Kumikinang ang mga mata ni Lin Que habang nakatingin kay Si Ye Han. "9th brother, 9th brother, gusto ko makihati sa lamesa! Pagkakataon ang ganitong pagkikita natin, kaya paaano kung kumain tayo ng magkakasama?"
Ye Wan Wan: "…"
Malamang, ang kanilang pekeng dahilan kaya gusto nilang makihati sa isang lamesa ay isang panakip para makialam sa kanilang buhay.
Pinagtataksilan na siya ng mata ni Lin Que!
Walang emosyong tumingin sa kanya si Si Ye Han. "Hindi ako interesado."
Kaagad na naging mukhang nasaktan si Lin Que. "Wag kang maramot. Mas marami mas masaya!"
Bahagyang tumawa si Xii Zhezhi at sinabi kay Ye Wan Wan, "Boss Ye, mayroon pala akong ilang business matters na kailangan sabihin sayo."
Malinaw, na ang talino no Xie Zhezhi ay hindi magkapareho ng lebel. Naiintindihan ni Xie Zhezhi kung sino ang may hawak ng kapangyarihan upang gumawa ng desisyon sa pamilyang ito, kaya direkta niyang hinarap si Ye Wan Wan.
Natahimik si Ye Wan Wan. Business matters?
Kahit na si Xie Zhezhi at siya ay parehong nagtatrabaho sa industriya ng entertainment, ang lalaking iyon ay may presensya na higit sa diyos. Hindi sila maihahambing, kaya anong business matters ang kailangan nilang pag-usapan?
Nag-alangan si Ye Wan Wan ng biglang kinuha ni Xie Zhezhi ang kanyang telepono.
Sa sandaling iyon, tumunog ang telepono ni Ye Wan Wan.
Ito ay isang mensahe mula kay Xie Zhezhi.
Naalala niya ito ng matagal na panahon, sinama niya si Xie Zhezhi sa WeChat pero hindi sila nag-uusap.
Matapos itong buksan, nakita niyang pinadalahan siya ni Xie Zhezhi ng isang pulang pakete.
Anong ibig sabihin nito?
"Ito ang unang beses na makita ko ang iyong anak, kaya ituring mo na lang ito bilang isang pagbating regalo para sa kanya."
Nagliwanag ang ni Ye Wan Wan.
Hindi niya naisip na ang pagkakaroon ng isang anak ay magdadala ng magandang benipisyo! Nakatanggap siya ng isang pulang pakete!
Dapat matuto ang mga tao mula kay Xie Zhezhi! Siya ay maintindihin!
Pinindot ni Ye Wan Wan ang pulang pakete upang buksan at nakita niya ang numero, na mas ikinasaya niya.
Si Ye Wan Wan na masyadong maalaga kay Tangtang mula sa dalawang lalaking ito, ay biglang nabago ang kanyang pakikitungo. "Tangtang, dali magpasalamat ka sa tito na ito."
Mabait na sumunod si Tangtang. "Salamat, tito."
Ngumiti si Xie Zhezhi. "Walang anuman."
Ye Wan Wan: "Tutal ganito naman, megastar Xie, sabay na tayong kumain!"
Nagulat si Lin Que. "Paano ako?! Paano ako?!"
Ye Wan Wan: "at sino ka naman sa baby ng aming pamilya?!"
P*ta...
Kaagad na naglabas si Lin Que ng maraming pero. "Haha. Mali ko, mali ko. Hindi dapat ako nagsalita ng walang kabuluhan. Ito ay isang pulang paketa para sa aking masunuring pamangkin!"
Inangat ni Ye Wan Wan ang kanyang isang kilay sa tangang Lin Que na nakahabol sa kung anong nangyayari. Iyon na lang ang magagawa ko!
Tumingin si Ye Wan Wan kay Si Ye Han at sinabi, "Ah-Jiu, sama-sama na tayong kumain. Mas marami mas masaya!"
Si Yehan: "En."
Lin Que: "…"
P*ta! Bakit ba ako pinagsasawalang bahala kapag may sinasabi ako?!
Sa dulo, matagumpay na nakisalo si Xie Zhezhi at Lin Que sa kanilang family dinner.
Si Ye Wan Wan, Tangtang, at Si Ye Han ay magkakasamang umupo sa isang tabi bilang isang pamilya habang si Xie Zhezhi at Lin Que at nakaupo sa kabila nila.
Si Ye Han: "Anong gusto mong kainin?"
Ye Wa Wan: "Ikaw mag desisyon. Alam mo na kung anong gusto kong kainin."
Kaya naman, kaagad na pumili si Si Ye Han ng ilang pagkain saka tinanong si Tangtang, na nakaupo sa tabi niya, "eh ikaw?"
Tumingin si Nie Tangxiao sa nakaupo sa kabilang dulo bago tumingin pabalik kay Si Ye Han at sumagot, "daddy, pwedeng kumain ng kahit ano si Tangtang."
napakalma ng bahagya si Si Ye Han nang ituring siya bilang "daddy."
Simula kagabi, kahit na matapos ang paglalaro ng isang buong araw, hindi pa siya tinawag kahit minsan ni Nie Tangxiao na "daddy." Ito ang unang beses.
"Pffff--" ng marinig ni Lin Que ang salitang "daddy," nabuga niya ang kanyang tubig...
Ang eksenang nauna sa kanyan ay masyadong imposible...