webnovel

Kabanata 32: Pagtugis ng Buhay o Kamatayan

Editor: LiberReverieGroup

Habang hinahatak ni Zhao Feng ang kaniyang pana, ang ekspresyon ng lalaking nakasuot ng kulay-abong damit ay naging mapanlait.

Sou! Sou! Sou!

Subalit, nang nagtungo ang tatlong palaso papunta sa kaniya, ang ekspresiyon niya ay biglang nagbago. Ang tatlong nakalalasong palaso ay may maliit na pagitan sa bawat isa at hindi ito nakatutok sa isang diretsong linya. Nakaayos ito sa paraang wala siyang tatakasan, siya ay nakulong.

Pah!

Ang lalaking naka-kulay-abong damit ay nilihis ang kaniyang kamay at biglang bumugso ang malakas na hangin na bumali sa unang palaso, ngunit dumating agad ang ikalawang palaso.

Kung nais niyang iwasan ang pangalawang palaso at atakihin si Zhao Feng gamit ang pinakamabisang ruta, kakailanganin niyang harapin ang ikatlong palaso.

Tila ba natantsa ng ikatlong palaso kung ano ang magiging reaksyon niya.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

Next chapter