webnovel

Kahanga-hanga, kuya

บรรณาธิการ: LiberReverieGroup

Walang interes na tumingin si Nameless Nie. Ang kanyang mga mata ay hindi gumagalaw.

"Kapitan… siya ang unang nanapak sayo!" Madaling sinabi ni Spray of Flowers.

Nangasar si Li San Ye at muling sinuntok si Nameless Nie sa kanyang tiyan. Sa oras na ito, halos gamitin niya ang lahat ng kanyang lakas.

Gayunpaman, hindi makapaniwala si Li San Ye - ang lalaki sa kanyang harap ay hindi man lang kumislot at matapos makatanggap ng isang suntok mula sa kanya, wala siyang nasaktan kahit kaunti.

"Ikaw… naghahanap ka talaga ng kamatayan." Isang malamig na ilaw ang mabilis na dumaan sa mga mata ni Nameless Nie.

Walang sino man ang nakakita sa kilos na ginawa niya, ngunit sa mga sumunod na sandali, hinawakan niya si Li San Ye sa leeg.

Sa kakila-kilabot na lakas na ito naiwan si Li San Ye ng walang kalabanlaban.

Ang kilalang mamamatay na ito ay parang isang bagong silang na sanggol sa mga kamay ni Nameless Nie. Hawak siya ni Nameless Nie sa leeg at dahan-dahang inangat siya mula sa lapag.

Ang mukha ni Li San Ye ay namula, ang kanyang mata ay napuno ng daluyan ng dugo at ang kanyang kamay ay wumagayway patungo kay Nameless Nie.

Kapag ang isang tao ay natagalan ang mga suntok na ito, maaring ikamatay nya ito.

Gayunpaman, walang naging epekto ito kay Nameless Nie.

"Ito…"

Gulat na gulat na tumingin ang matandang Mercenary kay Nameless Nie. Alam niya kung gaano kalakas ang suntok si Li San Ye at hindi siya makakayang talunin ng mercenary kahit na pagsamasamahin pa ang kanilang lakas. Ngunit sa kamay ng binatang iyon, hindi na nagawang makalaban pa ni Li San Ye!

"Naghahanap ka ng kamatayan!" Kaagad na binato ng binatang doktor ang kanyang patalim sa direksyon ni Nameless Nie.

Gayunpaman, bago pa ito makalapit sa kanyang katawan, nakuha ng kaliwang kamay ni Nameless Nie ang patalim.

"Kawili-wili…" tumingin si Nameless Nie sa binatang doktor bago pa siya umiwas ng tingin.

"Sa una ayoko gumawa ng kahit anong gulo… pero tila kayo ay… masyadong mangmang." Nagsalita muna si Nameless Nie bago pa siya gumamit ng marami pang lakas.

Umalinga-ngaw ang pag tunog ng mga buto.

Nanlaki ang mga mata ng lahat nang makita nila na dinudurog ni Nameless Nie ang leeg ni Li San Ye.

"Sss!"

Ang eksenang ito ay nagdulot sa lahat ng hingal.

Ngayon ngayon lang, ang lahat ay nagdududa kung ang mga taong ito ay talagang Rosas ng Kamatayan.

Ngunit sa kasalukuyang sandaling ito, ang lahat ay naghihinala na kahit na ito ang sinasabing Rosas ng Kamatayan, hindi dapat sila ganitong nakakatakot!

"Swish!"

Basta-bastang hinagis ni Nameless Nie ang bangkay ni Li San Ye sa layo ng 100 metro.

Sinundan pa non, naglakad si Nameless Nie sa binatang nakasuot ng pang doktor.

"Ikaw…" sa sandaling ito, ang binata ay nataranta.

"Matagal na din simula ng may nagtangkang umatake sa akin." Tumingin si Nameless Nie sa binatang doktor at malamig na nag salita.

Sa sandaling makita ang galit na galit na si Nameless Nie, nag tinginan si Spray of Flowers at ang deboto sa isa't isa.

Walang masyadong alam ang mga taong ito at naglakas loob na atakihin ang kanilang kapitan. Totoo nga, na walang kinakatakutan ang mangmang.

Gulat na tumingin si Ye Wan Wan kay Nameless Nie. Hindi niya inaasahan na may ganitong side sa kanya.

Lalo na ang nakakatakot na lakas at pinakita ang malakas na si Nameless Nie ngayon lang. Kahit ba nagpapawis ng malamg si Ye Wan Wan - hindi iyon ang kilala niyang Nameless Nie. Isa siyang katawatawa na may nakakatakot na awra sa kanyang paligid.

"Ikaw, lumapit ka."

Tumingin si Nameless Nie sa binatang doktor at bahagyang tumawa.

"Ikaw… anong gusto mo…?" Kumunot ang kilay ng binatang doktor at tumingin kay Nameless Nie.

"Swish!"

Biglang, isang ingay ang umalingawngaw sa buong paligid.

Sa sumunod na sandali, natahimik ang buong lugar.

Nakita nila ang palad ni Nameless Nie ay lumabas

Hindi alam ng binatanf doktor ang nangyari habang ang kanyang buong katawan ay lumipad sa layo ng sampung metro.

*Slam!*

Ang katawan ng binatang doktor ay bumangga sa gagantic pillar sa harap ng pabrika ng pirapiraso.

ตอนถัดไป