The Founder of Diabolism (Filipino)
[Language: Filipino (formerly known as Tagalog)]
+++
Wei WuXian, ang YiLing Grandmaster, ay ang pangalang kinatatakutan ng lahat. Bilang tagpagtatag ng diyabolismo, noong kabataan niya ay naituring siyang bayani dahil sa kaniyang kadakilaan, ngunit kilala rin siya sa pagiging malupit. Sa paglipas ng panahon, naging mas makapangyarihan at mas malupit siya; pagpatay sa libo-libong tao at naging dahilan ng pagkamatay ng mga itinuring siyang pamilya. Sa huli, pinatay siya ng kaniyang kababata at ang tanging nakaligtas sa Sektang YunmengJiang— si Jiang Cheng, na minsang naging parang kaniyang kapatid.
Iyon ang kuwento sa mga alamat. Isang araw, isang baliw na kultibador na nagngangalang Mo XuanYu ang gumamit ng pinagbabawal na mahika upang ialay ang sariling katawan kapalit ng isang hiling. Naging dahilan ito upang bumalik ang kaluluwa ni Wei WuXian sa mundo. Maghiganti kaya siya tulad ng kinatatakutan ng mga tao, o may iba pa siyang nais? Sa pagitan ng tama at mali, tunay nga bang tampalasan si Wei WuXian tulad ng sinasabi ng mga tao, o ang totoo'y isa siyang bayani? At gaano katotoo ang sinasabi sa mga kuwento?
+++
BABALA:
Ang kuwentong ito ay naglalaman ng mga maseselang paksa at eksena tulad ng madugong tema, karahasan, balbal na lengguwahe, at sekswal na hindi angkop sa mga batang mambabasa.
Basahin sa sariling patnubay.
[R-18]
Kris_DelAngel · Eastern