Chapter 490: Could He Possibly Be Jealous?
'Di malaman ni Gong Shangze kung siya lang ba ang masyadong nag-iisip, pero pakiramdam niya ay may mmatinding pagkamuhi na ipinaparating ang lalaking kaharap niya.
Sa totoo niyan, mula saoras ng pagdating niya, nakaramdam na ito ng matinding tensyon…
Patuloy lang siyang ipinakilala ni Ning Xi kay Lu Tingxiao, "Big Boss, ipapakilala ko lang sa'yo, ito nga pala si Gong Shangze. Siya 'yung…"
Sa puntong ito, napansin na rin sa wakas ni Ning Xi na may malupit na tingin si Lu Tingxiao, pero 'di rin nito alam kung ano ang mali. Nag-alangan pa siya nang kaunti bago nagpatuloy, "Kaibigan ko siya na nakilala ko sa Los Angeles. Isa siyang napakatalented na fashion designer…"
Ano'ng nangyayari? Hindi lang basta mukhang wala sa sarili si Lu Tingxiao pero parang kakaiba din ang ikinikilos ni Cheng Feng?
May mali ba siyang nasabi?
Support your favorite authors and translators in webnovel.com