webnovel

Chapter 14

June 25, 2019

8:38 p.m.

Grace's POV

Sinalubong ko si April mula sa pinto. Maiksi nang palda niya at naka bukas ang dalawang butones nang damit niya. Hindi na talaga siya nagbago.

Before she takes her sit, I confronted her.

"April, gawain mo ba talaga ang manakit?" Huminto siya at tumingin sakin.

"Kind of." Sabi niya at ngumiti nang mapait.

"Are you even aware na sarili mong kapatid ang sinasaktan mo?" Lumapit ako sakanya at tiningnan siya nang matalim.

"Alam ko. Yun naman talaga ang gusto kong mangyari. Gusto kong masaktan ka." Madiin niyang sabi sakin then she crossed her arms. Umiwas ako nang tingin dahil hindi talaga siya naaapektuhan. She's too confident.

"All my life, minahal kita bilang kapatid." Pagsisimula ko habang naka tingin sa malayo. Kumunot naman ang noo niya.

"Kaartehan na naman ba yan?" Hindi ko na napigilan ang sarili ko at nasampal ko siya para tumahimik. Umupo siya sa may gilid at nakinig.

"Bata pa lang tayo, natututo na akong magparangya at umitindi para sayo. Mula sa mga laruan hanggang sa lalake." Naramdaman ko na tumulo ang luha kong kanina ko pang pinipigilan. Tiningnan ko siya nang diretso.

"Kahit na mahal ko siya, I sacrifice him for you. D-dahil alam kong matagal mo na siyang gusto. Hanggang sa dumating ang araw na pinakahihintay ko, p-pero. I tried to stop myself from crying but I can't, patuloy lang ang pagtulo nang luha ko. I rejected him, kahit labag sa kalooban ko. Alam mo ba na hindi ako makatulog gabi gabi! Para lang naman maging masaya ka!" Nabigla naman siya sa sinabi ko. She froze and still. Bumuhos lahat nang luha ko habang papalapit nang papalapit ang sasabihin ko.

"Alam ko, pagdating nang panahon. Hihiwalayan ko siya, dahil. Huminto muna ako para makahinga nang malalim. I-i have a f*cking disease." Nanlambot siya at napa upo. Nakita kong tumulo ang mga luha niya.

"Mas domoble ang sakit, nung sinayang mo ang sakripisyo ko. At ang masaklap, ang pinalit mo sakanya ay ang boyfriend ko.Hindi mo alam na araw araw. Araw-araw! Umiiyak ako nang dahil sayo!" Umiwas siya nang tingin at nagpipigi paring umiyak.

"Hindi ako makapaniwala na ang sarili kong kapatid ang hindi maniniwala sakin."Bumuhos ulit lahat nang luha niya. Tulala siyang nakatingin sakin.

"B-bakit, hindi mo sinabi?!" Sabi niya at pumunta papalapit sakin. Niyug yug niya ako.

"Ha!? Bakit hindi mo sinabi na nahihirapan ka na?!" Sabi niya habang hinahampas ako. Tanging iyak lang ang sagot ko sakanya.

"Grace naman! Napakamot siya sa ulo niya. Oh ano? Kapag namatay ka tsaka namin malalaman na may sakit ka pa? L*che ka!" Nilapitan niya ako at niyakap. Iyak lang kami nang iyak. Ilang minuto kaming tumahimik

"Hoi April. Mahal kita." Sabi ko dahil naiilang pa ako.

"Grace, g*ga mahal din kita." Tumingin sita sakin at ngumiti nang pilit. Niyakap niya at niyakap ko rin siya pabalik.

"One thing, 'wag mo sasabihin kay mama. Si Thip lang at ako ang nakaka alam nang sakit ko." Sabi ko sakanya at kumalas sa pagkakayakap.

A/N: Si Thip ay yung lalakeng tinutukoy ni Grace na mahal niya nung una.

"Hindi pwe-"

"Sa tamang panahon ko sasabihin. Naghahanap lang ako nang tyempo." Binigyan ko siya nang matamis na ngiti.