webnovel

Untuned Melody: Make Her Heart Beat Again

"I was a good singer back then. I sing from my heart because someone taught me that way. Someone first believed in me. He was once the reason why I'd continue to sing, but we can't predict things to happen. He left me without a single word and as the time goes by, slowly, a beautiful tuned melody turned into a monotonous melody...." ----- MJ "It's just that, I cannot tell her the truth. Ayaw kong makita kung anong magiging reaksyon niya sa oras na malaman niya yung totoo. Ayaw kong maulit yung nangyari saakin dati kay Joy--- Yung babaeng una kong minahal, 7 years ago." ----- Louie "You've been wanting to join the band 7 years ago, but I never allowed you to do so. It's not like hindi ko gusto, it's just that ayaw kong suwayin ang utos nina mama't papa. Noong una kitang pinakilala sa kanila, akala ko approve ka sa kanila, but I was wrong. Very wrong. Kasi nung umalis ka, doon sinabi nina papa saakin na hindi ka nila gusto. " -----Joy "I'm sorry. I'm really really sorry that I caused you pain back then, I'm so sorry na nararamdaman mo ang mga bagay na ito ngayon. Please, forgive me..." -----Luke

Bluesundae20 · Geral
Classificações insuficientes
45 Chs

Bonding

Louie's POV

Pagkahapon, niyaya ko si MJ kasama yung banda at yung dalawang kaibigan niyang sina Ben at Carla na magmall.

Nasa kotse kami ngayon. Ako ang nagdadrive habang katabi ko si MJ. Habang yung mga kabanda ko nasa likod kasama sina Carla at Ben, na nilalandi ng mga kabanda ko.

"Hi miss ang ganda mo naman. Pwedeng makuha yung number mo?" Pagtatanong ni Kevin kay Carla.

"No." Masungit na sabi ni Carla kay Kevin. Nagpipigil namang tumawa sina Marco, Angelo at Vince.

"Ikaw nalang magandang bakla, Pwedeng hingin number mo?" Tanong naman ni Angelo kay Ben.

"No thanks. I already have a boyfriend." Sabi ni Ben sabay ngiti sakanila.

"Ayy may pumatol -- I mean may boyfriend ka na pala?!" Hindi makapaniwalang sagot ni Vince kay Ben. Tinignan naman ni Ben yung Tatlo nang nakataas ang kilay.

"OO, may problema ba kayo doon?" Sarcastic na sagot niya sa tatlo.

"Hmm. Nagtataka lang kasi ako kung ---" Hindi na natuloy yung sasabihin ni Angelo paano, hindi na siya pinatapos ni Ben.

"Paano? Siyempre dumamoves ako at nagligawan kaming dalawa, eh kayo? Bat wala kayong mga jowa?" Balik na tanong sakanila ni Ben. Hindi naman agad nakasagot ang tatlo. Ayan tuloy napala niyo, mga gunggong talaga!

"Oh? Bat hindi kayo makasagot? Kanina lang ang ingay-ingay niyo habang pinagpyepyestahan niyo kami ni Carla, tapos ngayon hindi kayo makasalita?" Sabi ulit ni Ben habang nakangisi na this time. Tinignan ko ang tatlo kong mga kaibigan, ganoon rin ang ginawa ni MJ. Muntik na akong tumawa ng malakas, paano ba naman kasi, pinagpapawisan ng sobra yung tatlo! Yan, buti nga sainyo!

"Alam ko na kung bakit walang mga jowa yan Bakla!" Biglang sabi ni Carla kay Ben.

"Ayy mukhang alam ko na kung anong iniisip mo babae!" Tapos biglang ngumiti nang nakakaloko ang dalawa.

"Wala silang mga jowa kasi nga...." Sabi ni Carla.

Nagbilang pa sila ng tatlo para sabay sabihin yung iniisip nila.. Nako, hahahahaha!

"MGA TORPE SILA!! HAHAHAHHAHHAHAHAA!!" Sigaw nila sabay tawa ng malakas.

Pinipigilan din namin ni MJ ang huwag tumawa pero hindi talaga namin mapigilan kaya nakitawa din kami sa dalawa.

"O-o-yy h-hindi ah!!" Nauutal na sabi ni Angelo.

"Woy! Hindi raw Ben! WAHAHAHAAHAHA!" Ibang klase tong mga kaibigan ni MJ. Parang iisa lang mga utak nila. Konektado! Hahahaha.

"Baka naman sigurong BAKLA rin sila bakla?" Nako po!

"Oy hindi kami bakla ako!" Pagtatanggol ni Kevin sa kanyang sarili.

"Weh?! Di kaya totoo babae? Na bakla talaga sila?" Sabi ni Ben at napatakip pa siya ng bibig

"BAKLA! BAKLA! BAKLA!" Sigaw nilang dalawa. Ang ingay na sa kotse dahil sa kanila. Nakikinig lang kami ni MJ sa bangayan nila.

"Hoyy hindi ah!" Si kevin.

"DI AKO BAKLA KLA KLA KLA ---" Di na natuloy yung pagkanta ni Carla kasi bigla siyang hinalikan ni Kevin.

Ang kanina'y sobrang ingay, napalitan naman ito nang sobrang katahimikan..

Inihinto ko muna ang kotse kasi pati ako ay nagulat rin sa ginawa ni Kevin.

Nanlalaki ang mga mata ni MJ habang nakatakip ang kanyang bibig, si Ben naman parang nanalo sa Miss Universe ang reaksyon niya, at yung ibang kabanda ko na sina Marco, Angelo at Vince ay nakanganga dahil sa ginawa ni Kevin..

Makalipas ang ilang segundo.

"WOHOOOOOOOOOOO!!" Sigaw ni Angelo. With that, humiwalay bigla sina Carla at Kevin sa isa't-isa.

"I'm so proud of you, Kevin! Binata ka na!" Pagtutukso ni Marco kay Kevin..

Habang si Ben naman, di na ata nakapagsalita ganoon rin si Carla. Na-shock ata sa nangyari.

"Oh? Natahimik ka Bakla? Sinong bakla sinisigaw niyo kanina?" Astig na tanong ni Angelo. Imbis na sagutin ni Ben ang tanong niya ay inirapan lang siya nito tumingin sa labas.

Nagdrive na ulit ako, at nakarating kami sa mall ng tahimik ang 6 na mga kaibigan namin..

Nilibre ko sila sa Greenwich, pero ganoon parin. Sila Ben at Carla lang ang nag-uusap, habang yung apat naman, ay may kanya-kanyang mundo. Pero hindi nakatakas sa mga mata ko ang pasimpleng pagsulyap ni Kevin kay Carla. Sabi na eh. May tama to kay Carla.

"Seems your friend likes my friend, Love" Bulong ni MJ saakin.

"Looks like. " Sabi ko at ngumiti sakanya. Nagsubuan kaming dalawa, hanggang sa natapos kami sa pagkain.

Sunod naming pinuntahan ay ang Gamezone. Kaming nga lalaki basketball ang nilaro, habang sila MJ naman, yung pagkuha ng stuffed toy ang nilaro.

"Pre umamin ka nga, may tama ka kay Carla no?" Tanong ko sakanya. Nagulat naman siya sa tanong ko at balak pa sanang magsinungaling pero pinandilatan ko siya ng mata na sabihin saakin ang totoo.

Nagbuntong hininga naman siya at tumango. Nag-apir naman kaming apat sa pag-amin ni Kevin

"Okay lang yan pre, dumiskarte ka na doon!" Sabi ko sakanya sabay turo doon sa puwesto nila MJ. Kitang-kita na nahihirapan silang makuha ang stuffed toy.

Nagbuntong hininga naman si Kevin at nagtungo doon. Halatang nagulat si Carla sa ginawa ni Kevin. Kinuha niya kasi ang token sana na ihuhulog na dapat ni Carla, nagulat kami ng nakakuha si Kevin ng stuffed toy at kulay pink pa to na kanina pa gustong kunin ni Carla.

Nahihiyang binigay ni Kevin ang stuffed toy kay Carla. Kinuha naman ito ni Carla nang hindi tumitingin sa stuffed toy.

"Nakakaproud. Graduate na si Kevin sa Torpe University" Mangiyak-ngiyak na sabi ni Angelo.

"Kayo? Kailan kaya gagraduate?" Tinignan naman nila ako ng masama. Tumawa lang ako at pinuntahan na ang mahal ko.

"Nahihirapan ka bang kunin yan?" sabi ko sabay turo sa bear na kulay blue.

"Oo eh, naiinis na nga ako dyan!" Pagdadabog niya. Tumawa naman ako at kinuha ang token niya at inihulog doon.

"Wow grabe naman! Nakuha mo agad!" Sabi niya.

"Siyempre, anything for my love." Sabi ko at binigay sa kanya ang stuffed toy.

Nagstay pa kami doon sa gamezone hanggang sa napagpasiyahan naming umuwi na.

Pagkatapos naming ihatid ang mga kaibigan namin, si MJ naman ang inihatid ko sa bahay nila.

"Salamat sa araw na to, Love. Nagenjoy kami ng mga kaibigan ko." sabi niya

"Sure love. Sige na, pasok ka na." Sabi ko sa kanya

"Sige, ingat ka love. I love you" Sabi niya at nagwave saakin.

"I love you more." Sabi ko. Tsaka ako nagdrive pauwi.

Nakangiti ako habang nagdradrive. Pero pagdating ko sa may gate ng bahay namin, nakita ko ang isang familiar na image ng isang babae, medyo mahaba ang kanyang buhok, sakto lang ang tangkad, at nakasuot ng puting dress.

Automatic na nawala yung ngiti ko at napalitan ito nang galit.

Napansin niya siguro na inihinto ko ang kotse sa harap ng gate. At nakita ko ang mukha ng babaeng minsan kong minahal, babaeng minahal ko nang sobra at ang babaeng sinaktan ako nang biglang umalis ng walang paalam.

After 7 years, bumalik siya. For what?

For what Joy?...