Louie's POV
Bandang 9pm nang maisipan kong umuwi na. Marami na ring missed calls saakin si MJ. Mali to. This is really not right. May relasyon kami ni MJ pero heto ako, naguguluhan dahil lang bumalik si Joy.
Nang makarating ako sa bahay, ay agad akong pumasok sa kwarto ko. Nakapagpalit na rin ako ng pangbahay.
*Ring Ring Ring*
Pagtingin ko, si MJ ang tumatawag. Sinagot ko naman ito.
"Hello?" Sabi ko
"Love! Kanina pa ako tawag ng tawag sayo, bat hindi mo sinasagot?" Tanong niya. Nakonsensya naman ako sa ginawa ko.
" Ah sorry love, hindi ko kasi narinig yung tawag mo eh, nakatulog ako pagkarating ko sa bahay kanina. Pasensya na love" Pagsisinungaling ko. Alam ko nangako akong hindi na ako magsisinungaling sa kanya, pero hindi ko nga alam kung bakit lumabas yang mga salitang yan sa bibig ko.
"Ahhh, sige love. Matulog ka na, love you." Sabi niya.
"Sige. Bye" Sabi ko at in-end ang call.
Tinapon ko yung cellphone ko sa kung saan man at humiga na. Kailangan kong pag-isipan ang mga nangyayari lalong-lalo ngayon na naguguluhan ako. Kasi I know, sa oras na mamili ako ng isa sa kanila, may masasaktan.
Sa ayaw at sa gusto ko, alam kong may masasaktan sa aming tatlo.
Kung ikaw ang nasa sitwasyon ko, sino sa kanila ang pipiliin mo?
Sana ganoon lang kadali ang mamili sa kanila, yung walang masasaktan, walang iiyak. Kaso hindi, and that sucks!
--*
MJ's POV
"Sige. Bye" He said and ended the call. I sighed heavily. I know that he's lying to me, kung paano ko nalaman?
Sa Mama niya. Kay Tita Elisa, nag-aalala kasi ako since hindi niya sinasagot ang mga tawag ko kaya tumawag ako sa kanila only to know na wala pa siya sa bahay.
Pansin ko rin na parang nag-iba yung tono ng boses niya compared kanina sa mall and nung hinatid niya ako dito sa bahay.
I don't know what happened to him, pero kung ano man yon, sana sinasabi niya saakin, hindi yung lagi niya akong pinapahula.
Kinabukasan, maaga akong nagpunta sa school. Since may program na naman at kailangan naming magperform kaya dapat naming planuhin kung ano yung kakantahin namin, also, I want to see him at kausapin na rin siya.
Pagdating ko sa music room, sila Angelo, Kevin, Marco at Vince lang ang nandoon.
"Wala pa si Louie?" Tanong ko sa kanila.
"Wala pa nga eh. Tinatawagan namin siya kanina pero hindi naman sumasagot pero alam nun na may meeting at the same time, magprapractice tayo ng kanta." Sabi ni Marco.
Tumango lang ako sa kanya at umupo doon.
"Nga pala, habang wala pa si Louie, may naisip ka na bang kanta? Ang gusto kasi ng mga students dito sa university, ay modern song din naman daw. " Biglang sabi ni Angelo.
"May mga requested songs ba tayo diyan?" Tanong ko sa kanila.
"Oo, so far ito na ang final songs na nirequest nila." Sabi ni Kevin sabay abot ng papel saakin.
Nabasa ko lahat ng mga request nila, pero there's one song na naka-agaw ng atensyon ko.
"Will you allow me to choose? Will that be okay to all of you?" Tanong ko sakanila.
"Hmm, yeah. Okay lang naman saamin. " Sabi nila Kevin.
"And also, aside from singing, I also loved to play a piano, will you let me do these things ngayon? Kahit ngayon lang? I mean, pagkatapos nating kumanta ng isang song na nirequest ng mga students, pwede bang kumanta ng ako lang? Soloist kumbaga?" Tanong ko sakanila. Napaisip naman sila sa suggestion ko.
"Hindi kaya magagalit saatin si Louie?" Tanong ni Angelo sa kanila.
"Ulol. Bakit naman magagalit yun? Eh mahal niya naman yung kakanta, at ang galing-galing kaya nito kaya, approved MJ!" Pag-aagree ni Marco.
"Pero sure ka ba talaga na kaya mo? We can help you naman if you want." Si Kevin naman yung nagsalita. Umiling lang ako at ngumiti sa kanila.
Nginitian lang nila ako at nagsimula nang magensayo.
Hindi namin namalayan ang takbo ng oras, at pagtingin namin sa orasan, ay lunch na pala.
Napagdesisyunan naming kumain na lang muna. Nagpadeliver na lang kami ng Pizza at chicken wings sa greenwich. Habang inaantay ang order namin, dinial ko ang number ni Louie pero hindi siya sumasagot. Nakailang tawag rin ako sa kanya pero wala pa rin. May nangyari kaya doon?
Di nagtagal dumating na rin ang order namin. Ako na ang nagprisintang magbabayad ng inorder namin, nung una nahihiya sila, pero napapilit ko naman.
"Nakapagtataka na ngayon lang hindi sumipot si Louie sa meeting at practice natin." Biglang sabi ni Kevin.
"May nangyari kaya doon?" Angelo said atsaka kumain ng pizza
"Tumawag ba siya sayo or kahit text lang, MJ?" Umiling ako sa tanong ni Marco.
"Baka may sakit yun kaya wala ngayon dito?" Sabi naman ni Vince.
"Kung may sakit yun, edi dapat magtetext yun, pero wala. " Napabuntong hininga ako. Pupuntahan ko na lang siya mamaya sa bahay nila. Nag-aalala na rin kasi ako eh. Hindi ako sanay na hindi yun nagtetext or tumatawag man lang.
Nagpractice pa kami ng mga kakantahin namin, pero mostly ako lang yung nagprapractice pag konting polish na lang sa performance ng banda. According sa kanila the day after tomorrow na daw kami tutugtog. At next week rin ay maguumpisa na ang rehearsals for graduation.
Pagkatapos ng practice ay nagpaalam ako sa kanila na mauuna na akong umuwi kasi dadaanan ko pa si Louie sa kanila. Tumango naman sila at dumiretso ako sa parking lot kung nasaan ang kotse ko.
Habang nagdradrive ako papuntang bahay nila Louie, hindi ko alam kung bakit, all of a sudden, nakaramdam ako ng kaba. Na parang may masamang mangyayari na sana naman huwag.
Papasok na ako sa subdivision nila Louie, malayo pa lang ay naaninag ko na si Louie. Nakaharap siya sa kanilang gate at parang may kausap. Hininto ko na ang kotse kahit medyo malayo pa sa kung saan sila. Balak ko sana siyang surpresahin but it seems ako ata yung nasurpresa.
Napatigil ako sa paglalakad. Parang nanghina bigla ang mga tuhod ko to think na hindi ako nakaheels, at parang biglang nanuyot ang lalamunan ko sa nakita ko.
I never thought that this will be very painful. Ang sakit pala kapag personal mo nang naexperience ito kaysa panoorin mo sa movies or even in books.
Napatulala ako sa nakita ko, nakita ko ang boyfriend ko na may kahalikang babae, in front of me, in front of the girl he was once said that he loves me very much.
Naguumpisa ng magtubig ang mga mata ko nang bigla siyang mapatingin sa gawi ko, at nagulat siya ng makita ang presensya ko dito sa labas ng bahay nila.
"L-love??" Natatarantang sabi niya.
I stared at him blankly. No emotions at all.
Bumalik ako sa kotse ko pero bigla niyang hinawak ang braso ko
"Love, please magusap tayo oh, it's not what you think. Please, it's only a misunderstanding." Pagrarason niya.
Napatawa naman ako ng mapakla at hinarap siya. Pero hindi ako pwedeng umiyak sa harap niya, no. Ayokong magmukhang mahina sa mga mata niya at lalo na sa babaeng to!
"What did you say?! It's only a misunderstanding? Was it called a misunderstanding when you saw your oh-so-called boyfriend kissing another girl?! Oh well, I guess I was wrong. " Sabi ko at sumakay na sa kotse at inistart na ang engine.
"Love please let me explain first. Please.." Sabi niya habang kinakatok ang bintana ng kotse ko. Nagdrive na ako papalayo sa bahay nila, pero nakikita kong hinahabol ako ni Louie. Tumatakbo siya. Don't you find it sweet and romantic, MJ? I laughed bitterly at my own thought. Damn romantic movies. I should stop watching it from now on.
"AHHHHHHH!!!!" Sigaw ko.
I can't go home. Not now. Mama can't see me like this, lalo na si Papa. Baka anong magawa niya kay Louie. I texted them na may biglaang sleepover kila Carla. Pagkatapos ay dinial ko ang mga numbers nila Ben at Carla. I didn't let them say anything. Basta-basta lang ako nagsalita.
"Let's have a sleepover at your house Carla. Ben you should come. I don't accept no as your answers. " I said to them and then I ended the call.
Why does it hurts so much? Why?