webnovel

Ang witch na nagngangalang Anna(Part II)

Editor: LiberReverieGroup

Pagkatapos kainin ni Roland ang huling piraso ng piniritong itlog mula sa kanyang almusal, kumuha siya ng panyo at pinunasan ang kanyang bibig bago sabihin, "Sinasabi mo ba na nagaalala ka na susubukang iligtas ng Witch Cooperation Association matapos nila mabalitaan na hindi siya namatay?"

"Katulad nga ng sinasabi niyo kamahalan." Ipinadyak ni Barob ang kanyang paa at sinabing, "Narinig ko na sila'y nagmamadali at sa malamang ay papunta na sa kung saan. Kung namatay ang bilanggo, wala ng magagawa, pero nabubuhay pa siya! Kapag ang mga witch na iyon ay kayang magnakaw ng mga sanggol, ikinatatakot ko na hindi nila hahayaan ang kanilang ka-uri."

Bahagyang nalito si Roland, at hindi niya mapigilan na maramdaman na may kakaiba sa sitwasyon. Bakit ang Assistant Minister at ang Chief Knight ko ay sinasabing isa silang matinding kalaban?

Ang babaing malapit ng bitayin ay isang witch diba? Sobrang payat niya na kahit na ang hangin ay kaya siyang itumba. Kung siya ay tunay na mayroong katakot-takot na kapangyarihan, bakit siya nakatayo doon at hinihintay ang kanyang kamatayan? Hindi, hindi nga dapat siya mahuhuli. Ayon sa paliwanag ng Simbahan, siya ay ang Diyablo na nagkatawang-tao, at sa gayon ay magdudusa ng matindi ang Punishment Army at iba pang hukbong militar kapag kinalaban siya. Ngunit, nahuli siya ng mga ordinaryong mamamayan ng Border Town, at pinahirapan sa lahat ng posibleng paraan hanggang sa siya ay humantong sa bitayan, ngunit wala padin senyas ng kanyang katakot-takot na kapangyarihan.

"Paano siya nahuli?" Tanong ni Roland.

"Narinig ko na nung nagiba ang North Slope Mine Area, ipinahayag niya ang kaniyang sarili upang makatakas, at pagkatapos ay nahuli ng mga galit na tagabaryo." Sagot ni Barov.

"May ilang masasabi ako sa bagay na ito, at nangyari ito sa araw bago ako nag-time travel," isip ni Roland.

"Paano niya ipinahayag ang kanyang sarili?" Malakas na tanong ng prinsepe.

"Ah, ano… Hindi ako sigurado." Umiling ang Assistant Minister at sinabing, "Napakagulo ng sitwasyon, at maaring may nakakita sa kanya na gumagamit ng pangkukulam."

Sumimangot si Roland habang tinanong, "Hindi mo ba kayang imbestigahan ang sitwasyon ng maayos?"

"Kamahalan, ang priyoridad namin ay ibalik ang produksyon ng mining area." Tugon ng Assistant Minister. "Kalahti ng ating kita ay nagmula sa minahan ng bakal, at higit pa, nakumpirma ng mga guwardiya na taong namatay dahil sa pangkukulam."

"Anong uri ng witchcraft?" Tanong ni Roland, nagiging mas interisado kaysa dati.

"Ang ulo at malaking bahagi ng katawan at nakakalat sa lupa, na para bang natunaw. Napapaalala nito ang mga tao ng tunaw na itim na kandila." Puno ng pagkasuklam ang mukha ni Barov. "Kamahalan, hindi mo gugustuhing makakakita ng ganoong tanawin."

Pinaglaruan ni Roland ang kanyang tinidor na pilak habang pinagninilay-nilay niya ang isyu. Ayon sa kasaysayan, karamihan ng mga biktima na hinuhuli ng Witch Cooperation Association ay mga inosenteng tao, at sa gayon ang mga witches ay nakatanggap ng galit ng Simbahan at ignoranteng mga tao.

Sa katotohanan, may maliit na porsyento ng mga witches ang gumusto ng kanilang pagkamatay. Ang grupong ito ng mga witch ay bihis na bihis, at ginugugol ang kanilang mga araw sa paghahalo ng lahat ng uri ng materyales sa isang malaking kaldero, at sinasabing mahuhulaan nila ang hinaharap at alam ang konklusyon ng buhay at kamatayan. Naka-base ang kanilang lehitimo sa paligid ng ilang mga salamangka, halimbawa, ang paggamit ng isang likas na reaksyon ng apoy upang 'patunayan' na nakuha nila ang kapangyarihan ng Diyos.

Para sa isang modernong tao, ang mga ito ay walang anuman kundi ilang simpleng trick sa chemistry, ngunit sa panahong medyebal, madali itong pagkamalian bilang kakabalaghan ng Diyos.

Sa pagtunaw ng mga tao, ang unang bagay na naisip ni Roland ay isang solusyon ng chromic acid. Gayunpaman, ang pahahanda dito ay mabusisi at ang proseso mismo ay kinakailangang ang buong katawan ng tao ay mababad sa chromic acid. Bukod dito, ang pagtunaw ay tiyak na hindi kasing lakas ng pagtunaw katulad ng pagtunaw ng kandilang waks. At ang chromic acid ang pinakamalakas sa mga kilalang mga asido.

Kung gayon, paano niya ginawa yun?

Kung umasa siya sa alchemy, ibig sabihin ay maaring siya ay isang chemist, na napakabihira sa buong teritoryo, ngunit kung hindi…

Isip-isip ni Roland hanggang dito, at sinabi na may detirminadong tono, "Dalhin niyo ako upang makita siya."

Bigla-biglang tumayo ang Assistang Minister and aksidenteng natapon ang tasa ng gatas na kanyang hindi ininom. "Gusto niyo makita ang witch, Kamahalan?"

"Oo. Isa itong utos." Tumingin si Roland pabalik sa Assistant Minister. Sa isang paraan, siya ay nagpapasalamat sa hindi makatwirang estilo ng Prinsepe Roland.

Habang papalakad si Roland patungo sa pintuan, bigla siyang tumigil at nagtanong, "Oo nga pala, matagal ko ng gusto itanong kung bakit natin ginagamit ang bitayan?"

"Ano?"

Inayos at inulit ni Roland ang kanyang tanong, "Bakit ang bitayan? Hindi ba dapat sinusunog ang mga witch sa stake?"

Mukhang nalilito si Barov. "Ganoon ba? Pero hindi siya takot sa apoy."

Mayroon lang isang piitan o dungeon sa Border Town dahil ang isang tigang na lupain ay hindi kayang sumuporta ng masyadong maraming bilanggo. Karamihan sa mga kriminal ay haharap sa paglilitis sa loob ng ilang araw at maaring makalaya o ipapatay.

Dagdag kay Barov, sinundan ang prinsepe ng Chief Knight, ang bantay ng bilangguan, ang castellan, at dalawang guwardiya.

May apat na palapag ang piitan at ang mga pader nito ay gawa sa matigas na bloke ng granite. Ito ang unang pagkakataon ni Roland sa ganitong klaseng lugar. Inalala niyang na palalim ng palalim, pasikip ng pasikip ang pasilyo, at pakunti ng pakonti ang mga selda. Naisip niya na malamang ay hinukay sa isang hugis ng isang inverted cone muna, at pagakatapos ay itinipon ang mga hilera ng mga bato ng mga mangagawa .

Ang uri ng ganitong crude engineering project ay natural na na hindi makapagbibigay ng isang magandang sistema ng paagusan. Ang lupat ay laging basa at maputik na dumadaloy sa hagdanan, hanggang sa huling palapag.

Ang witch ay nabilanggo sa pinakaibabang palapag ng piitan. Bawat palagapag na pinuntahan nila, pakapal ng pakapal ang masamang amoy.

"Kamahalan, napapanganib kayo ng sobra sa ginagawa niyo. Kahit na natatakan na siya ng God's Locket of Retribution, hindi ito ganap na ligtas."

Si Carter Lannis, ang Chief Knight, ang siyang nagsalita. Nang malaman niya na ang prinsepe ay nagbabalak dalawin ang witch, agad siyang nagmadali pabalik at nagmakaawa sa prinsepe upang bumalik. Hindi niya tinanggap ang utos ng prinsepe at tumangging umalis—lalo na kapag ang prinsepe ay binabalewala ang kanyang kaligtasan. "Paanong ang isang matangkad at gwapong lalaki ay isang duwag?" Isip ni Roland. Hiniling nalang niya na sana mayroon nalang magtatahi ng bibig ni Carter. "Kung hindi mo magawang tignan sa mata ang Diablo, paano ka magkakaroon ng lakas ng loob talunin ito? Akala ko alam mo yun." Sabi niya.

"Bago makipaglaban sa kasamaan, dapat malaman muna ang lakas ng sarili. Ang ugaling pagsasawalang-bahala ay hindi katapangan." Tugon ni Carter.

"Ibig mo bang sabihin na itataguyod mo ang hustisya labab sa isang mahingang kalaban, pero babaling sa mas nakakahigit?" Giit ni Roland.

"Hindi, Kamahalan, Ibig sabihin ko…" Pautal na sagot ni Carter.

"Bago ito, takot ka sa pagsalakay ng mga witches, at ngayon naman takot ka sa isang maliit na babae, tunay ngang kakaiba ang aking Chief Knight."

Kahit na madaldal ang Chief Knight, hindi siya bihasa sa pakikipagdebate, at sa gayon ay walang magawa laban sa katulad ni Roland. Di nagtagal ang partido ay nakaabot na sa pinaka-ibabang palagapag ng piit.

Ang palagapag na ito ay di hamak na mas maliit kesa sa mga palapag sa ibabaw, na mayroon lamang dalawang selda. Sinindihan ng mga castellan ang mga sulo sa dingding, at ng lumiwanag, nakita ni Roland ang witch na nakabaluktot sa kanto ng kanyang selda.

Ang panahon ay nasa dulo na ng paglalagas o autumn at ang temperatura sa piit ay mababa sapat na para makita ng tao ang putting usok kapag sila'y huminga. Nakasuot si Roland ng isang fur coat na may silk lining sa loob, at dahil dito kaya hindi siya nakakaramdam ng lamig, ngunit ang batang babae ay may suot lamang na manipis na damit na hindi lubos natatakpon ang kanyang katawan, kaya't nakalantad ang kanyang mga braso at binti ay naninigas.

Dahil sa biglaang pag-ilaw ng mga sulo, tumalikod siya at ipinikit ang kanyang mga mata. Ngunit agad-agad din niyang nabuksan ang kanyang mga mata and tumingin ng diresto sa partido.

Isa itong pares ng mapusyaw na asul na katulad ng isang kalmadong lawa bago ang pagbagsak ng malakas na ulan. Walang bahid ng takot sa muka ng witch, at wala ring anumang bahid ng galit. Sa loob ng ilang sandali, nagka-ilusyon si Roland na hindi siya nakatingin sa isang mahinang maliit na batang babae, kundi sa isang anino na nagpapawala sa apoy. Nadama niya na parang dumilim ng bahagya ang mga sulo.

Sinubukan tumayo ng batang babae sa pader, ngunit ang kanyang nanghihinang paggalaw ay nagmukhang matutubot at mahuhulog siya sa anumang oras. Sa huli, nakuha niyang tumayo sa kanyang mga paa at hirap na naglakad patungo sa liwanag.

Ito ay sapat na para matakot ang karamihan sa miyembro ng partido at napahakbang ng dalawang beses pabalik. Tanging ang Chief Knight lang ang hindi gumalaw sa kinalalagyan niya at dinepensahan ang prinsepe.

"Anong pangalan mo?" Tumapik si Roland sa balikaw ng kabalyero upang ipahiwatig na hindi niya kailangan maging nerbiyoso.

"Anna." Sagot ng batang babae.

Next chapter