webnovel

Chapter 14

Editor: LiberReverieGroup

Dahil sa nangyari, mas ni-respeto ngayon si Chu Qiao ng ibang niyang mga kasamahan.

Pagsapit ng hapon, naglalakad si Chu Qiao sa tabi ng lawa suot suot ang bagong white cherry apple dress, isang pares ng puting camel fur boots at dalawang emerald jade flowers sa ulo niya. Kumuha siya ng algilawood incense sa pinakalabas na parte ng courtyard at sa pagbalik niya ay napadaan siya sa bamboo grove nang biglang may humarang sa kanya. "Haha! Nakita rin kita!" tumatawang sabi ng lalaki.

Suot ng young prince ang isang sapphire robe na may burda ng ibon na may iba't-ibang kulay. Masigla niyang winagayway sa harap ni Chu Qiao ang latigo niya bago tinignan siya mula ulo hanggang paa. "Anong meron? Maganda ang panahon ngayon, tara at mangaso." nakangiti niyang sabi.

Nagtataka naman si Chu Qiao sa young prince na masayang masaya. Napailing siya bago sumagot sa kanya, "May kailangan pa po akong gawin kay hindi po ako makakasama, pasensya na po." Umalis siya kaagad pagtapos niyang magsalita.

"Hoy! Wag kang umalis." Mabilis na tumakbo ang young prince at hinarangan si Chu Qiao. "Hindi naging madali na hanapin ka at kanina pa kita hinihintay sa garden na to. Sabihin mo nalang sa akin ang pangalan mo at kung saang court ka nabibilang. Kakausapin ko nalang si Zhuge Huai na samahan mo ako, ano sa tingin mo?"

Hinarap naman siya ni Chu Qiao bago nagtanong, "Gusto mo talagang samahan kita?"

Taimtim siyang tumango para sa tanong ni Chu Qiao. "Oo, sa lahat ng mga alalay dito, ikaw ang nakapukaw ng atensyon ko. Gagawin kitang chief bodyguard ko, anong masasabi mo?"

"Sige sasabihin ko sayo ang pangalan ko, bahala ka na kung mapapaki-usapan mo ang master ko." Nakangiting tugon naman ni Chu Qiao.

"Ako na ang bahala!" tinapik-tapik niya pa ang kanyang dibdib, "Kahit na sabihin ko pang sampu ang hihingin ko, susundan ako ni Zhuge Huai, lalo na ikaw lang naman hihilingin ko."

"Sige, makinig kang mabuti, ang pangalan ko ay 'None' at kabilang ako sa 'Exist' court at katulong ako ni lady 'Loko', nagawa ako ng mga clay figurines para sa mga master para maglaro at magsaya. Tandaan mo yan."

"Marunong ka magmasa ng clay figurines?" kumikinang ang mata nitong tanong. 

"Opo." natuwa naman si Chu Qiao sa bata, di niya napigilan ang sarili na kurutin ang pisngi nito. "Marami pa akong kayang gawin at makikita mo ito sa susunod. May mga kailangan pa akong tapusin, kaya mauuna na po ako. Wag mong kalimutan na kausapin ang Master ko."

"Wag kang mag-alala, hindi ko makakalimutan." natangong sabi nito. "Sige pwede ka ng umalis, ayusin mo na rin ang gamit mo. Susunduin kita mamaya."

Malayo na ang nalakad ni Chu Qiao nang lumingon siya pabalik, nakita niyang nandoon pa rin ang young prince at nakatayo sa isang malaking bato at nakaway sa kanya. Pinigilan naman ni Chu Qiao ang kanyang ngiti at naglakad sa bamboo grove bitbit ang agilawood incense papunta sa Qing Shan Court.

"Ang pangalan niya ay 'None', na nasa 'Exist" court at alalay ni lady 'Loko'? Tapos gumagawa ng clay figurines para maglaro at magsaya? Saan mo naman napulot ang mga sinasabi mo?" sabi ng isang lalaki. Nagulat naman si Chu Qiao at sinundan kung saan galing ang boses. Nakita niya si Yan Xun na nakaupo sa sanga ng isang pine tree, nakasuot ito ng kulay teal na robe. Nakangiti itong nakatitig sa kanya. 

Nakita na ni Yan Xun ang tunay niyang ugali kaya hindi niya na kinakailangan pang magpanggap sa harap nito. Masama niyang tinitigan si Yan Xun at sarkastikong sinabi, "Ang taas naman ng inakyat mo, hindi ka ba natatakot mamatay kapag nalaglag ka diyan?"

"Hindi mo na problema yun. Ang sama mong bata ka, hindi ba dapat mas alalahanin mo ang sarili mo? Sabi nila na tinatamaan ng kidlat ang mga guilty sa mga nagawa nila. Sumasama na ang panahon, baka tamaan ka."

Hindi naman natinag si Chu Qiao sa sinabi ni Yan Xun. Walang takot niyang hinarap ito bago sumagot, "Ilan man kasalanan ang gawin ko, hindi pa rin ako magiging katulad niyo na kayang pumatay ng walang pakundangan. Wala kayong kwenta at mas masahol pa kayo sa mga baboy."

"Ang lakas talaga ng loob mo!" seryosong sabi ni Yan Xun pero nakangiti pa rin siya. Inayos niya ang pagkakaupo niya sa sanga bago tumingin pababa kay Chu Qiao at sinabing, "Sinadya kong hindi ka patamaan para iligtas ka. Hindi ko tuloy ako nanalo ng walong naggagandahang western dancers galing sa First Young Master at hindi ka man lang nagpapasalamat dito. Anong dahilan mo?"

"Sinasabi ang mga dahilan sa tao, hindi sa hayop. Binalaan na kitang wag mo akong harasin, at wag mong maisip na ilaglag ako para pagbantaan ako, dahil sinisiguro ko sayong pagsisisihan mo lahat ng gagawin mo."

Umalis kaagad siya pagkatapos niyang magsalita. Nagmamadali siyang naglakad ng may tumama sa ulo niya. Tinignan niya kung ano iyon at nakita ang isang pinecone na nabalot sa nyebe. Galit niyang tinignan si Yan Xun. "Nang-iinis ka ba?"

"Nope." sabi ni Yan Xun na may nakakalokong ngiti, "Hindi ako nang-iinis, inaapi kita."

Tinitigan lang siya ni Chu Qiao bago umalis ng tuluyan. Nakasara ang mata ni Yan Xun na para bang nag-iisip siya at inakala niyang sasagutin nanaman siya nito pero nadismaya siya dahil iniwan lang siya nito.

Sa sandaling iyon, isang bato na kasing laki ng kamao ang lumipad sa direksyon ni Yan Xun.Mabuti nalang at marunong siyang mag-martial arts at alerto siya. Natuwa siya dahil mabilis niya itong naiwasan pero biglang siyang nakadama ng matinding panlalamig sa kanyang likuran at isang malakas na tunog ang narinig. Bumagsak lahat ng nyebeng nasa puno sa kanya.

Kaagad naman tumalon pababa ang binatang Royal Highness na punong puno ng nyebe. Tinignan niya ang batang babae na nakatayo, nang mapansin ng bata na nakatingin siya tinaas nito ang kamay niya bago inangat ang gitnang daliri niya. Ngumisi muna siya bago umalis.

Napasimangot naman si Yan Xun at ginaya si Chu Qiao. Hindi niya alam kung ano ang ibig sabihin nito.

Mula sa kagubatan ay lumabas ang isang labing isang taong gulang na bata at kita ang galit sa kanya. "Royal Highness, ako na po ang huhuli sa kanya para maparusahan mo ang walang galang na katulong na yun!"

"Ikaw? Huhulihin siya?" natatawang sabi ni Yan Xun bago inilahad ang gitnang daliri niya. "Feng Mian, anong ibig sabihin nito?"

"Yan po?" nagitla naman si Feng Mian sa tanong pero sinagot niya pa rin ito. "Malamang ay humihingi siya ng tawad. Alam niyang sobra na ang ginawa niya pero dahil bata pa siya kaya nahihiya siyang harapin ka, kaya ganon ang ginawa niya."

"Humihingi ng tawad?" kumunot naman ang noo ni Yan Xun. "Parang hindi."

"Iyon lang po ang nararapat, Royal Highness."

"Ganon ba?"

Sa main hall ng Red Hill Court, si Zhuge Huai, Zhao Che at ang iba pa ay nagtatawanan ng marinig nila ang usapan.

"Zhuge, hindi ko alam na may matalino kang alalay dito. Gusto ko na rin siya ngayong makita." nakangiting sabi ni Wei Jing.

Umiling naman si Zhuge Huai, "Ginawa niya lang katawa-tawa ang sarili niya."

"Anong nangyayari? Bakit tumatawa kayong lahat?" pulang pula na ang young prince sa kahihiyan dahil sa napansin niyang siya ang dahilan kung bakit sila nagtatawanan pero hindi niya alam kung ano ang rason kung bakit sila natatawa.

Natatawa namang sumagot si Zhao Che, "Ang pangalan niya ay 'None', galing siya sa 'Exist' court at katulong siya ni lady 'Trick' at nagmamasa ng clay figurines para maglaro at magsaya. Pagsama-samahin mo yan, 'none exist, para manloko at magsaya'. Niloko ka lang niya Thirteenth Brother."

Hiyang hiya naman si Zhao Song at pulang pula ang kanyang mukha. Sa yamot niya ay tumakbo siya paalis.

Isang malakas na dagundong ang maririnig kasabay ng mga paputok na makikita sa langit. Sa mga kalye ay masayang naglalaro ang mga kabataan at masayang tinatakpan ang kanilang mga tainga habang nagsisindi sila ng sarili nilang paputok. 

Dumating ang ika-25 lantern festival matapos maging emperor ni Bai Zong ng Xia Dynasty sa kalagitnaan ng pagdiriwang. Puno ng kasiyahan ang bawat isa, meron ding libreng paputok para sa masa na siyang nagpasigla sa mga tao. Natuwa naman ang master ng Sheng Jin Palace sa ginawa ng capital magistrate kaya binigyan niya ito ng gantimpala.

Sa gitna ng kasiyahan ay ang paghigpit naman ng seguridad ng mga Zhuge para paghandaan ang mahalagang araw na to. Malakas ang naging pagbagsak ng nyebe na para bang balahibo ng gansa na lumulutang sa hangin. Ayon sa mga nakakatanda ay hindi raw natural ang pag-ulan ng nyebe sapagkat dapat matagal na itong tumigil. 

Maganda namang tignan si Chu Qiao sa suot niyang kulay pink na dress at fur coat, meron din siyang pang harang sa kanyang mukha na gawa sa fox wool.

"Xing Er, tawag ka ng Young Master." sabi ng bagong tauhan na si Huan Er na hinihingal matapos tumakbo sa paghahanap kay Chu Qiao.

Tumanga lang si Chu Qiao at sinabing, "Tara." Naglakad siya papunta sa Xuan Hall ng walang halong kaba.

Nayayamot namang tinignan ni Huan Er si Chu Qiao na naglalakad paalis. Ilang saglit ay umiling nalang siya bago hinabol si Chu Qiao. Kumpara kay Chu Qiao ay higit na mas mabagal kumilos si Zhuge Yue. pagpasok ni Chu Qiao sa silid ay nakita niya ang fourth master ng mga Zhuge na nakaupo sa heated couch at kunot noong pinag-aaralan ang laro ng Go.

Hinanda ni Chu Qiao at inayos lahat ng kailangan nila para mamaya bago ito ibigay sa iba pang mga alalay, pagkatapos ay nagsalin siya ng tsaa at nilapag ito sa lamesa sa gilid ni Zhuge Yue at naupo sa tabi ng incense burner habang nakapangalumbaba na naghintay sa kanya.

Isang libro ang nasa lamesa, nakabuklat ito at makikitang luma na sapagkat naninilaw na ang kulay nito. Nakatitig lang si Chu Qiao sa librong ito saka niya lang napansin na isa pala itong Buddhist scripture at mas lalo siya naging interesado.

Hindi naman masasabing malupit at tuso si Zhuge Yue. Hindi siya kagaya ng iba kagaya ng mga taong sumali sa kompetisyon na ginawa nila sa arena. Pero masyado siyang malayo sa ibang tao at malaki ang bilib niya sa sarili niya. Bukod sa sarili niya ay wala na siyang ibang tinitingala pati na rin sa relihyon at pananampalataya. Kaya bakit nagbago ang isip niya at nagbabasa siya ng Buddhist Scripture?

"Hindi naman basura ang nakasulat dyan," sabi ni Zhuge Yue nang mapansin niya si Chu Qiao. Kumuha siya ng isang black go piece at nilapag sa board ng laro habang naglilipat ng pahina ng libro. "Basahin mo ng malakas."

"Ang buhay ay parang namumuhay ka na may tinik. Kung hindi nababahala ang iyong puso, samakatuwid ay payapa at tahimik ang iyong isipan. Kapag payapa ang iyong isipan, hindi ka masasaktan. Pero kapag nababagabag ang iyong puso, susunod dito ang iyong isip at makakagawa ka ng mga bagay ng padalos-dalos, kaya naman ay masasaktan ka sa mga tinik nito. Susugatan nito ang iyong katawan, at tatagos ito sa iyong buto at sa huli ay pagdudusahan mo ang iba't-ibang klase ng sakit na iyong madarama…"

Nagulat nama si Zhuge Yue at tinitigan si Chu Qiao. Sa huli ay napangiti siya at sinabing, "Magaling, marami ka ng alam na salita sa edad mong yan. Sino ang nagturo sayo?"

Unang linya palang ay alam niya ng may mali pero hindi siya nagpa-apekto at ngumiti na lang bago sumagot. "Maraming salamat po, Young Master. Mahilig po akong magbasa bata pa lang po ako. Mga ate at kuya ko po ang nagturo sa akin."

"Ganon ba? Naiintindihan mo naman ba ang binasa mo?"

"Medyo naintindihan ko po." sagot ni Chu Qiao, "Pwede niyo po bang ipaliwanag sa akin?"

Natuwa naman si Zhuge Yue pero hindi na ito nagsalita bago siya nagpatuloy sa nilalaro niya.

Next chapter