webnovel

Baybayin

Editor: LiberReverieGroup

Ang mata ng batang babaeng nakasuot ng kulay blue ay maluha-luha at lubhang nakakaawa.

Ang mga nakakita nito ay naaawa para sa kanya at sinabi kay Zhao Feng na ibenta na ang munting pusang magnanakaw sa kanya.

"Sige, isang bilyong primal crystal stones."

Tumawa si Zhao Feng.

Ang batang nakasuot ng itim na damit ay madiing kinuyom ang kanyang kamao at galit na tumitig kay Zhao Feng. Kung wala sila sa Crossing Sky Ship ay umatake na siguro ito.

Ang presyo ni Zhao Feng na isang bilyong primal crystal stones ay halatang nangangahulugang ayaw niya itong ibenta. Pinaglalaruan niya lamang sila.

"Ting'er, hintayin mong makalagpas tayo sa River of Rage at makapasok tayo sa Canopy Great Country. Bibili ako ng pusang katulad niyan."

Ang elder na nasa likod ng dalawang bata ay tumawa.

Miao miao!

Ang munting pusang magnanakaw ay nagpakita ng panghahamak na ekspresyon at pinahaba ang daliri nito habang itinuturo paitaas. Pagkatapos nito ay pinahaba niya rin ang dalawa pang daliri nito at pinaghambing.

"Sinasabi ba nito na iisa lang siya? Wala ng iba pa?"

Ang mga tao sa paligid ay halatang naintindihan ang kanyang ipinapahiwatig.

Nag-iisang lamang ito sa mundo. Wala na itong magiging katulad.

Miao miao!

Ang munting pusang magnanakaw ay masayang tumango bilang sagot nito sa mga tao sa paligid.

Ang lahat ay napanganga at lubhang nagulat. Ang katalinuhan ng pusang ito ay maaaring maitulad sa mga Fox beasts.

"Uncle Liu, tignan mo! Sinasabi nito na iisa lang siya sa buong mundo. Paano ka makakabili ng pusang katulad niya?"

Napanguso ang batang babae at masungit na tumitig sa munting pusang magnanakaw, pagpapahiwatig na ayaw nitong umalis.

Ang elder na kanilang kasama ay walang magawa habang ang batang nakasuot ng itim na damit ay galit na tumingin kay Zhao Feng.

Walang masabi si Zhao Feng. Sa maiksing panahon ay dalawang grupo kaagad ang kanyang nainsulto.

Ang naunang grupo ay gustong bilhin ang kanyang Azure Sharp Swallow at nagalit ang mga ito nang sila ay tanggihan.

At ang grupong ito naman ay gustong kunin ang kanyang munting pusang magnanakaw ngunit wala naman silang sapat na pera.

Napabuntong-hininga si Zhao Feng, "Anong klaseng mundo ito?"

Si Zhao Feng ay napa-iling. Kung iisipin nang mabuti, ang akala nila ay madaling apihin si Zhao Feng.

Siya ay mag-isa, may mababang cultivation, at galing sa labas ng Canopy Great Country. Lahat sila ay naisip na isa siyang probinsyano at madaling puntiryahin.

Ang Crossing Sky Ship ay mabagal na umaandar pasulong.

Nararamdaman ni Zhao Feng ang pagiging malamig nina Qi Jiu at Grey Cat Eagle.

Sa kabilang grupo, ang batang nakasuot ng itim ay puno pagkapoot at pakiramdam nito ay pinahiya siya ni Zhao Feng.

Ang elder naman na nakadamit nang simple at nasa True Spirit Realm ay kumurap, imposibleng malaman ang kanyang nasa isip.

"Kung aatakihin ako ng dalawang grupo na ito sa oras na bumaba ako ng barkong ito…"

Malamig na suminok si Zhao Feng.

Kahit ang batang may silver na buhok na si Qi Jiu ay maitutulad na kay Cang Yuyue.

Ang pinamalakas na tao ay ang elder na nakadamit nang simple at nabuo na ang Qi ng half-step True Spirit. Kaya na rin siguro nitong makipagsabayan sa mga normal cultivators sa True Human rank.

Siyempre.

Naisip ni Zhao Feng na kahit hindi niya ito kayang pantayan, makakaya naman niyang makatakas gamit ang kanyang Yin Shadow Cloak at Lightning Inheritance.

"Kaibigan, ang pangalan ng Overlooking Mist Liu family ay napakahusay, at hindi kami nagpupumilit makipagtrade, ngunit hindi kami sigurado kung ganito rin ang iba. Kung hindi mo mamasamain, pwede kang pansamantalang sumama sa amin."

Mungkahi ng elder na nakasuot nang simple.

Tumalon ang puso ni Zhao Feng. Ang elder na ito ay totoong matalino.

Masasabi niyang hindi pabor kay Zhao Feng ang sitwasyon, at kung papayag dito si Zhao Feng ay magkakaroon ito ng utang na loob.

Sa parehong oras, naisip ni Zhao Feng na pumayag na sa pagbebenta ng pusa.

Malalim na nag-isip si Zhao Feng.

Hindi siya takot sa dalawang grupo na ito. Kahit hindi niya ito kapantay ay kayang niyang makatakas nang ligtas.

Ngunit… ang Overlooking Mist Liu family ay isang magandang trace.

Si Zhao Feng ay walang alam na kahit na anong lugar o tao. Hindi rin siya sigurado kung anong Liu Family ang kanyang hinahanap.

"Paano kung sisiguraduhin niyo ang aking kaligtasan kapag nakababa na ako sa barkong ito. Bilang kapalit, kung gugustuhin ng aking munting pusang magnanakaw na sumama sa inyo ay hindi ko ito pipigilan."

Sagot ni Zhao Feng.

"Sige ba."

Ang elder na nakasuot nang simple ay nagpakita ng masayang ekspresyon. Sa kanilang mga likod ay ang isang mayamang pamilyang puno ng mga resources. Sa katalinuhan ng munting pusang magnanakaw, siguradong ito ay sasama sa kanila dahil sa mga resources na kanilang maibibigay dito.

Matapos magkaroon ng usapan ang elder at si Zhao Feng, sinabi ito ng elder sa batang naka-blue at naka-itim na damit.

"Ayos! Mabilis na nagtagumpay si Uncle Liu."

Masayang sabi ng batang nakasuot ng blue na damit, na para bang nasa kamay na niya ang munting pusang magnanakaw.

Malamig na napa-ubo ang batang nakasuot ng itim na damit ngunit hindi nagbago ang ekspresyon nito.

Dahil sa connection line ng munting pusang magnanakaw, kalaunan ay nalaman ni Zhao Feng kung sino ang tatlong taong ito.

Ang elder na nakasuot nang simple na tinatawag na "Uncle Liu" ay isang Elder ng Overlooking Mist Liu family.

Ang batang nakasuot ng blue na damit ay tinatawag na Liu Tingyu at isang henyo ng kanilang henerasyon, ngunit dahil inispoil ito ni Uncle Liu, masasabing ang kanyang pagkatao ay hindi simple tulad ng makikita rito.

Ang batang naka-itim na damit ay si Liu Dong, kasintahan ni Liu Tingyu.

Napangiti si Zhao Feng at naintindihan ang background ng tatlo.

Ang Overlooking Mist Province Liu family ay isang maliit ng pamilya sa Canopy Great Country, parang Zhao family na nasa Cloud Country.

Pero kahit na maliit ito ay mayroon itong Elder na nasa half-step True Spirit Realm.

Dahil dito, masasabi na ang pagiging advance ng cultivation sa Canopy Great Country ay nalagpasan na ang Thirteen Countries.

Si Zhao Feng ay nagmula sa bukid at pumunta ng lungsod, kaya pinatutunayan lamang nito na isa siyang probinsyano.

"Hehe."

Kinuha ni Liu Tingyu ang kanyang meryenda at ipinakain ito sa munting pusang magnanakaw.

Mayroong malaking appetite ang munting pusang magnanakaw at hindi ito kumakain ng mga normal na pagkain. Saka lamang ito kumain nang masaya noong kumuha si Liu Tingyu ng primal crystal stones at iilang mamahaling spiritual pills.

Ang elder ay tumawa. Dahil sa pagiging matakaw at sakim ng munting pusang magnanakaw sa pera, madali itong maaagaw mula kay Zhao Feng.

Sa sandaling ito, halatang nalimutan na ni Zhao Feng na magtanong kay Liu Tingyu at mga kasama nito tungkol sa sitwasyon sa Liu family.

"Maaaring ko bang maitanong kung mayroong nagngangalang Qinxin sa Liu family?"

Tanong ni Zhao Feng.

Ang kanyang paglalakabay sa Canopy Great Country ay dahil sa taong ito.

Ang misyong ito ay may kinalaman kung mababago pa ba ang sitwasyon sa Thirteen Countries o hindi na.

"Liu Qinxin? Maraming tao sa Liu family ng Overlooking Mist Province ang tinatawag na Liu Qinxin."

Napa-iling si Uncle Liu.

Maraming tao sa malawak na lupain na ito ang may pare-parehong pangalan.

Tumigil sa pagsasalita si Zhao Feng.

Sa Zhao family, maraming tao rin ang may kaparehas sa kanyang pangalan.

"Sa Canopy Great Country, ang Liu family ng Four Great families ay ang aming main family. Sa aking pagkakaalam, mayroon itong pitong Side families at ilang daang Branch families…"

Paliwanag ni Uncle Liu.

Walang ibang nagawa si Zhao Feng kung hindi kagatin ang kanyang dila.

Ang Liu family ay ang Main family at may pitong Side families sa ilalim nito.

Sa ilalim ng Side families ay ang mga Branch families.

Ang Overlooking Mist Province Liu family ay isa lamang Branch family.

Matapos malaman ito, nayanig ang puso ni Zhao Feng. Mahirap isipin kung gaano kalakas ang Liu family. Marahil ay walang karapatan ang Overlooking Mist Province Liu family na kontakin ang main Liu family.

"Dapat ko bang hanapin ang main family, side family o ang branch family?"

Sumakit ang ulo ni Zhao Feng.

Ang kanyang pangalawang misyon ay ibigay ang liham. Ang akala niya ay magiging simple lang ito ngunit ito pala ay napaka komplikado.

Mula sa kasalukuyang sitwasyon, ang tyansang mahahanap ang main Liu family ay mataas, pero imposible.

"Sana ay isa siyang miyembro ng Side family na may kapangyarihan. Kung siya ay mula sa Brach family, magiging problema ito…"

Napakunot ng noo si Zhao Feng.

Mayroon lamang pitong Side families ang Liu family at lahat ng ito ay mayroong malalakas na pwersa.

Pero napakarami ng Branch families. Sila ay nabibilang ng ilang daan.

Ang hindi alam ni Zhao Feng ay kumislap ang mga mata ng taong nakasuot ng golden robe nang mabanggit niya ang pangalan Liu Qinxin kay Uncle Liu.

'Liu Qinxin? Maaaring bang siya yun…? Imposible! Hindi maaari. Siguradong ibang tao lang ito na may kaparehas na pangalan.'

Sabi ng taong nakasuot ng golden robe sa kanyang isip at huminga nang malalim.

Naisip ng taong nakasuot ng golden robe na hindi ito maaaring mangyari dahil sobrang daming tao ang mayroong magkaparehas na pangalan.

Patuloy na umaandar ang Crossing Sky Ship.

Mabilis na lumipas ang oras.

Sa isang kisapmata, pito hanggang walong araw na ang lumipas at nakarating na rin sa wakas ang Crossing Sky Ship sa baybayin.

Ang baybayin na katapat ng River Of Rage ay crystal blue. Mukha itong tanawin mula sa isang artwork.

Lubang napahanga si Zhao Feng sa kanyang nakita.

"Napakaganda, ito pala ang holy cultivation lands ng Canopy Great Country?"

Maliwanag na kumutitap ang mga mata ni Liu Tingyu at tumigas ang mga kamao nito dahil sa paghanga niya sa tanawin na ito.

Ang timog na parte ng River of Rage ay kinokunsiderang abandonado. Makakapasok lamang sa Canopy Great Country sa pamamagitan ng pagtawid sa River of rage.

Ang God's Spiritual Eye ni Zhao Feng ay nakaramdam ng napakalas na kapangyarihan sa River of Rage. Tila kaya nitong mahati ang kontinente.

"Ang Heaven Earth Yuan Qi sa kabilang baybayin ay sampung beses na mabigat kaysa sa Thirteen Countries. Ang River of Rage na ito ay mayroong kapangyarihan na pigilan ang distribusyon ng Heaven Earth Yuan Qi sa Northern Continent."

Huminga nang malalim si Zhao Feng at hindi masukat ang kapangyarihang iyon.

"Ang River of Rage ay napaka misteryosong ilog. Ang top ranked Inheritances "Heavens Legacy Inheritance" ay nagpakita ilang libong taon na ang nakararaan at isinilang nito ang River of Rage…"

Sabi ni Uncle Liu na tila nagkekwento ito.

"Heavens Legacy Inheritance? Isang Inheritance na mas mahusay pa sa Scarlet Moon Inheritance?

Lubhang nacurious si Liu Tingyu.

Ang Scarlet Moon Inheritance ay na-rank bilang pangatlo sa 4 Great Inheritances at ito ang dahilan kung bakit lubhang malayo ang narating ng Scarlet Moon Patriarch.

"Ang Heavens Legacy Inheritance ay ang pinakamatanda at pinakamistersyo sa apat na inheritance. Sobrang madalang itong lumalabas at kaunting impormasyon lamang ang alam namin tungkol dito."

Bahagyang ngumiti si Uncle Liu.

Wala masyadong impormasyon tungkol sa Heavens Legacy Inheritance. Wala ring nakakaalam kung ito ba ang pinakamalakas, pero siguradong ito ang pinakamatanda at pinakamisteryoso.

"Tila tuwing lalabas ang Heavens Legacy Inheritance, ang sitwasyon ng kontinente ay magbabago. Ngunit matagal na panahon nang hindi ito lumilitaw."

Sabi ng taong tahimik na nakasuot ng golden robe.

Lahat ng iyong ay usap-usapan lang. Walang sinuman ang mag-iisip na totoo iyon.

Kalaunan at nakarating na rin ang Crossing Sky Ship sa baybayin.

Sou-- Sou-- Sou--

Lahat ng tao sa Crossing Sky Ship ay nakababa na. Ang pinakamabilis na nakababa ay ang taong nakasuot ng golden robe. Sa isang iglap, siya ay naglaho sa mga ulap.

"Batang may kulay azure na buhok. Sigurado ka bang hindi mo ibebente iyang Azure Sharp Swallow mo?"

Lumapit kay Zhao Feng si Grey Cat Eagle habang may kasama itong dalawang katulong sa likod.

Sa gilid ay si Qi Jiu na may silver na buhok at mayroong mapang-asar na mga ngiti sa kanyang labi.

Next chapter