webnovel
avatar
altalt

My Youth Began With Him (Tagalog)

Author: Baby Piggie

4.6
(863 ratings)

256 Magandang Bagay

4yr Translator: | Editor:

"Umm… wala sa dalawa, Pwede mo ng kunin ang pitaka mo ulit, hindi ko ito matatanggap." Dinampot ni Huo Mian ang pitaka at ibinalik ito sa kamay ni Zhao Qingya.

"Hindi ba kayo pinapayagan ng ospital na tumanggap ng regalo? Ayos lang, hindi naman ito suhol. Regalo ko lang ito sayo."

"Hindi, ako ang may ayaw pero salamat, Miss Zhao sa mabuting intensyon."

Hinigpitan ni Zhao Qingya ang hawak sa kanyang pitaka ng mga halu-halong emosyon. Ang inaakala niya kasi, kapag pinagyabang niya ang relasyon niya kay Su Yu sa harap ng nurse, ang hamak na nurse ay matatakot sa kompetisyon at kusang susuko. Si Zhao Qingya kasi ang pinaka-unang inilabas ni Su Yu sa mga nagdaang taon.

Pero, ang ibig sabihin ba ng nurse sa hindi pagtanggap sa regalo niya ay hindi niya papakawalan si Su Yu? Gusto pa ba nito ng mas madami mula sa kanya?

Sa iniisip niyang yun, dumilim ang mukha ni Zhao Qingya habang tinitingnan si Huo Mian mula ulo hanggang paa. "Alam kong matalino kang babae na alam kung saan siya luluga

Continue Reading

Latest Updates