Chapter 1275: Gulat Na Gulat
Nang makita niya si Lu Tingxiao na nakatayo sa pinto na parang wala sa sarili, hinila siya papasok ni Ning Xi.
"May ginawa ka ba malapit dito?" tanong ni Ning Xi.
"Mmm, may dinner ako." Nanatili sa ilong niya ang preskong halimuyak ng babaeng kakatapos lang maligo. Diretso ang mukha ni Lu Tingxiao na parang sinasabi, "Trabaho lang iyon at hindi para sa asawa ko kaya ako nagpunta sa dinner".
Habang nagsasalita si Lu Tingxiao, kinuha niya ang twalya sa kamay ni Ning Xi at tumulong sa pagpapatuyo ng buhok niya.
Parang kuting si Ning Xi habang ine-enjoy ang serbisyo ng demonyo.
"Bakit mo pinalitan ang room number?"
Sa taas ng ulo niya, dumating ang tanong ni Lu Tingxiao.
Malamig ang ngiti ni Ning Xi, "Ang dumi kasi!"
Pagkatapos, matipid na nagpaliwanag si Ning Xi tungkol sa mga pangyayari ngayong gabi kay Lu Tingxiao.
Support your favorite authors and translators in webnovel.com