Chapter 12: The Drunken Lady
Haley's Point of View
Nakapasok na kami sa loob ng convention at marami-rami na sa mga kaklase ko ang nandito at mukhang kami na lang ang hinihintay.
Malakas ang tugtog sa lugar kaya pati 'yung puso ko, parang nagva-vibrate.
Napatingin ang isa sa kaklase namin na si John at laking tuwa na inilipat ang tingin sa iba pa. "Nandito na 'yung Trinity Girls!" Pagpapaalam niya sa iba dahilan para mapatingin sa amin ang lahat.
They are all wearing their own style of dresses. May ibang nakakulot ng buhok, nagpa-straight, 'yung isa ang daming suot-suot na alahas.
Namula ako sa hiya. "That's insulting." Iritable kong saad saka lumapit ang mga kaklase namin. Tiningnan nila kami mula ulo hanggang paa habang nakamarka sa mga mukha nila 'yung sobrang pagkamangha.
Pinupuri-puri nila kami na para bang kami na ang pinakamagandang babae sa classroom, kung tutuusin nga ay mas magaganda naman sila.
"Babaeng babae na si Mirriam, pwede ng ligawan!" Biro ng isa kong kaklase, pinatunog ni Mirriam ang kanyang mga daliri gayun din ang leeg niya, kaya umurong ito at tumawa nang pilit. "S-Sorry na..."
Naramdaman ko ang paglapit ng kung sino sa akin at noong nilingon ko iyon ay napagtanto kong si Rose pala ito, pero mas ikinagulat ko 'yung new look niya dahil ibang iba siya sa Rose na nakikita namin sa school. Wala siyang suot na eye glasses at malamang ay nakasuot ng contact lense.
'Yung buhok niya, naka-side lang din at medyo kinulutan nang kaunti kaya ang mature niyang tingnan.
Tulad ko rin siya na nagsuot ng itim na bestida.
"Oh, meant to be talaga tayo." Pabirong bungad niya at huminto sa tapat ko. "Akala ko ba 'di ka sasama?" Tanong niya, magkasama kasi sila ni John nung inimbitahan ako kaya alam niya na hindi sana ako sasama.
Idinikit niya ang hintuturo sa labi niya na may pag ngisi. "You actually want to go, do you?" Pang-aasar pa niya at inilapit ang mukha sa akin, umurong lang ako nang kaunti saka siya hinawakan sa magkabilaang balikat para itulak siya palayo sa akin.
"Not really." Simpleng sagot ko.
"Keiley, pa-picture naman kami sa inyo" Paalam ni Gabrielle na isa sa mga kaklase ko, walang gana akong napatingin sa kanya at ibinaba ang camera niya na ready to click na.
"What are you doing?" I asked.
Lumapad ang ngiti niya. "Remembrance." Masigla pa niyang sabi.
Pumunta ako sa harapan niya at matamis siyang nginitian. "Hindi pwede." Simpleng sagot ko kasabay ang pagtanggal ng ngiti sa aking labi.
Para namang nanlumo ang kanyang mukha.
"Ang KJ mo, Haley. Maghihiwalay rin tayo sa susunod, eh. Tara na, picture!" At lumapit na ang buong klase para gitgitin kami. Nagsari-sarili sila ng posing nila.
"Nakakairita kayo, alam n'yo ba iyon?" Iritable kong daing.
Nilingon ako ni Kei at itinungo nang kaunti ang ulo ng hindi inaalis ang tingin sa akin. "But you know deep inside this isn't actually bad at all."
Lumingon din ako pabalik sa kanya dahilan para magkatapat ang tingin naming dalawa. Naglabas ako ng hangin sa ilong 'tapos tumingin sa hindi kalayuan. "I guess."
"You should learn how to be honest sometimes." Saad ni Mirriam na nakabaling lamang kaya siya naman itong tiningnan ko.
"Who are you talking t-- Hey!" Kumpara kanina ay mas ginitgit kami dahil nandiyan na pala 'yung photographer na ni-rent nila. Nakasuot lang ito ng mask na nagpataas sa kilay ko, samantalang nag thumbs up na si John bilang pagbibigay senyales na handa na kami.
"3... 2... 1." Pagbilang nung photographer bago kami kinuhanan ng litrato. Hindi ko nagawang ngumiti dahil titig na titig lang ako sa mata nung photographer na 'to. Nakatingin lang din siya sa akin kaya nanliit ang paraan ng aking pagtingin.
"Uy, ngumiti ka naman!" Wika ng isa kong kaklase na babae bago pa man niya mai-stretch ang kaliwa kong pisngi habang sa kanan naman si Mirriam. "Cheese!" Sabay nilang saad upang maglabas ng ngipin habang nakangiti.
Pairap kong inilipat ang tingin sa harapan at hinayaan sila sa gusto nilang gawin.
Trixie's Point of View
Inis akong nagpakawala nang hininga at sumalong-baba. "Nakakainis naman, sobra na nga akong nagpa-ganda ngayon pero wala man ni isa sa mga boys natin ang nagpa-picture?" Daing ko at kumamot sa aking ulo. Kumukulo nanaman 'yong dugo ko.
Nandito lang din kaming tatlo sa hindi kalayuan at nakaupo sa mga party chair habang naghihintay ng alok ng mga boys namin. Pero ni isa sa kanila, walang lumapit. B*tch.
"Maski naman ako" Segunda ni Kath at tulad ko ay sumalong-baba siya.
"Boys these days can't stay dedicated to the simple girl like me" Ani Aiz at uminum ng Juice. "Dapat sa mga ganoong lalaki ay pinapakulam na, eh." Dugtong pa niya at sinabunutan ang sarili, mukhang tanga lang, eh.
"Maryo'n ba?" Tanong ni Kath na mukhang interesado.
"Karamihan sa probinsya, mayro'n." tugon ni Aiz.
"Oh, mayroon pala, eh? Punta ka na Aiz" Sarkastiko kong sabi at inirapan siya.
"What? Are you guys crazy? Ka-stress, hindi niyo ba kayang maging mangkukulam?" Pabirong tanong ni Aiz at kinuha ang press powder sa kanyang bag, nagsimula nanaman siyang mag re-touch. Ganyan siya kapagka nai-stress, kahit na kakapulbo lang niya, mag rere-touch pa rin siya.
"B*tch" Kinuha ko ang juice na iniinum niya kanina. Nakakaloka lang 'yung pagiging maarte ng bruhang ito. Ang sarap niyang sabunutan.
"Gosh! I have to be pretty para mapansin na ako ni Harvey" At naglabas na rin ng pang retouch si Kath. Nagpakawala ako ng hininga at irap na inilabas ang mga make-ups ko.
"Bongga"
Haley's Point of View
Hawak-hawak ko ang panga ko nang makaramdam na ako ng pagkangalay.
Sunod-sunod na 'yung pag take namin ng litrato at habang tumatagal ay hindi na ako natutuwa kaya lumayas na ako.
Nagsimula na rin 'yung party at nagsasasayaw na sila ro'n sa gitna. Mahigit isang oras ng wala sina Jasper.
Tinawagan ko na rin sila pero wala pa ring sagot. Tumawag din ako kay Harvey pero out of reach siya.
Umupo ako sa party chair at mabigat na bumuntong-hininga. Inangat ko ang cellphone para tingnan ang pangalan ni Reed sa screen. "Tatawagan ko ba?" Mahinang tanong sa sarili.
Muli akong nagbuga ng hininga, hindi napansin na mayro'n nanamang tao sa likuran ko. Ipinatong niya ang kanyang kamay sa balikat ko. "Is anything giving you a hard time?" Tumaas ang balahibo ko nang bulungan ako sa mismong tainga ni Rose. "Kailangan mo yata ng masahe, ah? I'll do it for free?"
Pumaharap ako sa kanya't dali-daling umatras palayo sa kanya.
Kung tatanungin ako kung kanino ako takot, baka itong babaeng manyak na 'to ang isagot ko. She's dangerous that I don't want to mess up with her.
Bumungisngis siya't inangat ang parehong kilay na may kasamang panlilit ng kanyang mata. "Ba't ka lumalayo sa akin ng ganyan? It's true that you looked sexy but," Dinilaan niya ang upper lip niya na mas nagpataas sa balahibo ko. "...I won't touch you unless you want me to." Biro niya kaya namumula kong ipinikit ng mariin ang mata ko.
"Stop it! I'm telling you, I'll smack you!" Asar na suway ko sa kanya.
Humagikhik siya. "Napaka pure na babae naman ire." Wika niya't inilagay ang kanang kamay sa beywang. "Nasa'n na ba sina Jasper? Nagsisimula na 'yung party, wala pa rin sila."
Nag lay low na ako at tinignan ang wrist watch ko.
"Beats me. Wala pa silang text sa 'min mula kanina." Sagot ko at tumingin sa hindi kalayuan, na siya naman ang kasabay ng pag anunsiyo ng kaklase ko na nandito na raw sila Harvey.
Napalingon kami ni Rose sa tatlo na ngayon ay nasa entrance. "Nandiyan na pala sila, eh." Saad ni Rose at lumakad na papunta sa kanila. "Pa-importante kayong tatlo, ah? Sa'n kayo galing?" Pambubungad ni Rose habang nanatili lang ako sa pwesto ko.
Sinalubong din sina Harvey ng mga kaklase ko habang nakatuon lamang 'yung atensiyon ko kay Reed na tumatawa habang kausap ng iba.
Medyo nakiliti 'yung tiyan ko, alam kong party ang in-attend-an namin pero talagang nag-ayos siya.
His looks could easily kill, my heart can't even handle it. But--!
I was about to walked towards him but when our eyes met, makikita mo 'yung biglang paglaho ng ngiti niya, pagkatapos ay inilayo ang tingin para makipag chitchat sa iba.
Umawang-bibig ako. What?
Muli akong umupo sa party chair at ibinaba ang tingin sa sahig. Totoong madalas kaming mag-away pero, may problema ba kami?
Pakembot kembot na nilapitan ni Trixie si Reed upang hawakan ito sa kamay at hilahin siya. Mula rito sa kinauupuan ko, halatang nag-aaya ng sayaw ang babaeng 'to ayon sa paraan ng pagkilos at galaw niya.
Inaasahan kong tatanggi si Reed pero nagulat ako dahil binigyan si Trixie ng lalaking iyon ng napakaganda't napakatamis na ngiti, nakita ko pa ang pagtango niya bilang pagpayag sa pag-aaya ni Trixie ng sayaw dahilan magtititili ito ngayon sa gitna.
Kumulo ang dugo ko't lumalaki ang butas ng ilong ko sa inis.
Tumayo na lang akong muli upang umalis.
Pumunta ako sa lugar na pwede akong mapag-isa.
May nakita akong pinto sa kanang bahagi kaya iyon ang pinuntahan ko, binuksan ko ang pinto saka bumungad ang Dim mini bar. Malamig din dito sa loob kaya napahawak pa 'ko sa aking mga braso bago pumasok.
Sa hindi kalayuan, nandoon 'yung lalaki't nagpupunas ng wine glass. Nakasuot siya ng plain white sleeve at bow tie. "Ngh."
Lumakad ako palapit sa kanya at umupo sa Kelly Bar Chair.
Lumingon siya sa akin, ang bata pa ng itsura niya.
Ngiti siyang humarap sa akin at nakipag-eye contact. Bumuka nang kaunti ang bibig ko dahil mayro'n din siyang mata na tulad nung kay Kei, kulay asul.
Kumuha siya ng isang baso at inilapag sa harapan ko, nagsalin siya ng tubig doon. "It's not good for a good woman like you to come here."
Sumimangot ako. "The greatest accomplishment of a bartender lies in his ability to exactly suit his customer. That is what Harry Gordon Johnson said, right?" I said.
Umangat ang magkabilaan niyang kilay pagkarinig pa lang niya ng linyahan na iyon. "How did you know that line? Are you interested in bartending? Have you tried drinking before?" Sunod-sunod niyang tanong. He's too bubbly for a bartender, I guess.
"No, and not really." Sagot ko na tinanguan niya.
"I see, then what do you want to drink, Miss in Black Dress?" Sinusubukan talaga niyang tanungin 'yung pangalan ko.
Ininum ko muna 'yung tubig na inalok niya bago yumuko. "Kahit na ano." Sagot ko nang hindi binibigay ang pangalan ko.
Naramdaman ko 'yung kanyang pag ngiti. "One shot glass for you, Miss." Sabay lapag ng shot glass sa aking harapan. Kumuha siya ng isang alak at sinalinan ang shot glass ko. May kulay ito ng pula pero habang tumatagal ay nagiging Dark Red ito. "This is a Red Zinfandels, it is often sweet and floral. The sweetness came from a fortuitous accident and a perfect wine to pair with the all meal of anything cooked on the barbecue, pero huwag mo 'tong maliitin lalo na't hindi ka madalas uminum." Mahabang litanya niya at inilayo na ang bote. "It's on the house." He added.
Tinitigan ko naman 'yung shot glass na mayro'n ng laman, dahan-dahang kinuha at inangat ang tingin sa bartender na ito. Nanatili pa rin 'yung ngiti sa labi niya.
Ibinaba ko ulit ang tingin sa shot glass, medyo matagal din ang pagtitig ko ro'n nang bigla kong marinig ang boses ni Lara sa utak ko. "Hailes."
Sa gulat na narinig ko ang boses niya, na sa paulit-ulit na pagpapakita niya sa panaginip ko ay diretsyo kong nilagok ang alak na iyon at nanlaki ang mata nang mabilis na gumuhit sa lalamunan ko 'yung init.
Naubo ako kaya naglapag naman ng napkin (tissue) ang bartender na iyon. Inangat ko ang tingin sa kanya kaya nakikita niya ngayon ang mukha ko. "You easily get drunk, I supposed that is already enoug--"
Tumungo ako. "Isa pa."
"Pardon?" Pag-uulit niya kaya inangat ko ang ulo ko na may kasamang pagsalubong ng kilay.
"I-SA PA!" Pag nguso ko pero nginitian lang niya ako.
"But you're drunk, Miss--" I cut him off.
Tumayo ako at inilapit ang shot glass sa mukha niya. "I know I'm drunk! But let me forget all those sh*ts!" Pag-iling ko at inilapit ang mukha sa kanya dahil pakiramdam ko ay lumalayo siya sa akin habang tumatagal.
"But drinking won't let you forget whatever you've in mind, it will just trigger y--"
Inagaw ko mula sa kamay niya ang bote at sinalin iyon sa shot glass ko.
Mabilis kong nilagok iyon, mas gumuhit ang init sa lalamunan ko. Nang ilapag ko sa Counter table 'yung shot glass ay gumewang na ako nang kaunti.
Bigla rin akong sininok.
Dahan-dahan kong inangat ang tingin kay kuya Bartender. Mukha siyang nag-aalala pero lumapad ang ngiti sa labi ko't humalakhak. "Hoy, Kuya na asul ang mata. Umiikot ako." Sabay sinok.
"Y-You're too vulnerable at this, Miss." Nauutal niyang saad.
Tumawa lang ako 'tapos inusog ang shot glass. "Bigyan mo ako ng mas matapang, tingnan natin kung mapapatulog na ako." Napapapikit na ang mga mata ko habang sinasabi ko iyan subalit bumuntong-hininga siya kaya
"What are you sighing about?! Gimme!" Pagtapik ko sa lamesa niya kasabay ang pagbukas ng pinto sa likuran ko. Lumingon kaming pareho ro'n at nakakatawang isipin na nakikita ko si Reed.
Pero mas natawa ako kasi habang nagmamartsa siya palapit sa akin ay nagiging tatlo sila. "Why are you here?" Malumanay niyang tanong pero bakas sa boses niya ang galit.
Humarap ako sa kanya 'tapos mas natawa. Tinuro ko 'yung tatlong Reed na nakikita ko. "Isa, dalawa... Tatlo." Pagbilang ko at umismid. "Tatlong Reed pero tanga tanga pa rin."
Tumaas ang kaliwang kilay niya. "Are you drunk?" Sabay lipat niya ng tingin sa shot glass na ininum ko. Pagkatapos ay galit na napatingin sa bartender. "Bakit mo siya hinayaang uminum?!" Singhal niya pero hinawakan ko lang ang magkabilaan niyang pisngi kaya napaatras siya.
"Hoy, Reed. Wala kang karapatan na pagalitan 'yang parekoy ko, ah? Tinutulungan lang naman niya akong makalimot, eh." Mas naguluhan siya sa sinabi ko pero tinanggal ko lang sa pisngi niya ang dalawa kong kamay saka itinagilid ang ulo ko habang pilit na pinapanatili ang maayos kong pagtayo. "Sana hindi na lang nangyayari 'yung mga gano'ng bagay. Nang hindi nanaman ako nagkakaganito."
Marami akong tinutukoy, marami akong reklamo, maraming bagay ang gumugulo sa utak ko pero ni isa ro'n ay hindi ko magawang mailabas.
Ano nga ba ang pinakadahilan kaya ako nakakaramdam ng ganito?
Hinawakan niya ang kamay ko pero pabagsak lamang akong napaluhod at nagsimulang mag-iiiyak. Wala akong ideya kung gawa lang ito ng alak na ininum ko pero ang bigat bigat sa dibdib, gusto kong iiyak lahat.
"Pagod na ako, Reed... Pagod na pagod na." Paanas pero sapat lang upang marinig niya. "Gusto kong..." I paused, but he lifted me in bridal style, wrapping his hands around my waist and one of my legs
I didn't want to refuse, pero pagod na talaga ako't nahihilo na. "Uuwi na tayo." Malungkot niyang tugon habang nakatitig lang ako sa mukha niya. He's so close...
Ipinikit ko ang mata ko't pinakinggan ang pagpintig ng puso niya.
Kung panaginip lang ito, huwag n'yo na akong gisingin.
*****