23 Gynophobia

Chapter 23: Gynophobia

Haley's Point of View 

Binuksan ko ang gate at pumasok na sa mansion para dumiretsyo sa kwarto ng "Boss" ko para ibigay sa kanya ang pinapabili niya. Hindi ko pa rin matanggap 'yong fact na utusan n'ya ako ngayon habang nagpapakasaya siya na makita akong nahihirapan. What a sadist freak. 

Pinihit ko na ang doorknob at pumasok, laking gulat noong sina mama ang bumungad sa 'kin. 

"Ma... You're back." sambit ko na marka pa rin sa mukha ko ang gulat. Nagpameywang si mama at sinimangutan ako. 

Parang nagtatampong bata. "Why? Don't you want to see us?" 

Nagpameywang din ako katulad ni mama, "Ikaw lang nagsabi no'n, hindi ako." Iyong ginagawa n'yang expression ngayon ay walang pinagkaiba sa ginagawa ko ngayon. Pero mas sumimangot ako nang may sabihin siya sa akin.

"Hindi ka sweet" aniya kaya iling akong naglakad palapit sa kanila. 

"Kailan pa kayo nakabalik?" Tanong ko nang mahalikan ko ang pisnge nilang dalawa ni papa. Ang lambot, ganyan na yata ang nagagawa ng lamig sa balat ng tao. 

Nginitian ako ni papa, "Kani-kanina lang, hinahanap ka nga namin kay Harvey, pero sabi niya lumabas ka muna raw saglit" oo, pinapahirapan kasi ako ng anak ng business partner n'yo!

My mom spread her arms para i-ready akong yakapin, "Grabe, na-miss ka namin!" si mama na halata ngang sabik akong makita. Napahawak ako sa batok ko't niyakap siya. 

'Di kasi talaga ako palayakap dahil nahihiya ako.

"I miss you too ma, but please... Stop it, I can't breathe..." binitawan niya kaagad ako gaya ng sinabi ko.

Humingi ng pasensya at natawa. "Kamusta ka naman dito? Hindi mo naman ina-away si Harvey?" pang-aasar ni papa. Kung alam mo lang kung ano'ng ugaling mayroon si Harvey, naku! 

Saka siya nga ang nang-aaway, eh! Hindi ako! 

"Papa naman!" Tumawa siya tapos ginulo ang buhok ko kaya natawa ako, pero saglit lang 'yon dahil may naalala ako.

Naalala ko ang sinabi ng teacher ko dati na ang sabi, iba pa rin ang pagmamahal ng tunay na ama sa pangalawa mong ama 

Siguro tama nga ang guro na 'yon kung aalalahanin ko ang pagmamahal ng tunay kong ama.

Kaso anong magagawa ko? Ito na, eh. Nangyari na. Iniwan n'ya kami sa hindi ko malamang dahilan. 

But I'm not saying na pinagsisisihan ko ang pagdating ng step father ko sa buhay namin. I believe that everything happens for a reason. 

Still, I can't deny that I'm still looking for an answer. Why did he left? For what reason that he did it? 

Hindi ko naman maitanong si mama dahil s'yempre. Tapos na at naka move on na siya.  Sadyang ako lang talaga itong

...Hindi pa. 

"Haley! Hi!" napalingon ako kay tita Cory na kasama si tito Alexander. Kapapasok lang nila sa loob.

Ito talaga sila mama! Sila pa ang nauna sa loob, hindi man lang hinintay sina tita Cory.

Humarap ako sa kanila at nginitian sila para batiin din, "Hello po, long time no see"

"How are you here? Okay lang ba?" tanong ni Tito nang mahawakan ang kabilang balikat ko.  Medyo nailang ako.

"Okay lang po" sagot ko tapos napatingin kay tita na ngayon ay nakangiti sa akin ngayon. Hindi pa rin n'ya tinatanggal 'yong suot suot n'yang black shades. Naka-heels pa siya hanggang ngayon.

Parang kagagaling nila sa party kanina bago umuwi rito sa mansion.

"Oh, nandito na pala si Harvey" tukoy ni papa sa paparating na si Harvey mula sa taas. 

Ano? Enjoy ba pagiging boss at nag-uunat ka pa diyan?! 

Ibinaba na ni Harvey ang kanyang kamay na iniunat niya kanina 'tapos binati ang parents niya gayun din ang parents ko.  

Pagkatapos ay napatingin na si Harvey sa akin at binigyan ako ng matalim na tingin. Pero pinandilatan ko lang siya para sabihing hindi ako natatakot sa kanya. 

T*ngina mo, magkamatayan tayo rito. Ipakita mo lang 'yang baho mo sa magulang mo. 

***

UMAKYAT NA AKO pagkatapos ng pag-uusap namin sa baba. Nasa likod ko si Harvey kaya inihagis ko sa kanya ang white chocolate habang hindi nakaharap sa kanya.

"5 days na lang... Tandaan mo 'yan, ah?" pagpapa-alala ko noong makahinto ako sa paghakbang.  Nakalingon na rin ang ulo ko sa kanya.

Umismid siya, "But before that, get ready" natawa ako dahil sa pananakot niya. 

Dinaan pa niya ako sa pananakot niya, nakakainis.

Hindi ko na lang ipinakita ang pagka-bwiset ko sa kanya at nginisihan lang s'ya. "I can't wait, hindi ba p'wedeng ngayon na lang?" hamon ko at humarap sa kanya.

Kita sa mukha niya ang kaunting pagka-irita dahil sa medyo lukot din ang mukha niya. 

Inilagay ko ang kaliwang kamay ko sa beywang ko, "May iuutos ka pa ba sa 'kin ngayon?" Sabay lapit ko sa kanya pababa, kaya ngayon ay magkapantay na kaming pareho. "Master" I said seductively while putting my index finger on his chest.

Yuck, mandiri ka self! 

Kita ko ang paglunok ng laway niya't saka umiwas ng tingin, "Huwag ka masyadong magmadali, darating tayo diyan, sa ngayon maliligo muna ako at pagkatapos 'non, uutusan na kita" bakas sa boses n'ya na kinakabahan siya. Amusing...

Matamis kong nginitian si Harvey kaya napatingin ulit siya sa 'kin. "Master" gumamit pa 'ko ng boses na akala mo'y inaakit siya. Umurong siya ng kaunti at medyo nanginig. 

Umatras ang isang paa niya, "A-ano bang klaseng arte 'yang ginagawa mo? T-tgilan mo nga 'yan" umatras pa siya ng isang hakbang. Pa-simple akong bumulong sa hangin.

Ayoko talaga 'tong iniisip ko, pero...

Iginala gala ko ang hintuturo ko sa dibdib niya which made him very surprised, "M-Master... Will you let me..." inangat ko ang tingin para tingnan siya ng diretsyo, "Rub your back?" Tumulo ang pawis niya at ngayon, maniwala kayo o sa hindi, pulang pula na ang mukha niya. Parang kamatis na sa sobrang pula. 

Mas lalo tuloy akong napangisi...

Ngayon ko lang nagustuhan si Harvey. Gustong asarin... 

Lumayo siya sa akin, "Y-Y-You... YOU'RE FIRED!" sigaw niya at mabilis na umakyat para makabalik sa kwarto niya. Nabunggo pa nga n'ya 'yong balikat ko. Lumingon ako sa kanya at taas kilay na ngumisi. 

Oh.

Kinuha ko sa bulsa ang phone ko at mabilis na tinext si Kei. 

To: Kei

I finally found his weakpoint, I'm right. 

Sent. 

Inilagay ko ang phone ko sa bulsa ko. Ganito kasi 'yong pagkaka paliwanag ni Kei sa akin...

Flash Back:

Puro takbuhan ng mga bata ang nakikita namin ngayon sa harapan namin.  Naghahabulan sila at naglalaro sa mga lupaan. 

Hindi kami umuwi ni Kei kaagad at nandito kami sa Green Park pagkatapos namin maglinis ng classroom sa old building. Ayun 'yong araw matapos ang punishment. 

"Ganyan ba talaga 'yang kaibigan mo? Hindi na makatarungan 'yan, eh!" paglalabas ko ng sama ng loob. 

Hindi ko naman kasi sinasadyang mabasag 'yong vase niya! Nakaharang naman kasi 'don kaya ko nasanggi. Augh. 

Ngumiti siya, "Yeah, kahit ako noong una, na-blackmail na niya. Ayun lang kasi ang paraan niya para maging masaya." hayup, nanggamit pa talaga siya ng tao.

"Pero alam mo bang hindi natuloy?" taas-kilay ko siyang tiningnan. Tatanungin sana kung bakit pero naalala kong gusto nga pala ni Harvey si Kei. 

Kaya nevermind. 

"You know why?" tanong ni Kei kaya tumango na lang ako kahit alam ko na ang sagot. 

Iniipit niya ang hibla ng buhok niya sa tainga tapos tumawa. Ipinatong din n'ya 'yong dalawang siko n'ya sa tuhod. 

Naka-upo siya sa swing habang naka-angat ang tingin. Nakatayo lang ako sa gilid niya. Nagpapatangkad ako, eh. 

"Because I touched him." simpleng sagot niya na nagpakunot-noo sa akin. 

"What do you mean?" taka kong sabi. 

"Ewan ko kung napansin na rin 'to nila Reed pero ayaw talaga ni Harvey na hinahawakan siya." tumingala siya na para bang may inaalala, "Kung 'di ako nagkakamali, dumugo yata 'yong ilong n'ya sa tuwing nahahawakan siya or may salita na pwedeng magparamdam sa kanya ng hiya." ibinaba na niya ang ulo niya para ibaling ang tingin sa 'kin, "Well, I'm not sure. Pero kadalasan kasi sa babae lang umaatake ang nosebleed niya, iyong nosebleed na hindi pangkaraniwan?" humalukipkip siya't pumikit. "Ayokong isipin ito pero para kasing may tinatago siyang sakit." 

Humalukipkip din ako gaya niya at nag-isip. I want to think that he's a gay but he likes this woman.

Kaya baka... 

I hummed, "I think may idea na ako kung bakit ganoon siya." sabi ko nang hawakan ko ang baba (chin) ko. Mabilis naman siyang lumingon sa akin at sinimulan na akong kulitin. 

Siningkitan ko ang singkit kong mata na tiningnan siya, "Ganyan mo talaga kagusto si Harvey, ano?" tanong ko. Hindi pa niya sinasabi sa akin na gusto niya 'yong impaktong iyon, sadyang halata lang din talaga sa paraan ng pagtingin niya kay Harvey. 

Pareho sila no'ng impaktong iyon. 

Namula ang pisnge niya, she's blushing. "N-no! Bakit ko naman siya magugustuhan?" sinagot ko naman kaagad ang tanong niya. 

"Aba, malay ko rin sa 'yo" inis kong tugon. 

Napatingin ang mga bata sa 'min na kanina ay naglalaro."Nag-aaway po ba kayo?" tanong ng bata dahilan para pareho namin s'yang tingnan. 

Umalis sa pagkaka-upo sa swing si Kei at nilapitan ang bata. Yumukod s'ya at nginitian ang batang lalaki, "Hindi kami nag-aaway" at hinimas niya ang buhok ng bata. "Maglaro na kayo ro'n, your friends are waiting for you" turo ni Kei sa kaibigan ng bata sa hindi kalayuan.

Tumango 'yong bata at tumakbo papunta sa mga kaibigan n'ya. Tumayo na ng maayos si Kei at humarap sa 'kin, "How did you know?" pag-amin niya kaya nagkibit-balikat lang ako. 

Inalis ko na ang pagkaka-krus sa mga kamay ko't lumapit sa kanya, tumabi ako sa tabi niya pero magkatalikuran kami.  

"But here's a thing. Mayro'n siyang Gynophobia1." teorya ko kaya napalingon naman siya sa akin. 

I think alam niya kung ano ang tinutukoy ko kaya ganyan na lang din siya kung makapag react. 

"What? Paano mo nasabi?" hindi makapaniwala si Kei

"I'm still not sure, pero aalamin natin" sagot ko at nginisihan siya, "And you also need to help me, of course." pagtaas ko ng dalawa kong kilay kaya napatitig na ang kulay asul na mata ni Kei sa mata ko. 

End of Flash Back:

Right, but still it's funny na nag e-exist pa rin pala talaga ang gano'ng klaseng phobia. 

Pero paano naman n'ya nakuha 'yon?

Umiling-iling ako. Sandali, may naalala ako! Isang beses na pinagtrip-an niya ako sa kama? 'Yong dapat na hahalikan niya ako?

Kung sakaling may gynophobia siya, hindi ba't dapat... Hindi siya makakalapit sa akin?

Napatingin ako sa pinto ni Harvey. Pumikit ako at bumuntong-hininga.

***

DUMIRETSYO NAMAN ako mansion nila Kei para papuntahin siya sa mansion nila Harvey.

Isasagawa na namin ang operasyon namin!

Pinindot ko ang door bell kaya siguradong tumunog na ito mula sa loob. Mga ilang minuto sa kakapindot ko ay may lumabas na, akala ko hindi na ako pagbubuksan, eh.

"Ate Haley!" tawag ni Rain na may ngiti sa kanyang labi. Ang sigla talaga ng batang 'to. 

Mas binuksan niya 'yong gate. "Pasok ka" pagpapapasok niya sa 'kin. 

Iwinagayway ko lang ang kamay sa harapan ng dibdib ko, "Hindi... Okay lang, hindi naman ako magtatagal, itatanong ko lang kung nandiyan si Kei" her eyebrows suddenly furrowed.

"She went out together with kuya Jasper" sagot n'ya. 

Nadismaya ako ng kaunti, "Ay, gano'n ba?" natanong ko na lang. Hay naku, may kailangan pa naman akong ipagawa sa kanya.

Naghimasok naman sa usapan ang naka-topless na si Reed. Saan nanggaling 'tong mokong na ito? 

Tumalikod ako para hindi makita ang katawan niya. How rude! 

"Oh? Nandito ka? Sino hinahanap mo?" tanong niya na ramdam kong nasa likod ko lang

Huminga ka muna, Haley. Hinga... Hinga... Chill ka lang, okay? 

"Haley?" tawag niya sa 'kin pero hindi lang ako nagsalita. Paano ako makakasagot kung ganyan ang itsura n'ya? Walang hiya talaga, animal.

"Kuya! Magsuot ka nga ng T-Shirt! Hindi ka na natuto, may babae sa harap mo!" suway ng kapatid kaya napatingin naman ako sa ibang side. Tama 'yan, Rain. Pagalitan mo. 

Ginawa naman 'yon ni Reed.  Nagsuot siya ng T-shirt na nakasabit sa kaliwang balikat niya. 

Hindi lang ako sanay na may naka-topless na lalaki, ang awkward lang din kasi para sa akin. 

"P'wede ka ng tumingin, ano'ng hinihintay mo? Pasko?" pang-aasar ni Reed kaya nang makaharap ako sa kanya ay kaagad ko siyang sinapak. Nakakapikon ka talaga, Reed Evans! 

"Bakit mo ako sinuntok!?" naguguluhan niyang tanong habang nakahawak sa pisnge niya na sinapak ko. Medyo namula nga 'yong mukha niya, eh.

Pumadyak ako sa damuhan, "Tama ba na humarap ka sa babae na gano'n ang itsura mo?! Pervert ka talaga, ano?!" namumula at inis kong bulyaw sa kanya. "Gustong gusto mong pinapakita 'yang tiyan mong burat!" 

Hindi ko napapansin na palipat lipat na 'yong tingin ni Rain sa 'min. 

Mukha namang na-insulto siya sa sinabi ko kaya umabante siya ng isang hakbang para makipag-away rin sa akin, "Para sabihin ko sa 'yo, ah? Hindi kita type! Makapagsabi ka niyan sa tiyan ko--Sige! Ipapakita ko ulit sa 'yo 'yong kagandahan ng abs ko!" huhubarin pa sana niya 'yong damit niya pero tinadyakan ko na siya kaya tumalsik ito at nagpagulong-gulong sa damuhan. "K-kakaligo ko lang, eh..."  

Umismid ako at itinapat sa kanya ang middle finger ko. Samantalang napasapo na lamang si Rain ng mukha niya kasabay ang pagdating nila Kei at Jasper. 

Hindi na ako nagsayang ng oras at iginiya ko na si Kei papunta sa kung saan, "S-saan tayo pupunta?" naguguluhan niyang tanong. 

"Just come with me." paghihila ko sa kanya palayo sa ugok na Jasper na iyon.

Kumaway si Rain bilang pagpapaalam. 

Harvey's Point of View 

Nang maimulat ko ang mga mata ko ay napagtanto kong nakagapos ang mga kamay at paa ko habang nakahiga sa sariling kama. Itinali n'ya ang dulo ng tali do'n sa bawat gilid ng kama ko.  

Kaya ang itsura ko ay parang naka-X.

Pilit akong kumakawala kaso ang higpit talaga ng pagkakatali sa akin. Ayos din 'to, ah? Ano 'to? May nakapasok na magnanakaw? Sesesantehin ko 'yong mga guard kung gano'n.

May pumasok sa kwarto ko. Si Haley na nakasuot ng hindi maipaliwanag na ngiti--Hindi. Isang mapang-asar na ngisi. 

Inangat ko ang ulo ko, "Hoy! Ano'ng ginagawa mo!? Bakit nakatali ako!? Pakawalan mo nga ako bago pa kita sapakin diyan!" babala ko sa kanya. Sinara niya ang pinto, hindi pa rin natatanggal sa mga labi niya ang ngiti.

Tila para bang may pinaplano s'ya na hindi maganda. 

"Bakla ka?" ayan lang ang natanong niya. Hindi niya pinansin 'yong sinabi ko kanina. 

Argh! Sinusubukan ng babaeng ito ang pasensya ko. 

"Kapag ako nakawala dito, humanda ka!" babala ko sa kanya pero nagkibit balikat lang siya na animo'y confident na hindi talaga ako makakawala. Ibinaling niya ang tingin sa banyo at sumenyas.

"Kei, labas na" lumabas na nga si Kei gaya ng sabi ni Haley. Dahan-dahan siyang umalis doon, nakasuot ng maid uniform ng parang katulad sa uniporme sa maid café.

Namumula ang buong mukha niya habang nakayuko. Medyo pinagpapawisan din siya. What is she doing here? Kanina pa ba s'ya nasa banyo?

Lumingon siya kay Haley, "This is unfair! Pati ako, bina-black mail mo!" pinatong lang ni Haley ang kamay niya sa balikat ni Kei. Tinitingnan ko lang sila at hindi nagsalita. 

"Okay lang 'yan, susunod ka lang naman sa sinasabi ko at hindi ko sasabihin 'yon" chill na sabi ni Haley na may patango-tango pa. 

"Ano'ng okay 'don?!" sabay na react namin ni Kei. Dahan-dahan niya kaming tiningnan isa-isa tapos inirapan kami. 

"Magtiwala ka sa 'kin Kei, this is for his sake, hindi p'wedeng itago niya na lang 'yong sekreto niya habambuhay" Sekreto?

Walang nagawa si Kei kundi ang tumango at determinadong tiningnan ako. Ang lakas makapagpa-brainwash ang babaeng 'to! 

Lumapit siya sa akin kaya medyo kinabahan na ako, "Ano'ng gagawin mo?" hindi siya sumagot at pumatong lang siya sa may tiyan ko. Oh, crap! No! No! No! No! No!

"Hey! What the hell are you doing Kei!?" hindi ko mapigilang hindi siya pagtaas-an ng boses dahil sa gulat. 

Inilipat ko ang tingin kay Haley na sobra kung makangisi ngayon, "What did you just do to her?!" tanong ko pa pero binelatan lang niya ako. Binubuksan na ni Kei ang buttones ko kaya napatingin ulit ako sa kanya, "K-Kei?" hindi niya binuksan lahat ng butones ko pero nakikita na ang dibdib ko. 

Bumuka ang bibig ni Kei na animo'y namamangha sa nakikita ng mga mata.

"Oh... So, this is how it looks like? Matagal ko na ring hindi 'to nakikita" mapang-akit na boses na ani Kei.  Nakatalikod lang sa amin si Haley na para bang iniiwasang makita ang ginagawa ngayon ng kaibigan niya. Takte, ano ba'ng sinabi niya kaya ginagawa 'to ngayon ng inosenteng si Kei?!

"Hindi ko alam 'tong ginagawa n'yo, ah? Pero kung ako sa inyo, itigil niyo na 'to bago ko--" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko noong dumikit ang hintuturo ni Kei sa aking dibdib. 

Nakatulala ako sa kawalan at hindi kaagad nakagalaw. 

Hanggang sa iginala niya ang index finger niya pababa, pataas, paikot ng dahan-dahan.

"Har-Vey" inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko. Kaya ngayon ay mas nakikita ko ng maigi ang mukha niya.

Putek... Hindi ko na kaya...

"Harvey..." bakit kailangan niyang umarte ng ganyan?!

Naramdaman ko ang likido na bumababa ng paunti unti sa ilong ko. Hindi ako p'wedeng magkamali na dugo ang lumalabas 'don. 

Nanlaki ang mata niya, "Haley, ni-nosebleed siya" wika niya na tila parang ine-expect niya rin ito. Humarap si Haley sa amin 'tapos lumapit. 

Tumango siya at ibinalik ang tingin kay Kei, "Tama, may Gynophobia nga siya." sambit niya kasabay ang pag-alis ni Kei sa pagkakapatong sa akin. 

Gynophobia...?

Inangat ko ang ulo ko,  "Pakawalan mo na kasi ako...!" Pangungulit ko kaya bumuntong-hininga siya.

"Ayoko nga." tinatamad na sabi ni Haley na may pagkibit-balikat pa. 

Nag bow si Kei, "S-sorry, Harvey" pahinging paumanhin ni Kei na hindi na inaangat ang ulo pagka-bow niya.

Kita sa kanyang mukha ang sobrang pagpula lalo na ang tainga niya. Naka-angat lang ang ulo kong nakatingin kay Kei nang ibagsak ko na lang iyon sa unan. 

"F*ck." 

avataravatar
Próximo capítulo