webnovel

Ang pagtanggal ng kanyang kapangyarihan

Editor: LiberReverieGroup

Kakuntsaba ni Si Ye Han ang lahat ng taong nasa Scarlet Bar kagabi kaya sinabihan niya sila na manahimik tungkol sa insidente.

Si Ye Wan Wan naman ay walang kaalam-alam at hindi niya matandaan ang nangyari noong nalasing siya at inisip niya na masakit ang katawan niya dahil sa pagkakahulog. Siyempre, naramdaman niya pa rin na parang may mali, pero dahil ang sinabi nila Xu Yi at ang ibang tauhan ay magkakaparehas na storya lamang, wala siyang rason para magsuspetya.

"Oo nga pala! Nasaan si Yan Ran? Kamusta siya?" Biglang natandaan ni Ye Wan Wan.

"May inutusan si Xu Yi na ihatid siya pauwi kagabi," sumagot si Si Ye Han.

"Sinaktan ba siya?"

"Hindi."

"Ah… okay yun…" nakahinga na ng maayos si Ye Wan Wan.

Nagsalita si Ye Wan Wan nang bigla siyang humarap kayla Liu Ying at Song Jing nang blangko ang kanyang itsura.

Kagabi, tumayo lamang sila sa isang gilid habang nalalagay sa peligro ang buhay ni Ye Wan Wan, pero wala ito kung ikukumpara sa nangyari sa buhay niya noon.

Inalis ni Ye Wan Wan ang tingin niya sa dalawang lalaki at sinabi. "Hindi ko na kayo aabalahin pa. Sige, mag-usap na kayo…"

Wala na siyang pakialam kung anong gagawin ni Si Ye Han sa kanilang dalawa.

Ang iniisip nita na lang ngayon ay ang palakasin at sanayin ang kanyang mga abilidad.

Ayaw na niyang mangyari ulit ang nangyari sa kanya kagabi.

Simula noong mabuhay siyang muli, lubha niyang sinusubukan na baguhin ang sarili niya at nais niya ring makakuha ng marami pang kaalaman pero hindi niya naisip noon na palakasin ang kanyang kakayahan.

"Trainer Eleven, magkikita ulit tayo sa susunod." Nagpaalam si Ye Wan Wan.

*ehem ehem…* "Sige… sige…" walang interes na sumagot si Eleven.

Umalis na si Ye Wan Wan at ang salas ay bumalik sa nakakasakal na katahimikan.

Tumayo lamang doon si Liu Ying habang nakayuko at walang sinasabing kahit ano.

Kailangan pa ring paruhasan nila Song Jing at Liu Ying.

At sa oras na iyon, ang bawat isa ay naghihintay sa hatol ni Si Ye Han.

Kahit hindi na kailangang protektahan si Miss Wan Wan, hindi pwedeng isantabi ang respoblnsibilidad nila Liu Ying at Song Jing, lalo na si Liu Ying na kapitan.

Alam ni Si Ye Han na kinamumuhian ni Liu Ying si Ye Wan Wan, ngunit malala na ang naging epekto ng galit ni Liu Ying ngayon.

Pagkatapos ng ilang sandali, umangat ang nakakatakot na boses ni master sa buong silid: "Simula ngayong araw, tinatanggal ko na si Liu Ying sa posisyon na punong kapitan, at si Eleven na ang bagong punong kapitan ninyo."

Napataas ang ulo ni Liu Ying at hindi siya makapaniwala sa sinabi ni Si Ye Han. Nagtinginan silang lahat at hindi sila nagtangkang mag-ingay dahil nalito sila sa sinabi ni Si Ye Han.

Diretsahan siyang… tinanggalan ng kapangyarihan….

Mas malala pa sa isang daang beses na hampas ng latigo sa katawan ang parusa sa kanya ni Si Ye Han.

Pero ang pinaka nagulat sa kanilang lahat ay si Eleven.

Natuwa siya dahil binigyan siya ng malaking responsibilidad ni Si Ye Han ngunit, lider lamang siya ng Dark Team 1 - paano niya magagampanan ang responsibilidad ng isang punong kapitan?

Sila Xu Yi at Liu Ying ang mga pinagkakatiwalaan na tauhan ni Si Ye Han - ang isa ay para sa internal affairs at ang isa ay para sa external. Malaki ang hawak na responsibilidad ng dalawang ito kaya napaka importante nila.

Ang pinaka importanteng pagsubok ay ang kada-taon na assessment para sa posisyon ng punong kapitan at isa sa mahalagang sakop ng pagsusulit ay ang kakayahang makipaglaban. Kahit sino ay pwedeng lumaban sa kapitan at tatlong beses nang nanalo si Liu Ying sa posisyon na ito.

Magaling man lumaban si Eleven ngunit lagi naman siyang natatalo ni Liu Ying; hindi matutuwa ang lahat sa desisyon na ito ni Si Ye Han.

Gayunpaman, wala pa ring makakalaban sa biglang pagbago ni Miss Ye...

Hindi inasahan ni Song Jing na malala ang naging parusa ni master kay Liu Ying kaya bigla siyang nabahala. "9th master… hindi ba't paranf masyadong malala ang parusang ito? Isang pagkakamali lang ang nagawa namin! Isaalang-alang mo ulit ang kapakanan ni Liu Ying sa naging desisyon mo!"

"Tumigil ka Song Jing!" Pinigilan ni Liu Ying si Song Jing.

Kaya tinanggal niya ang kulay apoy na singsing sa kanyang daliri, dahan-dahan siyang naglakad patungo kay Eleven at pinasa niya ang ring sa kanya.

Masakit ito para kay Eleven, para bang mainit na patatas ang hawak ni Eleven habang nakatingin siya sa singsing na mabigat sa loob na ibinigay sa kanya ni Liu Ying.

Papalapit na ang assessment ng punong kapitan ngayong taon. Kapag kinuha niya ang posisyon ni Liu Ying ngayon, tatanggapin niya rin dapat ang mga pagsubok na haharapin ng team at kahit si Liu Ying, ay may karapatan ring labanan siya...

Ngunit, kapag natalo ulit siya kay Liu Ying...

Next chapter