'y makabuo ng

sandata at mga latigo.

Isang marka ng 'azure lightning mystic flower' ang lumitaw sa noo ni

Zhao Feng, ibang iba sa marka ng Lightning Inheritance noon.

Ang kaniyang aura ay hindi na magulo ngunit ito'y bumilis at naging

tila multo, mas naging natural kasama ang Heaven at Earth.

Isang malalim na asul na Source of True Spirit ang mas lumaki sa

bilang at mas naging puro kaysa noon.

Crack!

Ang Lightning Mystic Stone na nasa loob ng palad ni Zhao Feng ay

naging pulbura.

Nagkaroon ng magulong ekspresiyon ang mga lalaking may dilaw na

mukha at si Mo Tianyi at saka nagpakawala ng mahabang hininga.

Nagbigay si Zhao Feng ng bagong pakiramdam sa kanila mula sa labas

at sa loob nito.

Ang kaniyang mga tingin ay naging kasin-talim ng kidlat, at ang

kaniyang asul na buhok ay tila nagmukhang galing sa panaginip. Ang

markang azure lightning mystic flower sa kaniyang noo ay nagbigay

sa kaniya ng mas nakakatakot na aura.

Kung titignan siya, si Zhao Feng ay nagmistulang Lord of the Wicked

mapa sa katayuan, kumpiyansa sa sarili at kalamigan man ito.

"Zhao Feng, ang pagpapalakas mo sa iyong bilis ay mas mabilis pa sa

inaasahan. Ayaw mo ba munang pagtibayin ang iyong pundasiyon?"

Hindi naiwasan sabi ni Mo Tianyi kay Zhao Feng nang makita niya

itong tumayo.

Next chapter