webnovel

100 Days with my Angel (Tagalog)

An angel was sent down in the human world for his last mission-to tame Ava Beverly Clemente, a girl who always believes her life is miserable and pathetic. Will the angel succeeds in his very last voyage or will he break the only rule of his angel life?

archerzeus · แฟนตาซี
เรตติ้งไม่พอ
5 Chs

3: I am an Angel

"What are you talking about?"

My brows furrowed because of frustrations. I just woke up with a naked guy next to me, saying weird things! Anong misyon ba ang pinagsasabi niya? Spy ba siya? Is he going to kill me? Oh, my God! Hindi pa ako ready.

"Sino ka ba? Bakit ka nandito sa kama ko? Bakit nakahubad ka?" Andami kong gustong itanong sa kaniya but he's just silently looking at his body na parang ngayon niya lang nakita ito. He's acting weird right now and it makes me nervous.

Dahan-dahan naman siyang tumingin sa paligid at bumalik ang tingin sa akin. Our position right now makes the atmosphere awkward dahil mukha kaming magkasintahang kakatapos lang gumawa ng milagro.

"Pipi ka ba? Oh, no you just talked a while ago.. sagutin mo nga ako!" Malakas na sabi ko sa kaniya kaya napatingin siya sa akin. 

Akala ko ay magsasalita na siya pero lumingon lang siya sa labas ng bintana at tumayo habang nakatingin sa ulap. Luckily, he's wearing white shorts kaya nakahinga ako nang maluwag. 

"Hey, you're really weird. Umalis ka na dito kung hindi ay magpapatawag ako ng pulis!" I yelled at him but he just silently watching the cloud outside. 

Nagtagal pa siya sa pagtingin sa langit at ulap that made me feel awkward. "Anong tinitignan mo diyan?

I was close to dial 911 on my phone but I stopped when he talked again. "Galing ako doon." 

Makalaglag underwear ang boses niya! Napakalalim! I was amazed by his broad back and masculine look. Mabango rin siya at amoy sampaguita. I looked at where he pointed his fingers and he's pointing at the clouds.

"Galing ka sa ulap? Ulan ka ba?" I asked him but he refused to look at me. "Hey! How come you end up here in my bed?!" Ulit na tanong ko sa kaniya nang hindi man lang siya sumagot sa akin. 

Andaming tanong ang bumabagabag sa isip ko. I need answers but the one I'm asking is right here lowkey watching at the clouds. Halos masabunot ko na ang buhok ko dahil sa frustrations. 

Hindi na naman siya nagsalita kaya minabuti kong lumapit sa kaniya. "Sagutin mo nga ako!" Tinapik ko siya sa likod at in fairness, ang tigas ng likod niya.

Napaatras ako nang lumingon siya sa akin. I swallowed a big lump on my throat nang titigan niya ako with his dark but angelic eyes. Naglakad siya palapit sa akin at umatras naman ako.

Tuloy tuloy lang akong umaatras dahil sa lalim ng mga titig niya. 

His shining blue eyes, his arched thick brow, his well-shoved hair, his edgy jawline, and his kissable lips are well impacted on his unbelievable face. Mukha siyang painting dahil sa ganda ng mukha at katawan niya!

"Wait, wait, anong ginagawa mo?" He continued walking towards me that makes me scared. "Hoy, subukan mo 'kong hawakan! Marunong ako ng karate!" Umakma pa akong sisipain siya pero wala man lang sa kaniya at patuloy lang siya sa paglakad. 

I end up on the wall dahil wala na akong maatrasan. He leaned towards me hanggang sa halos magkadikit na ang mga balat namin. Itinungkod niya ang kamay niya ang kamay niya sa pader kaya nagmukhang nakakulong ako sa kaniya. 

"Anong gagawin mo?" I sounded scared but I held my chin up. 

"Hindi pa ako nag-toothbrush." Iwas ko sa kaniya nang matandaang hindi pa ako nag-sipilyo. Nakakahiya naman kung maamoy niya ang hininga ko. Ibinaling ko ang tingin ko at pumikit, hinihintay ang gagawin niya. 

Bahagya kong idinilat ang mata ko nang maramdamang nakatitig lang siya sa akin. His blue eyes are pierced at me na lalong nagpakaba sa akin. What will he do?

"Anghel ako mula sa langit."