Kinabukasan sa Dazzling Media.
Kamakailan lang ay si Zhou Wen Bin ang nag-aasikaso ng lahat ng tungkulin ng Dazzling. Magaling ang mga baguhan na kinuha niya, ngunit mahina ang styling team nila. Nawalan tuloy ng indibidwalidad ang mga artista at nagmukha silang produkto ng iisang kapulungan.
Ngunit nang si Ye Wan Wan ang naging direktor, binago niya ang buong styling team.
Dinala ni Ye Mu Fan ang kanyang personal na portfolio sa styling department at nakita nila na may ilan nang kandidato para panibagong styling team.
Ang bawat kandidato ay may nakakamangha na resumé - ang ilan sa kanila ay mga tanyag at kilalang mga stylist o di kaya, ibang mga stylist ng mga sikat na artista.
Ngunit ang alam lang gawin ni Ye Mu Fan ay magloko araw araw noong siya pa ang dakilang young master ng Ye family. Dalawang taon siyang naging walang kwenta sa entertainment industry dahil si He Jun Cheng ang kumuha ng lahat ng kapurihan sa ginawa ni Ye Mu Fan...
Kagabi, noong nababaliw siya sa kaka-ayos ng resumé niya, napagtanto niya na hindi siya makasulat ng kahit iisang letra sa loob nito dahil wala siyang maipakitang talento niya. Nasa iisang hibla lang ng papel ang resumé niya.
Sinong maniniwala sa kanya kapag sinabi niya na siya ang gumawa ng lahat ng trabaho ng head stylist ng Assembly of Stars…?
Ang taong namumuno ay may hawak na mga dokumento, nakatayo siya sa may pintuan at kaswal niyang sinabi, "Pakidala ninyong lahat ng mga resumé niyo at pumasok kayo dito para sa unang pangkat ng interview mamaya."
Tagumpay na nakapasok ang mga kandidato at maririnig ang boses ng namumuno sa labas:
"Ang kapal ng mukha na magpakita sa Dazzling na ganito lang ang resumé mo? Basurahan ba ang tingin mo sa lugar na ito?"
"Hindi ba't sinabi namin na kailangan ng mga tauhan na may dalawang taon nang kasanayan sa posisyon na ito?"
"Ano naman kung marami ka nang proyekto? Wala ka ngang proyekto na ikaw lang ang gumawa eh! PASS, YUNG SUSUNOD NAMAN!"
...
Mahigpit na hinawakan ni Ye Mu Fan ang kanyang resumé nang marinig niya ang galit at seryosong boses ng boss sa looban. Malaking kahihiyan ang resumé niyang ito.
"Yung susunod naman!" hinimok ng boss.
Huminga ng malalim si Ye Mu Fan at pumasok siya sa loob ng silid.
May tatlong tao ang nasa panel ng mga interviewer. Mahigpit na sinuri ng nakasimangot na boss si Ye Mu Fan mula sa kanyang ulo hanggang paa, napansin niya na kaakit-akit ang pormahan ng lalaki ngunit ang mga damit niya ay mumurahin mga low-end brands.
"Resumé?" Tinanong siya ng babae.
"Nakalimutan ko pong dalhin." Napag-desisyonan ni Ye Mu Fan na hindi niya na lang ilalabas ang kanyang resumé.
"Paano mo makakalimutan ang resumé mo?" Makikita sa mukha ng babae na naiinis na siya ngunit, naisip niya na bigyan ng pangalawang pagkakataon si Ye Mu Fan dahil nakakaakit ang lalaking ito. Humigop siya ng kape at kaswal siyang nagtanong, "Anong pangalan mo?"
"Ye Mu Fan."
"Pfff——" Nabilaukan ang babae sa kanyang kape nang marinig niya ang pangalan ni Ye Mu Fan. *cough cough cough cough…*
Biglang sumimangot si Ye Mu Fan nang makita niya ito at hindi siya sigurado kung bakit ganito ang naging reaksyon ng babae.
Biglang nag-iba ang ugali ng babae nang malaman niya ito. Dali-dali siyang tumayo at kanyang binati si Ye Mu Fan. "Aiya, ikaw pala si teacher Ye. Bakit hindi mo sinabi kanina? Sinabihan na kami ng direktor tungkol sayo - gusto niyang dumeretso ka na daw sa opisina niya!"
Nalilito si Ye Mu Fan sa nangyayari. "Sinabi niya na dumeretso na daw ako sa opisina ng direktor? Hindi ba dapat magpa-interview muna ako?"
"Tama, tama! Personal kang inimbita ng direktor, teacher Ye. Bakit kailangan mo pang magpa-interview?"
Pinasa ng boss sa kasamahan niya ang mga natirang interviews at personal niyang sinamahan papunta sa opisina si Ye Mu Fan nang magsalita siya.
Ano? Personal akong inimbitahan ng direktor na pumunta dito?
Litong-lito na si Ye Mu Fan sa sitwasyon na kinalalagyan niya habang sinusundan niya ang babae sa maluwang na opisina.
"Parating na rin po ang direktor. Maghintay lang kayo ng saglit, teacher Ye. May magdadala ng tsaa para sayo habang naghihintay ka. May kailangan ka pa po ba?" maugid at masigasig ang babaeng ito kay Ye Mu Fan.
"Wala naman na…" naisip ni Ye Mu Fan na maghintay na lamang at tingnan kung totoo nga ba ito, hindi niya na kasalanan iyon kung nagkamali man sila.
"O sige po, sabihin niyo sa akin kung mag kailangan pa kayo!"
"Sige."
...