webnovel
avatar
altalt

My Youth Began With Him (Tagalog)

Author: Baby Piggie

4.6
(863 ratings)

344 Hindi ka Mamamatay kung Hindi mo Susuyuin ang Kamatayan (6)

4yr Translator: | Editor:

Sobra ang tuwa ni Zhou Guangming nung nakita niya si Su Yu…

Akala niya ay pumunta roon si Su Yu para palakasin ang loob niya pero hindi ito dahilan.

Hindi umimik si Su Yu, naglakad papunta sa unang hilera at umupo. Sa tabi niya ay si Wei Liao na nakasuot ng brown na leather jacket.

Tumingin si Huo Mian kay Su Yu nang may kumplikadong ekspresyon sa kanyang mukha…

Hindi sa nagmamaganda at iniisip niya na may malakas siyang karisma, pero sigurado siya sa isang bagay at ito ay, hindi pumunta rito si Su Yu para kay Zhou Guangming…

Nung tumingin si Huo Mian kay Su Yu, ibinalik ni Su Yu ang tingin sa kanya.

Kumplikado rin ang ekspresyon nito… pero hindi maintindihan ni Huo Mian ang ibig sabihin nito.

"Uy, tingnan mo nga ang sarili mo, dapat may ginawa ka para rito at bakit ka rin nag-abala na pumunta rito sa paglilitis?" Nag-aalala si Wei Liao kay Su Yu at iniisip na hindi ito ang madalas nitong istilo.

Nang biglang, nagkagulo ulit ang madla…

Nagulat si Huo Mian dahil pumunta rin si

Continue Reading

Latest Updates