Chapter 1473: Wala Na Ang Mga Tao
Gulat na gulat si Ning Xi.
Ito pala ang mga inimbita ni Meng Linlang…
Sa iba naman, base sa usapan nila, mukhang pumunta lang sila dito dahil narinig nilang may mga opisyales na dadating.
Naglakad si Zhuang Liaoyuan patungo sa direksyon ni Ning Xi matapos makipagusap sa kanyang mga katrabaho.
"Chief Zhuang," bati ni Ning Xi kay Zhuang Liaoyuan, hindi niya alam ang sasabihin. Isang malaking karangalan para sa kanya ang presensiya nila sa okasyong ito.
"Sinama ko ang event mo sa isang proyekto mula sa Charity Fun Association. Pasensya na at hindi ako nakapagpaalam. Sana ay okay lang sa iyo." Sabi ni Zhuang Liaoyuan.
Mabilis na sumagot si Ning Xi. "Naku, okay na okay lang po. Naabala pa ho siguro kayo!"
Parang wala lang ito kay Zhuang Liaoyuan. "Basta hindi kami nakakagulo sa iyo."
Support your favorite authors and translators in webnovel.com