"Hahaha…"
Nagsimulang nakapangingilabot na tumawa ang mga pirata sa barko. Ang taong namumuno na mayroong isang mata at nakapulang kapa na may itim na takip sa mata ay kalbo rin..
Siya ang kilalang lider ng Severed Blood Pirates – ang Severed Blood Bald Eagle.
Sinuri ni Zhao Feng ang taong ito gamit ang kaniyang mata at natuklasan, kahit siya at si Master Bi ay nasa True Human Rank, Ang aura ng Severed Blood Bald Eagle ay mas makapangyarihan kaysa kay Master Bi.
Walang duda kaya pala halos nagtagumpay na siya sa pagpatay kay Master Bi.
"Severed Blood Bald Eagle, ang Water Moon Treasury ay teritoryo ng aking Transverse Water Stronghold. Mabuting umalis ka na kaagad, o kung hindi, tatapusin namin kayong lahat sa isang tirahan lamang kapag dumating ang mga tauhan namin."
Sinabi ni Master Bi sa malalim na tono, tumusok ang kaniyang mga salita diretso sa puso.
Nagbago ang mga ekspresyon ng mga piratang nasa barko.
Ang bilang ng mga taong sinama ni Master Bi ay lahat elites ngunit limitado sa dami. Sa katotohanan, ang Transverse Water Stronghold ay mayroong mas malaking bilang ng mag tropa, at sa paglipas ng oras, ang sitwasyon ay hindi magiging maganda para sa mga pirata.
"Pinadala na namin ang balita at kung hindi ako nagkakamali, ang Severed Blood Bald Eagle ay may warrant na parehas mula Iron Blood Religion at sa Imperial family."
Malamig na humagikhik ang Head ng pamilya ng Bi.
Ang grupo mula sa stronghold ay hindi rin nagpigil at hindi umatras, ngunit wala sa kanila ang nagpakita ng kahit anong senyales na sila ay aatake.
"Ang dalawang puwersa ay halos magkaparehas ng lakas, ngunit ang panig na ayaw talagang lumaban ay ang panig ni Master Bi."
Sinubaybayan ng matatalim na mga mata ni Zhao Feng ang buong sitwasyon.
Bakit ayaw makipaglaban ni Master Bi?
Sa pagkakataong iyon, nakita ng God's Spiritual Eye ni Zhao Feng ang mga pinsala ni Master Bi.
"Nasunog ni Master Bi ang kaniyang Qi ng True Force at isa sa kaniyang mga binti ay hindi na gumagana. Ang kaniyang kasalukuyang kapangyarihan ay nasa 60% ng kaniyang peak strength. Sa kabilang banda, kahit na napinsala rin ang Severed Blood Bald Eagle mayroon pa rin siyang 80% o mas higit pa ng kaniyang orihinal na lakas."
Ang tantsa ni Zhao Feng sa kanilang lakas ay tiyak na tiyak sa punto na kahit si Master Bi at ang Severed Blood Bald Eagle ay hindi alam ito.
Hindi naglakas-loob si Master Bi na labanan ang Severed Blood Bald Eagle nang tapatan at sa halip gumawa ng isang sitwasyon kung saan pantay ang parehas na panig.
Dagdag pa rito, sinabi ng pamilya ng Bi na pinakalat nila ang balita.
Sa ganitong paraan, hindi maglalakas-loob ang Severed Blood Bald Eagle na lumaban sa loob ng matagal na panahon. Kailangan nilang tapusin ang laban nang mabilisan o gumawa sila ng isang mapayapang pag-uusap.
Hindi makatotohanan na makipaglaban sila nang mabilisan dahil ang dalawang panig ay mayroong pantay na lakas at maaaring magkaroon ng ibang mga taong aani nga mga gantimpala pagkatapos nila.
Walang tigil sa pagbabago-bago ang ekspresyon ng Severed Blood Bald Eagle.
Hindi siya nakatitiyak kung ang Transverse Water Stronghold ba ay naipakalat na ang balita o hindi ngunit malinaw na alam ni Zhao Feng na hindi pa ito nagagawa ng stronghold. Sa halip, sinelyuhan nila ang stronghold dahil ganito kaimportante ang Water Moon Treasury at maaari pa itong magdala ng ilang kasindak-sindak na mga eksperto mula sa labas, mangangahuluguhan na wala sa kanila ang makakuha ng treasury.
Sa paglipas ng kalahating oras na kasinghaba ng paggawa ng tsaa.
Nagkaroon na ng kasunduan ang Transverse Water Stronghold at ang Severed Blood Pirates.
Bubuksan ng parehas na partido ang treasury.
Halatang nagdadalawang-isip ang Severed Blood Pirates subalit kalmado ang mukha ng Bald Eagle. Ito ay teritoryo ng Transverse Water Stronghold at ang kaniyang layunin na buksan ang treasury ay maaabot na.
Dagdag pa rito, ang laban para sa treasury ay tungkol sa katapangan at katalinuhan.
Mayroong nakakatawang pakiramdam ang mga taong mula sa strongholg: Kadalasan ay makikipaglaban sila sa mga pirata – sinong mag-aakala na magtutulungan sila?
Siyempre.
Sinuwerte rin ang Transverse Water Stronghold dahil ang Severed Blood Pirates ang mayroong eksaktong lokasyon ng treasury o kung hindi, hindi ito madaling magpoprogreso kung nanaisin ni Master Bi at ng mga kasamahan niya na buksan ang Water Moon Treasury.
Nang makapag-isip si Zhao Feng hanggang sa puntong ito, mas lalo pa niyang hinangaan si Master Bi.
"Ang lokasyon ng Water Moon Treasury ay nasa ilang daang talampakan sa ilalim ng ilog sa loob ng isang tagong kuweba. Subalit, ang mga ipo-ipo sa ilog ay kayang humatak kahit ng malalaking barko; ang mga normal na cultivators na nasa Ascended Realm ay hindi magagawang salagin ito."
Sinabi ng Severed Blood Bald Eagle ng walang ekspresyon.
Nakadaong ang mga barko ng mga pirata sa pampang at hindi naglakas-loob pumasok sa lugar na iyon.
Sinuri ng God's Spiritual Eye ni Zhao Feng ang tubig ay nakakita ng maraming ipo-ipo sa dalampasigan.
Ang mga ipo-ipo na ito ay labis na makapangyarihan at kahit ang mga eksperto na nasa 7th Sky ay maaaring hindi makaatras mula rito ng walang galos.
Subalit, mula sa panlabas na anyo, mukhang kalmado at tahimik ang tubig. .
Sunod.
Ang dalawang partido ay nagpadala ng taong nakakabit sa mga lubid patungo sa lugar kung saan maraming ipo-ipo upang hanapin ang Water Moon Secret Cave.
Ang Transverse Water Stronghold ang unang nagpadala ng dalawang ekspertong nasa 6th at 7th Sky upang maghanap sa ilog.
Ang isang ekspertong nasa 6th Sky ay halos biglang tumigil sa paggalaw at nang siya ay hatakin, ang kaniyang katawan ay nanlamig samantalang ang kaniyang mukha naman ay namutla. Para bang nadurog siya ng isang kapangyarihan.
Sa pagkakita nito, ang mga pirata ay puno ng pagkatuwa sa napala niya.
Ang isang ekspertong nasa 7th Sky ay pumasok sa maikling panahon bago nagpumiglas at siya ay hinatak din.
"Ang mga ipo-ipong nasa kailaliman ng ilog ay naglalaman ng isang nakasinsindak na nanghahatak na puwersa at isang nakakawasak na presyon…"
Namutla ang ekspresyon ng ekspertong nasa 7th Sky at wala na siyang enerhiya.
Naging taimtim ang ekspresyon ni Master Bi.
Kung napakadali lang hanapin ang Water Moon Treasury, bakit sila hihintayin ng mga pirata?
Tahimik na naglakad si Zhao Feng sa palibot ng ilog at sinuri ito.
Minanmanan ng kaniyang kaliwang mata ang sitwasyon sa loob ng ilog.
Mukhang ang mga ipo-ipong ito ay binuo ng kalikasan at kung tatapat ang isang tao laban dito, mas lalong magiging nakakatakot ang kapangyarihan nito.
Sa dulo, kailangang tumapat ang isang tao sa higop ng ilang daan hanggang ilang libong ipo-ipo.
"Kahit ang mga normal na cultivators na nasa True Spirit Realm ay mahihirapang pumalag sa array na ito na gawa ng kalikasan."
Bumuntong-hininga si Zhao Feng sa loob-loob niya.
Kung ipapadala nilang isa-isa ang mga tao upang hanapin ang kuweba, mukhang kamatayan lamang nila ang mangyayaring resulta.
Napansin ni Master Bi ang ikinikilos ni Zhao Feng at matamlay na ngumiti, "Little brother, ano sa tingin mo ang dapat nating gawin?"
Bilang isang taong nasa True Spirit Realm, halatang ang mga salita ni Master Bi ay nakakuha ng atensyon ng nakararami.
Nagtinginan ang mga pirata sa hitsura ni Zhao Feng at bahagyang naguluhan.
Noong una akala nila na ang lalaking ito ay kaparte nila.
"Sa tingin ko na kailangan muna nating manmanan ang mga ipo-ipo dahil mukhang ang array na ito ay ginawa ng kalikasan sa ibaba."
Nagsalita si Zhao Feng.
Nang siya ay magsalita, isang malamig na liwanag ang nagningning sa mga mata ng Severed Blood Bald Eagle.
"Totoo bang may kakayanan ang batang ito o nagkataon lang?"
Nakipagpalitan ng tingin ang Severed Blood Bald Eagle sa elder nakaasul na kapang katabi niya.
Nanliit ang mga mata ng elder nakaasul na kapa at tumawa siya nang makipagpalitan ng tingin kay Zhao Feng, "Ang batang ito ay may nalalaman naman tungkol sa arrays."
Pinag-aaralan na ng mga Severed Blood Pirates kung paano nila sisirain ang array sa ibaba, subalit talagang imposibleng gawin ito sa teknikal na paraan para bang kasing hirap sa pagharap sa walang hanggang kapangyarihan ng kalangitan at ng mundo.
Kaya naman, sinsubukang hanapin ng Severed Blood Pirates ang ruta kung saan sila makakadaan na mayroong pinakamahihinang ipo-ipo lamang.
Sa madaling salita, hinahanap nila ang pagkakamali o ang pinakamahinang parte ng array.
Sa pagkakaroon ng malinaw daan, ang mga tauhan ng dalawang partido na mayroong alam tungkol sa mga arrays ay nagsimulang magusap-usap.
Si Bi Qiaoyu at ang dalawa pang elders na magaling sa mga arrays ay nagsimulang mageksperimento.
Sa puntong ito.
Parehas ang Transverse Water Stronghold at ang Severed Blood Pirates ay ginagawa ang lahat ng kanilang makakaya upang makakuha ng solusyon sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga tao sa bawat oras.
Malamig na sumulyap si Zhao Feng sa tabi at naglakad muli paikot sa ilog.
Ang parehas na partido ay naguusap-usap sa kung paano nila iiwasan ang ipo-ipo at hanapin ang landas patungo sa pasukan.
"Ayy... isang kumpol ng mga baliw…"
Bumuntong-hininga si Zhao Feng sa loob-loob ng kaniyang puso.
Tama.
Natuklasan na ng God's Spiritual Eye ni Zhao Feng ang pinamagandang daan ng array at halos nakatitiyak na siya kung saan matatagpuan ang pasukan.
Kung malalaman ito ng Severed Blood Pirates, tiyak na susuka sila ng dugo.
Kailangan nilang malaman na malaki ang naging kapalit nito sa kaniila upang makita ang pasukan at nawalan na sila ng mga elites na mas marami kasya sa mga darili ng dalawang kamay subalit ang ginawa lamang ni Zhao Feng ay lakarin nang dalawang beses ang paligid ng ilog.
Marahang lumipas ang oras.
Ang parehas na panig ay nagkaroon na ng pinakamalapit na paraan upang makita ang pasukan.
Ang kaalaman ni Bi Qiaoyu sa array ay lagpas pa sa inaakala ni Zhao Feng ngunit ang paraan nila ng pag-iisip ay mali.
"Mukhang kailangan kong tumulong ng kaunti."
Naisip ni Zhao Feng.
Walang siyang intensyong kuhanin ang lahat ng kayamanan para lamang sa sarili niya dahil kaunting panahon na lamang bago maabot ng mga taong ito ang pasukan at kung mas tatagal sila, mas maraming tao ang magpupunta rito at walang mapapala si Zhao Feng kung ganito ang mangyayari.
"May isang kasabihan, 'ang pinakamapanganib na lugar ay ang pinakaligtas'."
Lumakad si Zhao Feng sa tabi ni Bi Qiaoyu at maingat na sinabi.
Ang dalawang elders na sanay din sa arrays ay hindi naintindihan ito at mayroong tingin ng pagkamuhi.
"Ohh! Nakuha ko na! Salamat Brother Zhao! Henyo ka talaga."
Nagagalak na sinabi ni Bi Qiaoyu at lahat ng tao ay naglingunan upang tingnan siya.
Naging matingkad na pula ang mukha ni Bi Qiaoyu at puno ito ng ngiti, "Ang Water Moon Treasury ay nasa sentro ng ipo-ipo kung saan pinakamapanganib. Kung hindi ako nagkakamali ang "Susi ng Array" ay naroroon din."
"Imposible, ang pinakamapanganib na lugar ng ipo-ipo ay kayang pumunit sa mga cultivators na nasa half-step True Spirit Realm at gutay-gutayin sila."
Sagot ng isa sa mga elders at nang marinig ito ni Zhao Feng, halos mapamura siya.
"Para itong isang buhawi. Ang panlabas na parte ay kung saan pinakamalakas ang hangin subalit ang sentro nito ay napakakalmado. Kung mas lalo mong lalabanan ang array whirlpool array, mas lalong lalakas ang paghigop. Sa kabilang banda kung umayon ka lamang sa pagdaloy nito, maaari mong marating ang susi ng array nang walang masiyadong malaking kapalit."
Mabilis na ipinaliwanag ni Bi Qiaoyu.
Sa isang salita lamang, nasira na niya ang array.
"Ang sinasabi niya ay totoo at lohikal."
Nagliwanag ang mga mata ng elder na nakaasul na damit na nagmula sa mga pirata.
Hindi sila mangmang, talagang mali lamang ang paraan nila ng pag-iisip at pakiramdam nila ay kailangan nilang iwasan ang pinakadelikadong lugar.
Subalit, ang katotohanan ay ang mismong kasalungat. Ang pinakamapanganib na lugar ay ang pinakaligtas talaga.
Dagdag pa rito, ang lokasyon ng Water Moon Treasury ay malamang nasa isang tiyak na lugar. Kung hindi sila susugal, paano sila makakauha ng kahit anong gantimpala?
Sunod.
Ang Transverse Water Stronghold at ang mga pirata ay nagpunta sa ganitong pag-iisip at nagpadala sila ng mga eksperto upang subukan ito.
"Ahhhhh!"
Mula sa ibaba ng ilog ay may maririnig na sigaw ng isang piratang nasa 7th Sky.
Isang gutay-gutay na madugong bangkay ang hindi kalaunan nahatak palabas.
"Anong nangyari? Hindi ba't sinabi mo na kapag sumunod lang kami sa agos ay magagawa naming maabot ang mata ng array kung saan mas ligtas…..?"
Ang ilan sa mga pirata ay masama ang tingin kay Bi Qiaoyu gamit ang mapupula nilang mga mata.
Namutla ang mukha ni Bi Qiaoyu nang siya ay tumingin kay Zhao Feng at kay Master Bi dahil ang pagdaloy ng konseptong ito ay kay Zhao Feng nagmula.
"Isa kayong pinagkumpol-kumpol na mga baliw!"
Hindi mapigilang magmura ni Zhao Feng.
Malinaw niyang nakita kung paano namatay ang pirata gamit ang kaniyang God's Spiritual Eye.
Kahit na sinabi na kung mas lalo kang papalag, ay mas lalong lalakas ang paghigop.
Kaya naman, kung sumunod lang sa agos, ang kapangyarihan laban sa'yo ay mas magiging maliit.
Hindi ibig sabihin ng hindi pagpalag ay hindi mo na gagamitin ang True Force mo para protektahan ang iyong katawan.
Talaga bang naisip mo na ang p*tanginang katawan mo ay isang mala-alamat na imortal, at isang hindi namamatay na katawan?