Inilingon ni Wang Xiaoguai ang kaniyang ulo sa gilid nang isang lilang gintong liwanag ang lumitaw sa kaniyang mga mata.
Pagkatapos mabuksan ang kaniyang bloodline power at iwasiwas ang kaniyang patpat, ang buong arena ay bahagyang nanginig. Ang nakakasirang kapangyarihan ay kayang makapatay ng late stage True Human Rank.
"Isang napakamakapangyarihang bloodline!" Nagsigawan ang mga tao.
Kahit si Zhao Feng ay nagising. Ang bloodline power sa kaniyang loob ay nakaramdam ng isa pang ancient bloodline at bahagya pang nakakapuwersa.
Hindi karaniwang nararanasan ni Zhao Feng ang ganitong sitwasyon. Mayroon lang dalawang posibilidad: Maaaring ang bloodline ni Wang Xiaoguai ay napakataas na tier, o ang kaniyang bloodline ay nagising na at nakaabot sa mataas na lebel ng pagbalik sa ninuno nito.
Halimbawa, ang bloodline ng isang tao ay maaaring nakaabot sa 10% na paggising, habang ang isa ay nagising ang isa sa bawat isang libong porsyento.
Support your favorite authors and translators in webnovel.com