webnovel

Bigyan niyo kami ng puwang para mabuhay

Editor: LiberReverieGroup

Matapos na umupo muli si Ye Wan Wan, naramdaman ng lalake sa tabi niya na para siya'y nakaupo sa mga karayom habang ganoon din ang babae.

Talagang tinawag niyang barbie si Ye Wan Wan kanina at sinabi pa na siya ang isa sa mga babae na hindi pumapasok sa klase at nakaasa sa ganda nila para perahan ang mga mayayamang lalake.

Ang nangyari talaga ay siya ang nangungunang estudyante na pinag-agawan ng dalawang kilalang unibersidad at nag-aplay para sa maagang pagtatapos...

Nasaksihan ng lahat kanina ang pagseselos at pag-aaway niya sa kanyang kasintahan, kaya ang lahat ay nakaturo sa kanya at tinatawanan.

Hindi na makapagpaigil pa ang babae. Tumayo siya buhat ang kanyang mga libro na may nakakasindak na itsura at hinila ang kasintahan. "Tara na! Ano pang tina-tanga mo at nakaupo ka pa dyan?!"

"Oh…" tumayo ang lalake habang nahihiyang kinakamot ang kanyang ulo.

"Um, kaklase Ye, p-pasensya na…" mabilis na sabi ng lalaki saka hinabol ang kasintahang lumabas na sa silid.

Nanghihimutok naman ang ibang mga estudyante.

"Kahit na ang pagiging kahali-halina ng isang bookworm ay wala na sa tsart ngayon? Paano tayong mga normal na tao?!"

"Bigyan niyo kami ng puwang para mabuhay!"

"Sa una akala ko galing siya sa malapit sa Imperial Films na dumalo lang para makalibre sa seminar!"

Matapos ang seminar, hinila ni Li Yue si Ye Wan wan sa gilid at nag-umpisang kausapin siya ng taimtim.

"Wan Wan, kamusta ka na? Rinig ko madalas kang hindi pumasok. Anong pinagkaka-abalahan mo ngayon?" malasakit na tanong ni Li Yue.

"Ay, tawagin mo na akong lolo! Hindi ka na bago sa akin!" sabi ni Li Yue na kunwai'y nagagalit.

Marahang umubo si Ye Wan Wan at walang magawa kung hindi itama ang sarili. "Lolo Li, intern ako sa lugar ng kuya ko ngayon."

Tumango si Li Yue hanbang tumatawa. "Magaling, magaling!Kahit gaano kadami pa ang natutunan mo, hindi mo ito maikukumpara kung talagang iaaplay mo! Kung ang alaga ko lang ay maging masipag at responsable tulad mo, hindi na ako masyadong mag-aalala!"

Nang marinig ang sinabi ni Professor Li, biglang nakaramdam si Ye Wan Wan na may mali sa sitwasyon...

Tulad ng inaasahan, agad niyang narinig si Li Yue na sinabing: "Wan Wan, ah, kailan ka pwedeng pumunta sa bahay ni lolo Li para kumain? Sakto uuwi ang loko-loko kong alaga sa susunod na buwan. Pwede kitang ipaalaga sa kanya…"

Hindi makaimik si Ye Wan Wan. "..."

Habang magaling si Professor Li sa pagtuturo, halata namang hindi siya dalubhasa pagdating sa matchmaking! Masyadong pormal 'to, 'di ba...

Sumagot si Ye Wan Wan. "*cough* Um, hindi ako sigurado, masyado akong abala sa kumapanya…"

"Walang problema, walang problema. Mas importante ang trabaho at pag-aaral mo; pwede natin itong pag-usapan kapag may oras ka. Kakatapos lang ng loko-loko kong alaga, kaya pwede siya kahit anong oras!"

Nahirapan si Ye Wan Wan na ipagpatuloy pa ang usapan, kaya naman gumawa siya ng dahilan at nagmadaling umalis.

Gaano pa ito kasama...

Nagkaroon lang siya ng lakad sa eskwelahan, pero naharot na siya sa isang sandali at may nagreto pa sa kanya sa sumunod...

May mga mina sa lahat!

Matapos na nakawala din siya sa wakas kay Li Yue at umalis sa silid, nag-umpisang tumunog ang kanyang telepono.

Si Si Ye Han ang tumatawag.

"Hey…" para bang may bahid ng pagsisisi ang boses ni Ye Wan Wan ng walang dahilan

Saglit na oras lang ang lumpipas, pero ilang beses niyang nasira ang mga patakaran at "nagpukaw" ng mga lalake?

"Tapos na?" sabi ng malalim na boses niya mula sa telepono.

"Oo, kakatapos lang. Papunta na ako sa iyo ngayon!"

"Nasa pasukan ako ng eskwelahan mo. Dadalhin kita para ipaayos," sabi ni Si Ye Han.

"Oh, sige. Papunta na ako!" ibinaba ni Ye Wan Wan ang tawag at tumakbo patungo sa pasukan ng eskwelahan.

Nang nakarating na siya sa pasukan, nakita niya ang itim na kotse na hindi makikilalang brand. Nakaparada doon, low-profile. Nag-aantay si Si Ye Han sa kanya habang nakasandal sa may pintuan ng kotse.

Sa kasamaang palad lang ay habang naglalakad si Ye Wan Wan patungo kay Si Ye Han, ibang mga lalaki ang nanghaharot sa kanya.

Next chapter